You are on page 1of 4

UPPER KLINAN ELEMENTARY SCHOOL

Ikatatlong Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan I

Pangalan____________________________________________________________

I.Sagutin ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Siya ang haligi ng tahanan.


a. tatay b. kuya c. tito
_____2. Sino ang pinakamatandang kapatid na babae ng pamilya?
a. ate b. lola c. nanay
_____3. Sino ang katuwang ni tatay sa gawain?
a. tatay b. lolo c. kuya
_____4. Bilang isang bata mahalagang makilala mo ang iba pang
kasapi ng iyong pamilya .
a. Oo b. Hindi c. Maari
_____5. Siya ang nag-aalaga sa mga anak.
a. Tita b. Nanay c. Ate
_____6. Sino sa mga sumusunod ang kasapi ng inyong pamilya?
a. kaibigan b. kaklase c. lola
_____7. Ano ang kailangan ni Ben para sa kanyang paglaki.
a. Pagkain b. Laruan c. telepono
_____8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita at nagpapahalaga
sa tungkulin ng pamilya?
a. Tumutulong si Ana sa gawaing bahay.
b. Pabalang kung sumagot si Andy sa kanyang ina.
c. Naglalaro si Lita pagkagising sa umaga.
_____9. Sila ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng mga anak,
nag-aalaga At naghahanapbuhay para sa magandang
kinabukasan ng mga anak.
a. Ate at Kuya b. Bunso c. Magulang
_____10. Sila ang naging katuwang ng ating mga magulang sa mga
gawain sa tahanan.
a. Ate at Kuya b. Bunso c. Magulang
_____11. Siya ang nagbibigay kasiyahan sa bawat tahanan.
a. Ate at Kuya b. Bunso c. Magulang
_____12. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan
ng pamilya sa lipunang kinabibilangan.
a. Paggalang sa karapatan ng kapwa 9=ffz
b. Pakikipag-away sa mga kapitbahay
c. Pagbibigay serbisyo sa kapuwa pamilya
_____13. Isang malikhaing paglalarawan ng mga kasapi ng pamilya at
ng kanilang ugnayan sa bawat isa.
a. Timeline b. Family Tree c. Tsart
_____14. Sila ang itinuturing na pinagmulan ng ating pamilya. Sila ang
mga magulang ng ating Ama at Ina.
a.anak b. Lolo at Lola c. Tiyo at Tiya
_____15. Sino ang dapat ilagay sa Family Tree?
a. kaibigan b. kapatid c. kaklase
_____16. Ang pagkilala sa mga kasapi ng pamilya ay pagbibigay halaga sa
pinagmulan nito.
a. Mali b. Tama c. Maari
_____17. Sinusunod ko ang utos ng aking magulang. Ako ay batang ___.
a. tamad b. masunurin c. madasalin
_____18. Ang aming pamilya ay palaging nagdarasal. Kami ay
pamilyang__.
a. maunawain b. magnanakaw c. madasalin
_____19. Ang sama – samang pagkain sa mesa ay isa sa mabuting pag-
uugali ng pamilya.
a. Mali b. Tama c. Maari
_____20. Piliin at bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pamilya.

a. b. c.

_____21. Igalang ang kwento ng pamilya ng aking kapitbahay.


a. Mali b. Tama c. Maari
_____22. Ang bawat pamilya ay may kani-kaniyang kuwento na dapat_.
a. ipagmalaki b. ikahiya c. ikatakot
_____23. Ano ang tawag sa taong nakatira malapit sa inyong bahay?
a. kasama b. kaaway c. kapitbahay

_____24.Maging mabuti sa mga taong nakapaligid sa iyo.


a. tama b. mali c. hindi ko alam
_____25.Nag-aayos ng sirang bakod sina papa at tito. Ito ay
nagpapakita ng _____________________.
a. pagpapaligsahan b. pagtutulungan c. pagmamadali
_____26.Dapat ba nating pahalagahan ang pagtutulungan ng ating mga
kamag-anak.
a. tama b. mali c. hindi ko alam
_____27. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng paggalang sa
matatanda.

a. b. c.
_____28. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagtulong upang
mapanatili ang kaayusan sa tahanan.

a. b. c.
_____29. Maligo araw-araw upang magkaroon ng malinis na katawan.
a. tama b. mali c. hindi ko alam
_____30. Paano mapapanatili ang kaayusan sa tahanan?
a. Iligpit ang higaan pagkagising.
b. Hayaan ang mga laruan na nakakalat.
c. Tumulong sa mga gawain kung kailan mo gusto.
___________________________________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like