Professional Documents
Culture Documents
Organiko Di-Organiko
Organiko
Ito ang mga sariwa o nabulok na bahagi ng
halaman, mga pinagbalatan sa kusina, dumi
ng hayop, abo, at natunaw na basura
Di-Organiko
Ito ang abonong nabibili sa kalakalan o
handa nang gamitin. Ito ay nagtataglay ng
tatlong sangkap na mahalaga sa mga
halaman, puno, at bungangkahoy. Ito ay ang
mga nitroheno, posporos, at potasyum.
Ang nitroheno ang umaayos sa maliliit na
organismo at elektrolisis sa lupa. Pinalalaki
nito ang tangkay at dahon.
Ang posporos ay siyang nagpapalaki at
nagpapalago ng ugat at pinadadali ang
paglabas ng ubod ng bulaklak.