You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO III

Pangalan : ___________________________________________Petsa: ______________________


Baitang at Pangkat: __________________________________Guro: _______________________
I. Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay isang biyaya mula sa Diyos na dapat nating gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay ito sa
atin ng sariling pagkakakilanlan.
A. Kakayahan B. katawan C. kaugalian D. kaalaman

_____2. Alin sa mga sumusunod ang kayang gawin ng isang batang tulad mo?
A. Mag-apula ng apoy C. sumayaw sa palatuntunan
B. Umakyat sa poste ng meralco D. Magluto ng masarap na ulam

_____3. Nakita ng iyong guro ang galing mo sa pag-awit. Hinihikayat ka na sumali. Ano
ang gagawin mo?
A. I-alok mo na lang ang kaibigan mo C. Tatanggapin mo ang alok
B. Hindi mo tatanggapin D. magdadahilan ka na lang

_____4. Nanalo ka sa paligsahang iyong sinalihan. Ano ang nararapat mong iasal?
A. Bayaan na ang mga nakatunggali C. kamayan at batiin ang natalong katunggali.
B. kantyawan ang natalo D. Ipagmayabang ang pagkapanalo

_____5. Upang mahasa pa ang iyong mga kakayahan, dapat na palagi itong gawin at laging _____.
A. katamarang gawin C. itigil na ang paggawa nito.
B. magsanay D. pabayaan

_____6. Bilang isang kasapi, may mga gawaing na iaatang sa iyo na dapat gawin at____.
A. Pahalagahan B. balewalain C. hindi gagawin D. hindi dapat sundin

_____7. Dapat mong ______ ang mga gawaing ibinigay sa iyo tulad ng paglilinis,
paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa.
A. Isabalewala B. isapuso C. iwaglit D. itapon

_____8. Ang mga gawain sa tahanan at paaralan ay dapat mo itong gawin nang ______
at walang hinihintay na kapalit.
A. Padabog B. napipilitan C. kusang loob D. pagalit

_____9. Ang mga iniatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o
anumang samahan ay nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong kakayahan
kung kaya ay dapat mo itong ________ kanino man.
A. Ipagyabang B. ikahiya C. ikalungkot D.ipagmalaki

_____10. May ginagawang “Clean and Green” sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Hihikayatin ko ang aking mga kaklase na tutulong sa paglilinis ng kapaligiran.
B. Makipaglaro nalang ako sa aking mga kaklase.
C. Hindi ako tutulong dahil hindi ko kaya.
D. papanuurin ko sila

_____11. Mayroon kang natatanging kakayahan sa pag-awit. Nais mong sumali sa


paligsahan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasali nang hindi nagsasanay.
B. Magsasanay sa pag-awit at sasali sa paligsahan.
C. Hindi nalang sasali at nakakapagod.
D. Titingnan ko muna kung magaling ang mga ibang kalahok
_____12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng loob?
A. Hindi sumasali sa mga patimpalak. C. Sumasali sa mga paligsahan.
B. Nang-aaway ng kaklase. D. Nahihiyang sumali sa mga gawain

_____13. Nakipaglaro ka sa mga kaibigan mo at pagkatapos naiwang nakakalat ang iyong mga laruan at
pinagsabihan ka ng iyong kuya na iligpit ang mga ito, ano ang gagawin mo?
A. Pabayaang nakakalat ang mga laruan.
B. Susundin mo ang kuya at ililigpit ang mga laruan.
C. Wala kang pakialam sa sinasabi.
D. Hindi mo siya pakikinggan

_____14. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng loob?


A. Payapang pagtanggap ng mga puna at puri sa buhay
B. Nakasimangot kapag napagsabihan
C. Lumalaban kapag nasita sa maling gawi
D. Masama ang loob kapag napapagalitan

____15. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong para mapangalagaan ang iyong
kalusugan.
A. Maglalaro sa labas ng walang tsinelas.
B. Hindi magpapalit ng damit galing sa eskwelahan.
C. Maliligo araw-araw.
D. Ayaw maghugas bago kumain

