You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Lingayen
S.Y. 2017-2018

NARATIBONG ULAT
Balik- Eskwela 2018

“Ang pagkakaisa ng bawat miyembro ng pamayanan ang siyang magdadala para sa isang
matatag at maunlad na komunidad”.
Noong Hunyo 4, 2018 ay ginanap ang Balik-Eskwela sa aming paaralan GNHS. Ito ay
bilang pagtatapos at paggawad ng sertipiko sa lahat ng nakibahagi at tumulong sa ginanap na
Brigada Eskwela noong Mayo 28- June 1, 2018. Ilan sa mga nakilahok sa aktibidad na ito ay
ang mga magulang ng mga mag-aaral at ganun narin sa mga magulang na miyembro ng 4Ps
at iba pa na may hangaring tumulong sa paaralan. Marami ang tumulong at nagmagandang
loob sa pamamagitan ng ng pabibigay ng tulong pinansyal, mga gamit ng mag-aaral tulad ng
notebook, lapis, ballpen at iba pa at maging sa nagbibigay ng kanilang serbisyo sa paglilinis,
pagpipintura ng ilang bahagi ng paaralan at ganun narin sa pagsasaayos ng ilang mga gamit na
maaari pang gamitin ng mga mag-aaral.
Hindi matatawaran ang kabayanihan ng bawat isa, sa hangaring tumulong at
makiisa sa aktibidad na ito. Ang Bawat isa ay masayang nakilahok upang ipakita ang kanilang
pagmamahal at pagkakaisa sa kanilang komunidad.

You might also like