You are on page 1of 2

SAN ANTONIO CENTRAL SCHOOL

IKAAPAT NA PAMANAHUNANG PAGSUSULIT


Filipino 2
Score

Name: _________________________________________________ Date: _____________


Grade & Section: _________________________

I. Panuto: Pakinggan ang kwento na babasahin ng guro at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sagot.

_______ 1. Anong klaseng pamilya ang kahanga-hanga?


a. masaya b. matalino c. matapang

_______ 2. Ang mga anak ay ______________ sa kanilang magulang.


a. sumusuway b. nagmamaktol c. gumagalang

_______ 3. Pinalalaki ng magulang ang mga anak na may takot at pagmamahal sa


________________.
a. kapwa b. magulang c. Diyos

_______ 4. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng pagmamahal ng mga magulang sa mga anak?

a. pagpapalayaw b. pagpalo c. pagdisiplina

_______ 5. Kapag ang isang pamilya ay masaya at mabuting pamilya, alin sa mga sumusunod ang ibubunga
nito sa bayan?
a. Maghihirap angbayan
b. Magiging matatag ang bayan
c. Ikahihiya ang bayan

II. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_______ 6. Hiningi ________ Maria ang luma kong damit.


a. ni b. nina c. si d. sina

_______ 7. Tinanggap _______ Jose at Mario ang padalang laruan ng kanilang ama.
a. ni b. nina c. si d. sina

_______ 8. " Walang pasok bukas dahil may malakas na bagyo ", _________ PAG-ASA.
a. ayon sa b. ayon kay c. para sa d. para kay

_______ 9. Bumili ako ng bulaklak _________ mga yumao naming kamag-anak.


a. para kay b. para sa c. ayon kay d. ayon sa

_______ 10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may contraction?


a. Buhay ko'y aking ibibigay sa aking pamilya.
b. walang taong magugutom kung magsisipag.
c. Tumunog ang telepono.
d. Malamig ang panahon

III. Panuto: Basahin ang seleksiyon at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Ang dating pangulong Corazon C. Aquino ay kilala sa tawag na Tita Cory. Siya ay asawa ng dating
senador na si Benigno " Ninoy " Aquino Jr. Siya ay isang babaeng uliran. Nakilala siya dahil sa naganap na
EDSA Revolution noong 1986 laban sa pamamahala ng dating diktador na si Ferdinanad E. Marcos. Ang
kanyang naisagawa ay nagpakita na siya ay may sapat na kakayahan at karapatan na dapat siyang igalang. Siya
ay kinilalang “Ina ng Kalayaan " sa bansa. Siya ang ina ng ating kasalukuyang pangulo na si Benigno Simeon "
Noynoy " Aquino III.

_______ 11.Alin sa mga sumusunod ang angkop na paksa sa binasang seleksiyon?


a. ang ina ng ating pangulo
b. Corazon C. Aquino, Ulirang Babae
c. ang Edsa Revolution

_______ 12. Alin sa mga sumusunod na salita ang ginamit bilang pangngalan sa seleksiyon?
a. paggawa b. kinilala c. diktador

_______ 13. Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring mabuo mula sa salitang " Kalayaan "?

a. bayaan b. akala c. laya

_______ 14. " Ang pagmamahal ng ina ay walang katulad". Alin sa pangungusap ang salitang pangngalan?

a. ina b. katulad c. pagmamahal

_______ 15. Tukuyin ang pangungusap na nagsasalaysay.


a. Kumulog, kumidlat, at maya-maya ay umulan ng malakas.
b. Kumain ka na ba?
c. Naku! Mahuhuli na tayo.

IV. Panuto: A. Paikliin ang mga sumusunod sa pamamagitan ng kontraksiyon.

16. Isa at isa __________________________


17. Siya ay tumayo nang matuwid. ______________________________
18. Iba at iba _________________________________
19. Kami ay sasamba sa Diyos. ________________________________
20. Ako ay nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. ________________________

B. Punan ng na, ng at g ang mga patlang upang pag-ugnayin ang dalawang salita.

21. matanda _______ babae


22. mabait ________ bata
23. mahinhin ________ dalaga
24. mainit _________ sabaw
25. aso ________ mataba

C. Isulat nang wasto ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ng tamang bantas.

26. ang diyos ay dakila sa lahat ______________________________________

27. Aray ____ dumugo ang sugat ko __________________________________

28. hugis parisukat ba ang mesa _____________________________________

29. Yehey _____ dumating na si itay _________________________________

30. malapit na naman ang bakasyon _________________________________

You might also like