_____16. Ano ang dapat mong gawin para mapangalagaan ang iyong kalusugan?
A. Kakain palagi ng mga “junkfoods” tuwing meryenda
B. Kakain palagi ng prutas at gulay.
C. Kakain palagi ng tsokolate para lumusog.
D. uminom ng soda tuwing kakain

_____17. Alin ang katangian ng isang batang malusog?


A. Madaling makagawa ng mga proyekto o gawain na may kahusayan.
B. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay nasasalamin sa kaniyang katalinuhan.
C. Naipakikita niya nang wasto ang kaniyang emosyon o damdamin.
D. Lahat ng nabanggit

_____18. Alin ang hindi nagpapakita ng kaligtasan sa kalusugan?


A. Nagdarasal bilang pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap
B. Nag-iingat sa paglalakad at pagtawid sa daan
C. Inililigpit ang mga kagamitang maaring makadisgrasya
D. nagpupuyat

_____19. Ang mga sumusunod ay nararapat mong gawin upang mapangalagaan ang iyong
kalusugan. Alin ang hindi tamang gawi?
A. Kumakain nang sapat sa tamang oras
B. Nakikilahok sa mga laro
C. Umiinom ng tubig na hindi kukulangin sa Walong baso sa bawat araw
D. Lumapit sa mga naninigarilyo

_____20. Ito ay ginagawang pagtutulungan sa paaralan taon-taon upang mapanatili ang kalinisan
at kaayusan bago ang pasukan.
A. Brigada Eskwela B. pagzuzumba C. pag-eehersisyo D. pagpaparada

_____21. Bakit ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa
pagpapanatili ng ating kalusugan?
A. Upang kapayapaan ay makamtam C. Upang maging masaya palagi
B. Upang magkaroon ng malusog na damdamin D. upang umangat sa buhay

_____22. Ang inyong paaralan ang nagplano ng “Fun Run”. Ang lahat ay inanyayahang
lumahok sa nasasabing gawain. Papaano mo ipakikita ang iyong pakikiisa sa
nasasabing gawain?
A. Manonood ako sa kanila.
B. Sasali ako sa gaganaping Fun Run sa aming paaralan.
C. Wala akong pakialam, hindi ako sasali.
D. masama sa akin ang pagtakbo

_____23. Bakit maganda ang paglalaro sa ating katawan?


A. Ito ay isang paraan ng pag-eehersisyo
B. Madali itong gawin
C. Masaya itong gawin
D. Maganda itong pampalipas ng oras

_____24. Bakit dapat tayong mag-ehersisyo?


A. Upang maging malusog C. Upang maging sikat
B. Upang maglaro D. Upang makakilala ng mga kaibigan

_____25. Ang sumusunod ang mga wastong gawi tungo sa malusog na pangangatawan at kaligtasan. Alin ang
HINDI?
A. Sumunod sa batas trapiko
B. Kumain nang wasto sa tamang oras
C. Uminom ng tamang dami ng tubig araw-araw
D. tamad mag-ehersisyo

_____26. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa kalusugan ng isang tao?
A. Kumakain sa tamang oras C. Pumipili ng mabuting kaibigan
B. Mapagpasensiya D. Hindi naliligo araw araw

_____27. Ano ang dapat nating gawin sa mga alituntunin at patakarang napagkasunduan sa tahanan?
A. Balewalain B. Kalimutan C. Sundin D. Suwayin

_____28. Bakit kailangan nating sundin ang mga patakarang napagkasunduan sa tahanan?
A. Upang maging masaya at maayos ang samahan
B. Upang maging magulo ang pamilya
C. Upang mag-aaway away ang bawat kasapi ng pamilya
D. Upang magalit ang mga magulang

_____29. Ano ang gagawin mo kapag inutusan ka ng Nanay na ligpitin ang mga kalat mo?
A. Magdadabog habang nililigpit ang kalat
B. Liligpitin agad ang mga kalat
C. Ipapaligpit sa kapatid
D. Magkunwaring hindi narinig ang utos ng Nanay

_____30. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod nang kusang-loob at kawilihan sa
mga panuntunang itinakda ng tahanan?
A. Si Justine ay sumusunod lamang sa utos ng Nanay niya kapag gusto niya.
B. Ginagawa ni Mikaela ang mga gawaing naiatang sa kanya kahit hindi siya inuutusan.
C. Hinihintay pa ni Lance na utusan siya bago niya nililigpit ang kanyang mga nakakalat na gamit.
D. Nagdadabog si Lawrence kapag inuutusan.

