You are on page 1of 5

Pangalan : ___________________________________________________

Baitang at Seksyon: __________________________________________

Second Quarterly Test


Edukasyon Sa Pagpapakatao I

I – Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____1. Sino ang binibigyan ng pagmamahal at paggalang ng anak sa tahanan?

A. bisita
B. kamag - anak
C. magulang

_____2. Ang paggalang ay dapat ipadama sa ating mga magulang. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita dito?

A. Pagmamano pagkagaling sa paaraln.


B. Pagkakasundo – sundo ang magkakapatid.
C. Walang pagkakaunawaan ang mga magkakapatid.

_____3. Alin sa mga sumusunod ang kailangan nating ipakita sa ating mga
magulang?
A. pagbabaliwala
B. pagmamahal
C. pagsasagot
_____4. Ano ang mabuting gawin kapag nakita mong naglilinis ang iyong
kapatid?

A. Ituloy ang ginagawa na parang walang nakita


B. Samahan ang kapatid na naglilinis na nakita.
C. Tumakbo at lumabas agad para hindi makita.

_____5. Ano ang dapat gawin sa mga taong nangangailangan?


A. Hanapin ang kabayaran ng pagtuong.
B. Piliin lang ang taong gustong tulungan.
C. Tumulong ng abot ng makakaya.

_____6. Ano ang dapat gawi o kilos sa pagtulong sa mga nangangailangan?

A. dapat bukal sa loob


B. kung gusto lang
C. laging may galit

_____7. Ano ang ipinapakita ng mga sumusunod na larawan?

A. pagdamay o pagtulong sa mga taong nangangailangan.


B. paghahanap ng kailangan tulong sa mga nangangailangan.
C. pagpapasaya sa mga taong nangangailangan.

_____8. Ano ang ipnapakita ng pag –iwas ng pagsasalita ng masama o pagsigaw sa


ating kapwa?

A. pagdamay sa kapwa
B. paggalang sa kapwa
C. paghusga sa kapwa

______9. Ano ang dapat ipakita sa pamilya at kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na
sa oras ng pangangailangan?

A. pagmamahal
B. pagmamalaki
C. pagpaparaya
_____10. Ano ang wastong gawi sa pagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa
ating magulang, sa nakakatanda o sa ating kapwa?

A. dapat baliwalain
B. dapat magpasikat
C. dapat ugaliin
_____11. Ano ang mangyayari kapag ang bata ay magalang?
A. kainaiinisan
B. kinalulugdan
C. kinalulukuhan

_____12. Kailan natutuwa ang mga magulang sa kanilang mga anak?

A. kapag sumasagot ng pabalang


B. kapag sumasagot ng padabog
C.kapag sumasagot ng paggalang
_____13. Anong katangian ang ipinapakita ng taong nakakagawa ng mabuti sa atin?

A. Magaling
B. Maramot
C. Mabait
_____14. Ano ang salitang ginagamit ng taong nakikiusap o may gustong ipasuyo?

A. Gumagamit ng pabalang kapag nakikipag-usap.


B. Gumagamit ng pakiusap kapag nakikipag-usap.
C. Gumagamit ng pautos kapag nkikipag-usap.

_____15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggalang?


A. Pag- aayos ng ating tahanan
B. Pagbibigay ng makakain sa pulubi.
C. Pagmamano sa mga matanda.

_____16. Ano ang gagawin kung may kausap ang iyong ina?
A. Makipagtakbuhan sa harap nila
B. Sumali sa kanilang usapan.
C. Tumahimik at hayaan sila.
_____17. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang?
A. Paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag – usap sa mga nakakatanda.
B. Pagsunod sa bilin , paalala , utos o payo ng mga nakakatanda.
C. Tumulong ng walang hinhinging kapalit sa mga tinutulungan.
_____18. Gusto mong pumasok sa silid ng iyong ate. Ano ang iyong gagawin?
A. Itulak ang pintuan ant pumasok agad.
B. Kumatok muna sa pintuan ng silid.
C. Sigawan si ate at sabihin gustong pumasok.

