You are on page 1of 3

Pangkat Bilang 1 Pamagat : Pagtatagpo sa Palawan Buod : Tinalakay dito ang sinaunang pamumuhay ng mga taga-Palawan.

Ang mga katutubong Palawan ay nabubuhay sa pag-aalaga ng hayop , pagkuha ng mga prutas at gulay, at pagkuha ng kabibe at perlas. Sa kolonisasyon ng mga Espanyol, sinimulan nila ang hispanisasyon sa probinsya. Hindi nagtagal ay naimpluwensiyahan nila ang hilagang Palawan. Ilang buwan lamang ang lumipas at nakapagbinyag na sila ng isang libong tao. Tinatalakay nito ang panahon ng prehistoriko hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa. Hangarin ng mga Espanyol na ipalaganap ang Kristiyanismo sa ating bansa. Nagtagumpay silang binyagan ang karamihan ng Pilipino bilang Katoliko subalit hindi nila ito napagtagumpayan sa buong Palawan dahil sa ilang rason, una walang humpay ng pagsalakay ng mga Moro sa mga Espanyol at ang pangalawa , ang walang sawang pagkapit o pagsunod ng mga katutubo sa tradisyonal na kaugalian. Kahit na naimpluwensyahan ng mga Moro ang mga Tagbanua at Palawan, nanitili silang nakapirmi sa kanilang sinaunang kalagayan. Pagsusuri : Ang kahulugan ng pamagat ng teksto ay ang pagtatagpong naganap sa Palawan ng mga mamayan nito at ang mga Espanyol. Hangarin ng mga Espanyol na maipalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Noong dumako sila sa isla ng Palawan, hindi maitatanggi na marami silang nabinyagan bilang Kristiyano. Paglipas ng ilang taon, hindi naging matagumpay ang mga Espanyol sa tangkang sakupin ang timog na parte ng Palawan. Nanaig ang mga Batak, Tagbanua at Palawan laban sa mga Espanyol at patuloy na nagkaisa ang mga ito. Ang ulat ay isa sa mga batis ng kasaysayan na ginamat ng may-akda sa pagsulat ng artikulong ito. Ang artikulo ay nagtatagalay ng pormal na salaysay ng mga kaganapan sa Palawan noong dantaong 16-19. Isinaad ng may-akda sa artikulo ang mga pangyayaring naganap sa partikular na panahon. Ginamit din ang malikhaing pagpapahayag sa paraan ng panitikan na sumasalamin ng katayuan ng Palawan noong prehistoriko hanggang sa panahon ng mga Espanyol. Ang artikulo ay maituturing na lokal na kasaysayan. Binigyan pansin ng mayakda ang pulo ng Palawan at inilahad ang mga mahahalagang pangyayaring naganap dito. Nilikha ang artikulong ito upang makapagbigay ng impormasyon at hikayatin ang mga mambabasa na pahalagahan ang kasaysayan kahit ito pa ay kasaysayan ng di kilalang lugar ng ating kapuluan. Ang artikulo ay maituturing din na kasaysayang kultural dahil ikinukwento dito ang paraan ng kanilang pamumuhay, kung ano ang kanilang kinakain, hanapbuhay at iba pa. Halimbawa na mula sa artikulo, Malaki ang naging impluwensya ng mga Moro sa uri ng kultura at pamumuhay ng mga taga-

