You are on page 1of 3

GULOD ELEMENTARY SCHOOL

UNANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA ESP 5


IKA-APAT NA MARKAHAN

Pangalan:_______________________________ Petsa:__________________________

Baitang at Seksyon:________Kasarian:______ Guro:__________________________

MELC : I. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng


pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang
pamayanan. ,pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat at pagkalinga at
pagtulong sa kapwa (EsP5PD – IVa – d - 14)
A. Panuto: Isulat ang tsek ( / ) sa patlang kung wasto ang pahayag at nagpapakita
ng pagsasaalang-alang sa kapuwa at, at isulat ang ekis ( x ) kung hindi.
______1. Maraming salamat at tinulungan mo ako kahit ngayon lamang tayo
nagkakilala.
______2. Gagawin ko ang lahat kahit ang mangopya sa aking kamag-aral. Sayang
ang pangako ni Daddy na bibilhan niya ako ng bagong gadget kapag ako ay
nakakuha ng pinakamataas sa pagsusulit.
______3. Ang tagal naman ni nanay, kailangan ko ng dagdag na baon. Kukuha na
lang muna ako sa pitaka niya.
______4. Sorry po Mam, ako po ang nakabasag ng plorera kanina. Patawad po
hindi ko agad sinabi
______5. Tabi nga! Nakaharang kasi kayo sa daan.
______6. Naku! Kawawa naman yun bata mukhang di pa kumakain. Mabigyan nga
siya makakain at maiinom
______7. Alis nga po diyan,sobrang bagal naman ninyong magtrabaho.
______8. Papayungan ko yun matannda basang -basa na ng ulan.
______9. Pasenya na po sa inyong pag-aantay gagawin po namin ang lahat para
sa inyo.
_____10. Igalang natin at suportahan ang bagong halal na pangulo ng bansa.

B. Panuto: Basahin ang kuwento.

Kasiyahan sa Pagtulong sa Kapuwa


Ako si Abby at masaya ako ngayon. Maaga akong gumising kaninang
umaga. Inayos ko na ang lahat ng gamit ko kagabi pa lamang. Tinawagan ko na rin
ang mga kaibigan kong sina Charlie, Hannah, Danny, Jules, at Miguel upang
ipaalaala sa kanila ang tungkol sa aming outreach program.
Ang guro namin na si Gng. Veles ay nakipag-ugnayan sa isang social worker
na si Ate Olive para sa dalawang outreach program namin. Isang in-campus at
isang off-campus. Ang in-campus ay may partisipasyon ng mga doktor para
magbigay ng libreng konsulta at gamot. May inihanda ring meryenda tulad ng lugaw,
crackers, at juice para sa mga tao. Naghanda rin kami ng ilang mga gawain para sa
mga batang kasama ng kanilang mga magulang habang nag-aantay. Marami
kaming inihandang coloring materials para habang kami ay nagkukuwento ay may
ginagawa ang mga bata.
Masaya naming nagampanan ang aming mga responsibilidad. Nalaman at
naramdaman namin ang kahalagahan at kabutihan ng pagtulong at bolunterismo.
Pinaghahandaan naman namin ang pagpunta sa isang SPED center sa isang
linggo.
Sa SPED center, ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang abilidad na kadalasan ay
may kabagalan o kahinaan kung ihahambing sa mga regular na mag-aaral sa ibang
paaralan.
Ang ilan ngayon sa amin ay gumagawa na ng mga programa para aliwin ang
mga
mag-aaral tulad ng mga laro at mga mini-lesson. May naghahanda na rin ng
dadalhing pagkain para sa aming lahat.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


11. Ano ang pinaghandaan ni Abby?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

12.Sino-sino ang mga kasama ni Abby sa outreach program?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

13.Anong tulong ang inihanda nina Abby para sa mga batang isinama ng mga
magulang?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________
14.Ano ang naramdaman nina Abby sa ginawang pagtulong sa kapuwa? Bakit?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________
15.Magagawa mo bang maipakita ang iyong tunay na pagmamahal sa kapwa?
________________________________________________________________
_______________________________________________________________
C. Panuto: Isulat ang WASTO kung tama ang gawain at DI-WASTO kung hindi .

_____ 16. Nakikipag-ugnayan tayo sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal.

_____ 17. Humihingi tayo sa Diyos na pagkalooban tayo ng maraming biyaya.

_____ 18. Ang sama-samang pagdadasal ay mabisang paraan ng pagtawag sa


Diyos.

_____ 19. Tatahimik ako sa sambahan habang may nagdadasal lalo’t di ko alam
sundan ang kanilang dasal.

_____ 20. Nagpapasalamat tayo sa lahat ng Kanyang kabutihan at biyayang


ipinagkakaloob.

D.(21-25 ) IPALIWANAG
.
Bilang mag-aaral paano mo maipapakita ang tunay na pagmamahal sa iyong
kapwa? Patunayan ang iyong sagot

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

You might also like