You are on page 1of 17

FILIPINO 105

PROSESO NG
PAGSULAT
ELDRIAN LOUIE B. MANUYAG
BSED – 2A (FILIPINO)
“Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel
ng anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao.”
— BERNALES et.al., (2001)
PROSESO NG PAGSULAT

01 PRE-WRITING 02 WRITING
(BAGO SUMULAT) (HABANG
NAGSUSULAT)

03 POST WRITING
(PAGKATAPOS
SUMULAT)
01
PRE-
WRITING
(BAGO SUMULAT)
BAGO
SUMULAT
▨ Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip
ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa ng
mga materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
▨ Kinakailangan maglaan ng panahon sa gawain bago sumulat. Sa
yugtong ito, ang isang manunulat ay makapagtatala ng mga datos na
gagabay sa pagsulat ng burador.
02
WRITING
(HABANG NAGSUSULAT)
A. DRAFT o UNANG BURADOR
▨ Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay
kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng
iyong dokumento na maaari mong irebays nang
paulit-ulit depende kung gaano mo
kinakailangan.
▨ Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin
mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon.
Palawigin mo ang iyong mga parirala sa
pangungusap.
▨  Ang ideya ay kailangan nang maisalin sa pasulat
na dokumento na maaaring rebisahin nang paulit-
ulit ayon sa pangangailangan.
DRAFT o UNANG
BURADOR
▨ Hindi dapat mawala ang
momentum sa pagsulat.
▨ Dapat makasulat nang mabilis sa
yugtong ito.
▨ Huwag mo muna alalahanin ang
pagpili ng mga salita, istraktura
ng pangungusap, ispeling at
pagbabantas. Pagtuunan na
lamang ito ng pansin matapos
maisulat ang buong unang
burador.
03
POST
WRITING
(PAGKATAPOS SUMULAT)
REVISING o PAGREBISA
▨ Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador
nang makailang ulit para sa layuning
pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento.
▨ Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang
istraktura ng mga pangungusap at lohika ng
presentasyon. Maaaring ang isang manunulat
ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya.
Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na
sa palagay niya ay kailangan para sa
pagpapabuti ng dokumento.
EDITING o PAG-EEDIT
▨ Ang pagwawasto ng mga
posibleng gamit ng salita,
pagbabantas, ispeling at
gramar ay nakapaloob sa
huling yugto na ito

▨ Ang editing ang pinakahuling


yugto sa proseso ng pagsulat
bago maiprodyus ang pinal na
dokumento.
PINAL na DOKUMENTO
MGA DAPAT ISAALANG – ALANG
▨ 1. Kailangan ang kaisahan, kaugnayan,
kawilihan at wastong pagbigay-diin sa
pahayag.
▨ 2. Kailangang malinaw, makatwiran at
maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga kaisipan.
▨ 3. Kailangan maingat ang susulat
sapagkat ang anuman kamalian ay
nakikita ng bumabasa.
PINAL na DOKUMENTO
MGA DAPAT ISAALANG – ALANG
▨ 4. Kailangang may sapat na kaalaman
sa wika, gramatika at retorika.
▨ 5. Dapat na may lubos na kabatiran sa
mga mekanismo sa pagsusulat gaya ng:
pagbabaybay, pagbabantas, paggamit
ng malaking titik, paggamit ng italika,
pagsulat ng tambilang at papapaikli ng
mga salita at talata.
TANDAAN!
Ang mga yugtong ito ay sunod-sunod
ayon sa pagkakalahad, ngunit
importanteng mabatid na ang mga
propesyunal na manunulat ay
hindi nagtratrabaho nang hakbang
bawat hakbang. 
MARAMING
SALAMAT!

CREDITS: This presentation template was


created by Slidesgo, including icons by Flaticon
and infographics & images by Freepik

Please keep this slide for attribution


MGA SANGGUNIAN:
▨ https
://www.slideshare.net/lighterthanblue/ang-pagsulat-277
70334?qid=97c1e7c6-ee4f-4d7f-9ef5-b7f9f32642e2&v
=&b=&
from_search=1
▨ https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-1599554
7

You might also like