Palawan. Ang halimbawa ay mula sa talata ng artikulo na tungkol sa kultura at pamumuhay ng mga tao. Ang artikulo ay tinalakay sa pananaw na wala pa masyadong alam ang mambabasa tungkol sa kasaysayan ng Palawan. Kadalasan ay kakaunti lamang o wala talagang alam ang mga tao tungkol sa kasaysayan ng Palawan. Maaaring ito ang dahilan kung bakit detalyado ang paraan ng pagsulat ng artikulo na ito. Maaari ding sabihin na tinalakay ito sa isang maliwanag na pananaw sapagkat naipakita ng artikulo ang mas detalyadong kasaysayan ng Palawan. Ang mga nilalaman din nito ay tumpak at malinaw na ipinakita para mas lalong maiintindihan ito ng mga mambabasa. Naiiba ang paglalahad ng artikulo sa aming dating kaalaman sa kasaysayan dahil una sa lahat, detalyado at sagana sa impormasyon ang ibinibigay ng artikulong ito tungkol sa pagtatagpo at kasaysayan ng Palawan. Ang ibang mga artikulo ay wala masyadong naibibigay na kaalaman o hindi kaya wala talagang naibibigay na kaalaman ukol sa kasaysayan at pagtatagpo sa Palawan. Pinakita rin ng artikulo, na hindi mahahanap sa iba ang kalagayan ng Palawan bago dumating ang mga Espanyol at ang kalagayan ng Palawan sa panahon ng kolonyalismo sa mga Espanyol. Nakaaambag ang aralin sa mga kaalaman sa kasaysayan sapagkat ipinapakita dito ang kalagayan ng Palawan noong panahon bago dumating ang mga Espanyol at sa panahong kolonyalismo ng mga Espanyol. Makikita rin natin ang isang mito tungkol sa pinanggalingan ng mga tao na maituturing natin na isang mahalagang bahagi ng ating kultura. Makikita rin dito ang pahayag ng mga ibat ibang dayuhan tungkol sa epekto ng kolonyalismo sa Palawan. Makikita rin natin ang malakas na impluwensya ng mga Moro sa Palawan na maituturing natin bahagi ng kasaysayan ng Palawan. Ang adyenda ng babasahin na ito ay para mapakita sa atin ang mga kultura ng taga Palawan at ang mga kulturang dumating sa Pilipinas. Gusto din ipakita ng babasahin na ito ang pagiging matatag at buo ng kultura ng mga taga Palawan. Ang kakulangan sa babasahing ito ay hindi gaanong dinetalye o pinaliwanag ang naging kalagayan ng mga katutubo noong panahon ng kolonyalismo. Ang bias sa babasahin na ito ay masyadong nakasentro ang artikulo sa mga Espanyol. Ang mga Moro ang naging hadlang sa pagsakop ng mga Espanyol sa Palawan, hindi nabanggit ang papel ng mga Batak at Tagbanua sa paglaban sa mga Espanyol. Maiuugnay ang artikulo sa panahon ngayon sa paraan ng pagiging buo ng sariling bansa. Ang Pilipinas ay kabilang sa third world countries ngunit naipagmamalaki pa rin ng mga Pilipino ang kanilang bansa. Sa panahon ito, ang mga Pilipino ay nagkakaisa pa rin tulad na lamang ng People Power I and II, ang mga Pilipino ay nagsama-sama upang mapatalsik ang mga mapang-abusong pinuno ng bansa. May mga panahon na nagkakaroon ng trahedya o mga pagsubok sa ating bansa pero ang mga Pilipino ay nananatiling isa at nagtutulungan. Kapag mayroong nangyaring hindi ka nais-nais sa isang kapwa Pilipino,maging sa ibang bansa man o dito, tinutulungan agad ng gobyerno at ng iba pang mga Pilipino ang nangangailangan. Kahit anong unos man ang dumating sa Pilipinas at sa mga Pilipino, mananatili pa rin itong buo at nagkakaisa.

May mga ilang suliranin sa pagbasa at pag-unawa ng artikulo tulad ng mga salita na hindi karaniwang makikita sa mga teksto, maaring mahirapang intindihin ng mambabasa ang teksto kung ito ay puno ng mga malalalim na salita. Isa pa sa suliranin ay ang istruktura ng teksto, dahil sa ganitong istruktura ng teksto , mahirap intindihin ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Maraming petsa ang nakasaad sa teksto na maaring maging sanhi pagkakagulo ng detalye ng mga pangyayari. Ang bawat suliranin ay may karampatang solusyon. Mairerekomenda ang mga solusyong ito upang matugunan ang mga suliranin na maeengkwentro sa pagbabasa sa tekstong ito tulad ng pag-gamit ng context clues o pagsusuri ng mga salita at pangungusap sa konteksto nito. Isa pa dito ang pag-gamit ng talahulugan o diksyunaryo upang maging mas malawak ang iyong bokabularyo. Sa ganitong halimbawa ng teksto, maaring gumawa ng timeline upang mas lalong maintindihan at malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring nakapaloob sa teksto.

You might also like