_____31. Alin sa sumusunod ang katunayan na sumusunod ka sa mga pamantayan / tuntunin ng inyong mag-
anak?
A. Hindi ako nagdadabog kapag inuutusan ako ng aking mga magulang
B. Hindi ako naghuhugas ng aming pinagkainan
C. Hindi ko ginagawa ang aking takdang-aralin
D. Hindi ko pinapakinggan ang sinasabi ng aking mga magulang

_____32. Paano mo maipakikitang hindi ka nag-aaksaya ng mga gamit, tubig, at kuryente sa bahay?
A.Iniiwanan kong nakabukas ng gripo.
B. Pinapatay ko ang ilaw kapag hindi kailangan
C.Ginagawa kong bangkang papel ang aking papel at kwaderno
D. Iniiwanan kong nakabukas ang telebisyon kahit walang nanonood.

____33. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin ng inyong pamilya?
A. Tumutulong si Christian sa mga gawaing bahay sa araw na walang pasok
B. Sinusunod ni Mark ang utos ng magulang niya kapag may kapalit na pera
C. Tumatakas si Vincent kapag inuutusan
D. Hindi agad ginagawa ni Juan ang kanyang takdang-aralin

____34.Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntunin ng mag-anak MALIBAN sa isa. Alin ang
HINDI?
A. Si Joshua ay naghuhugas ng pinagkainan.
B. Si Amanda at nagpapakita ng paggalang sa lahat ng oras at pagkakataon
C. Si Alex ay naglalaan ng sapat na oras sa pag-aaral
D. Ipinapasa ni Michael sa iba ang mga inuutos sa kanya

____35. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ng pagsunod sa patakaran tungkol sa disiplina sa bahay.
A. Si Princess ang gabi ng umuuwi galing sa paalalaro sa kalsada.
B. Si Rain ay nagpupuyat kalalaro ng computer tuwing gabi.
C. Si Carl ay gumagawa ng kanyang takdang aralin bago manood ng telebisyon.
D. Si Mae ay hindi nakikinig sa payo ng kanyang mga magulang.

_____36. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan?


A. kailangan lang sumunod dahil sila ang mga magulang
B. wala akong magagawa dahil pinilit ako
C. upang maging maayos at masaya ang pamumuhay
D. napipilitan lang para hindi mapalo

_____37. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsunod sa mga patakaran at utos ng mga magulang?
A. Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral at paggawa ng mga takdang-aralin
B. Tumulong sa mga gawaing-bahay sa mga araw na walang pasok
C. Magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pang bagay
D. Lahat ng nabanggit

_____38. Ang iyong mga magulang ay masaya kapag ikaw ay ______.


A. Maging magalang sa lahat ng oras at pagkakataon
B. Hindi sumusunod sa patakaran
C. Minsan lang sumusunod sa mga utos nila
D. Sumasagot sa mga magulang ng pabalang

_____39. Ito ay bunga ng pagsunod sa mga tuntuning itinakda ng mga magulang sa bawat kasapi
ng pamilya.
A. Kapayapaan B. kaayusan C. pagmamahalan D. lahat ng nabanggit

_____40. Alin ang hindi nagpapakita ng pagtupad nang buong husay at tapat sa mga tungkulin?
B. Hindi ano Sumisimangot kapag inuutusan ng mga magulang.
C. Tumatakas ako sa paglilinis ng aming silid-aralan kapag uwian na.
D. Naghuhugas ako ng aming pinagkainan sa aming bahay.
E. Ginagawa ko kaagad ang aking takdang-aralin bago pumasok sa paaralan.

You might also like