_____19. Nasalubong mo ang iyong guro isang umaga. Ano ang iyong gagawin
upang maipakita ang pagiging magalang?

A. baliwalain ang guro


B. huwag pansinin
C. batiin siya

_____20. Habang nagtuturo ang iyong guro nakikipag-usap ang iyong kaklase sa
iyo. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin?

A. Makinig sa guro at sawayin ang kaklase.


B. Makinig sa kaklase at hayaan lang ang guro.
C. Makinig sa labas at huwag makinig sa guro.

_____21. Nakapulot ng pitaka si CJ na may lamang pera. Ano ang dapat niyang
gawin?

A. Hanapin niya ang totoong may ari ng pitaka.


B. Ipahingi niya ang perang laman ng pitaka.
C. Itago ang pitaka at huwag ng ilabas ito.

_____22. Gustong – gusto ni Len na pumunta sa bahay nila Beth. Ano ang dapat
niyang gawin?

A. Magpaalam sa magulang at sabihin ang totoong pupuntahan.


B. Magpaalam sa magulang at sabihin sa paaralan ang pupuntahan.
C . Magpaalam sa magulang at sabihin na kasama ang guro.

_____23. Sinabihan ka ng iyong ina na tama na ang paglalaro ng mobile legend


dahil hindi mo pa nagawa ang iyong takdang – aralin. Ano nararapat mong gawin?

A. Ituloy lang ang paglalaro ng mobile legend sabihin nagawa na ang takdang –
aralin.
B. Gawin muna ang takdang – aralin at sabihin sa ina na maglalaro pagkatapos.
C. Magtago sa silong ng kama upang hindi makitang naglalaro ng mobile legend.

_____24. Ano ang naidudulot ng pagsasabi ng totoo sa mga magulang at iba pang
kasapi ng mag-anak sa lahat ng pagkakataon?

A. Magiging maayos ang pagsasamahan.


B. Magiging malinis ang kapaligiran.
C. Magiging matipid ang pangangailangan.

_____25. Ang pagiging matapat ng isang bata.Ano ang pakiramdam ng mga


magulang na may matapat na anak?

A. ikinahihiya ng kanyang mga magulang


B. ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang
C . isinasawalang bahala ng kanyang mga magulang

_____26. Kapag ikaw ay nagsasabi ng totoo,anong katangian ang iyong


ipinapakita?
A. pagiging magalang
B. pagiging matapat
C. pagiging matulungin
_____27. Kapag ang pagsasabi ng totoo ay pagiging matapat, anong gawi ang
ipinapakita ang pagiging magalan?

A. nag – iingay habang may nagsasalita


B. nagmamano sa magulang
C . nagbabahagi ng pagkain

____28. Alin sa mga sumusunod na bata ang nagpapakita ng pagiging matapat?

A. Pinilit ni Lita ang kanyang kapatid na aminin ang kasalanan kahit siya ang may
sala.
B. Sinabi ni Miguel ang totoong pupuntahan at sino ang kanyang kasama .
C. Walang sa isip ni Agnes na ibalik ang hiniram niyang aklat sa kanyang kaklase.

____29. Natapos na ni Mario ang kanyang ginagawa computer.Sinabihan siya ng


kanyang ina na patayin na ito.?Ano ang nararapat niyang gawin?

A. Sasabihin niyang pinatay nya ito kahit naglalaro pa siya.


B. Sabihin niyang pinatay na niya ito sa kanyang ina.
C. sabihin niyang huwag siyang pakialaman ng kanyang ina.
____30. Upang mabuo ang pangungusap , ano ang angkop na salita na maaring
gamitin upang maipahayag ang pagiging matapat?

Ibabalik ko sa tindera ang sobrang _________________.


A. sukli
B. supot
C.suyod

You might also like