You are on page 1of 11

Si Onsang Oso-

Ang Mayabang na
Oso
Si Onsang Oso ay iba sa
lahat ng Oso. Siya ay isang
mayabang na oso.
Pumapasok siya sa opisina.
Sa hotel siya nakatira.
Maraming ibig
makipagkaibigan sa kanya
ngunit siya ay suplada.
Ultimong Obispo ay no
pansin sa kanya.
Daan muna Onsang Oso,
halika ka na. “Sumalo ka
sa aming meryenda” ang
sabi ng mga dalagang
oso “ ”Ayoko! Ayoko!
Hindi ako kumakain ng
okra at okoy. Oras ko’y
mahalaga.
Sapagkat mayabang,
taas-noo kung lumakad.
Nagkandahulog sa balon
sa daan, mga kapwa oso
naman ay nagprisintang
tumulong. Di bale,
pagmamalaki niya, kaya
kong umahon.
Nagtiis maghapon sa
loob ng balon at init ng
araw, sumakit ang likod
at ilong biglang bigla’y
bumuhos ang ulan.
Tubig sa balon ay
lumalim nang dahan-
dahan.
Nanginig sa ginaw,
nanginig sa takot
Malulunod ako!
Saklolo! Saklolo!
Salamat na lamang, mga
oso ay tumulong
Dinala siya sa ospital,
dahil sa ubo at sipon.
Mula noon, si
Onsang Oso ay
nagbago. Natuto
nang makisama
at kumain ng
okra at okoy.

You might also like