You are on page 1of 4

Division of General Santos City

Tambler District
UPPER LONDON ELEMENTARY SCHOOL
Guardians’ Hill, Upper London C
Bawing, General Santos City
School Year 2023-2024

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN I

PANGALAN:
I. Basahing mabuti ang tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
______1. Ito ay binubuo ng nanay, tatay, at mga anak.

A. pamilya B. bahay C. paaralan D. simbahan

______2. Binubuo ito ng isang magulang lamang at anak.

A. Extended family
B. Two-parent family
C. Single parent family
D. Conjugal family.
______3. Siya ang tinatawag na ilaw ng tahanan.

A. nanay B. tatay C. kuya D. ate

______4. Ano ang tawag sa pamilya na binubuo ng nanay, tatay, mga anak, lolo, lola, mga tito at tita?

A. Extended family
B. Two-parent family
C. Single parent family
D. Conjugal family.

______5. Ang bawat kasapi ng pamilya ay dapat _______.

A. nag-aaway B. nagtatalo C. nagtutulungan D. nag-iinggitan

______6. Sila ang katulong ng nanay at tatay sa mga gawaing-bahay.

A. Lolo B. lola C. tito at tita D. mga anak

______7. Sila ang nagtutulong upang maghanapbuhay at alagaan ang mga anak.

A. Nanay at tatay B. Mga anak C. Lolo at Lola D. Tita at tito

______8. Ano ang dapat na gawin ng mga anak upang mapasaya ang pamilya?

A. Mag-aral nang mabuti.


B. Huwag tumulong sa gawaing-bahay
C. Magpasaway.
D. Makipag-away sa mga kaklase.

______9. Kapag nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamilya, ang buhay ay magiging _________.

A. Magulo
B. Malungkot
C. Maayos
D. Nakakainis

______10. Sino ang nagtuturo ng kagandahang-asal sa kanilang mga anak?

A. Ang kapitbahay
B. Ang mga guro
C. Ang mga magulang
D. Ang mga kaibigan

______11. Kaarawan ng iyong nanay. Ano ang dapat ninyong gawin bilang mga anak?

A. Magkulong sa kuwarto.
B. Gumala sa mga kaibigan.
C. Magpasaway buong araw.
D. Batiin siya ng “Maligayang Kaarawan”

______12. Magkakapareho ang bagay na pinahahalagahan ng bawat pamilya.

A. Tama B. Mali C. Maaari D. Depende

______13. Ano ang dapat gawin ng mag-anak para mapanatili ang mabuting samahan?

A. Mag-away away
B. Mag-inggitan
C. Magkagulo
D. Magtulungan

______14. Paano maipakikita ang pagmamahalan sa pamilya?

A. Magsigawan kapag nag-uusap.


B. Huwag magpansinan.
C. Huwag magtulungan.
D. Igalang ang bawat kasapi ng pamilya.

______15. Dumating ang mga kamag-anak ng iyong tatay galing sa Maynila. Ano ang gagawin mo?

A. Magkulong sa kuwarto.
B. Umalis ng bahay.
C. Mag-ingay
D. Makipagkilala sa kanila

______16. Nakipaglaro ka sa iyong kaibigan at umuwi kang pawis na pawis. Ano ang dapat mong gawin?

A. Dumiretso sa kuwarto at matulog


B. Kumain dahil gutom ka.
C. Makikipaglaro sa kapatid.
D. Maglilinis ng katawan at magpapalit ng damit.

______17. Tinawag ka ng iyong nanay upang tulungan siyang mag-igib ng tubig. Ano ang isasagot mo sa kaniya?

A. Naglalaro ako.
B. Pagod ako.
C. Tinatamad ako.
D. Nandiyan na po.

_____18. Dumating ang ate ni Prince galing sa palengke. May dala itong mga pinamili. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magpatuloy sa paglalaro.
B. Tawagin niya ang kapatid para tulungan ang kaniyang ate.
C. Itigil ang ginagawa at tulungan ang ate.
D. Tawagin ang nanay para tulungan ang kaniyang ate.

_____19. Araw ng Sabado. Walang pasok. Ano ang dapat mong gawin?

A. Magkulong sa kuwarto.
B. Kumain nang marami at maglaro
C. Tumulong sa mga gawaing-bahay.
D. Gumala maghapon.

_____20. Marami ang naapektuhan ng sunog sa inyong barangay. Ano ang dapat na gawin ng iyong pamilya?

A. Tumulong sa mga nasunugan


B. Pagtawanan ang mga nasunugan
C. Magtago upang hindi sila makahingi ng tulong
D. Umalis ng bahay at bumalik kapag wala ng nanghihingi ng tulong

_____21. Pinagsabihan ka ng iyong nanay dahil inaway mo ang iyong kalaro. Ano ang gagawin mo?

A. Magagalit ka sa kaniya.
B. Magagalit ka sa iyong kalaro.
C. Tatanggapin ang payo ng nanay.
D. Malulungkot dahil pinagsabihan

_____22. Hindi sinasadyang nasira mo ang laruan ng iyong kapatid. Nag-iyak siya. Ano ang gagawin mo?

A. Sisigawan siya.
B. Aawayin siya.
C. Hihingi ng tawad sa kaniya.
D. Hahanap ng kakampi.

II. Isulat ang tsek (/) kung tama ang sinasabi sa pangungusap at ekis (X) naman kung mali.

______23. Mahalaga sa pamilya ang nagbibigayan.

______24. Dapat na tumulong ang mga anak sa gawaing bahay.

______25. Iginagalang ang mga magulang ng kanilang mga anak.

______26. Nagsisigawan dapat ang mga kasapi ng pamilya.

______27. May pagkukusa na tumulong ang bawat kasapi ng pamilya.

III. Iguhit ang masayang mukha 😊 kung tama ang pangungusap at malungkot na mukha ☹ naman kung mali.

______28. Ang palatakdaan ng oras o timeline ay naglalarawan ng gawain sa paaralan.

______29. Hindi mahalaga ang mga anibersaryo bilang pangyayari sa buhay ng pamilya.

______30. Nagiging maganda ang samahan ng pamilya dahil sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay nila.

You might also like