You are on page 1of 2

Learning Module for Senior High School Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

1
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN
1st Semester, Academic Year 2021-2022
Module 3 Week 5

(Ipinagpapatuloy…….)
YUNIT 1: TUNGO SA MABISANG PAGSULAT

a. Nailalahad ang sariling kaalaman ukol sa Pagsulat.


b. Nauunawaan ang mahahalagang konsepto kaugnay ng Pagsulat bilang isang kasanayang pangwika.
c. Nagagamit ang mga kaalamang ito sa pagpapaunlad ng kasanayan sa Pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

PAGSASANAY 1: Sagutan ito sa Activity Sheet na nasa pinakahuling pahina.


 Sainyong sariling salita, anu-ano nga ba ang hakbang sa pagsulat? (Sagutan ito na may tatlo o limang pangugusap)

MGA HAKBANG SA PAGSULAT


Hindi magiging ganap ang pagsulat kung wala ang mga hakbang kung paano ito sisimulan at wawakasan.
Kaugnay nito, ang mga hakbang sa pagsulat ay nahahati sa iba’t ibang yugto. Marahil, kung ating uungkatin ang ating
kaalaman kaugnay nito ay tatlo lamang ang ating maaalala-bago, habang at pagkatapos sumulat.
Subalit, sa puntong ito ay kilalanin natin ang apat na yugto sa proseso ng pagsulat na binaggit ni Bernales et.al (2011).
Ang mga yugtong ito ay ang mga sumusunod:

1. Bago Sumulat o Prewriting- ito ang panimulang gawain sa proseso ng pagsulat. Sa yugtong ito nagaganap ang
pagpaplano, pangangalap ng impormasyon, pagtukoy ng estratehiya at pag-oorganisa ng mga ideya at datos. Sa madaling
sabi, nagaganap sa prosesong ito ang pakikipagg-usap sa sarili sa pamamagitan ng mga katanungang nararapat i-konsidera
bago sumulat. Kasama rin sa bahaging ito ang pagbuo ng balanagkas o outline simula sa paksa hanggang sa mga
pansuportang detalye. Ito ang nagsisilbing kalansay ng sulatin na nagbibigay ng paunang bisyon (prewriting) sa
kahihinatnan nito.
2. Paggawa ng Burador o Drafting- sa pagsulat ng burador ay Inaasahang susundin ang binuong balangkas para sa bawat
seksyon ng sulatin. Sa bahaging ito sisimulan ang pagsasalin ng mga datgos at mga ideya sa bersyong preliminary.
Hinihikayat rin sa yugtong ito ang pagsulat nang mabilis-nang hindi inaalala ang pagpili ng mga salita, estruktura ng
pangungusap, ispeling at pagbabantas upang hindi maantala ang momentum sa pagsulat.
3. Pagrerebisa o Revising- sa yugtong ito nagaganap ang pagppapakinis ng isinulat sa pamamagitan nang paulit-ulit na
pagbasa, pagsusuri sa estruktura at pagg-oorganisa ng mga pangungusap ng lohikal. Dito ginagamit ang proseso ng
pagdaragdag, pagbabawas at pagpapaliit ng mga ideya upang mas mapabuti ag dokumento o sulatin.
4. Pag-eedit o Editing- ito ang huling yugto sa proseso ng pagsulat bago maprodyus ang pinal na dokumento. Ang
pagwawasto ng mga piniling salita, ispeling, grammar, gamit at bantas ay isinasagawa sa yugtong ito.

Sa kabilang banda, ang pinal na dokumento ay ang dokumentong handa ng ipalimbag o ipamahagi.
Ang mga yugtong ito ay ang sunod-sunod na proseso ng pagsulat ngunit ang mga propesyonal na manunulat ay hindi
nagtratrabaho nang hakbang-bawat-hakbang kung kaya’t tinuran ng mga dalubhasa na ang pagsulat ay nakapaloob sa isang
prosesong rekarsibo at espayraling.

Prepared by: VANESA D. MANZON


Learning Module for Senior High School Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

Makikita sa larawan na ang isang propesyonal na manunulat ay maaaring magpabalik-balik sa iba’t ibang yugto kung iyon
ang higit na kailangan upang mapaganda ang ginagawang sulatin. Ibig sabihin, mula sa pagrerebisa ay maaaring bumalik sa
pagbabalangkas o di kaya ay sa pagbuo ng burador at muling babalik sa pagrerebisa at pag-eedit bago mabuo ang isang pinal na
dokumento.

TAKDANG ARALIN 1 (PFPL) Sagutan ito sa Activity Sheet na nasa pinakahuling pahina.
Sa huling bahagi ng pagtatalakay sa apat na yugto sa proseso ng pagsulat ay sinabing maaaring magpabalik-balik ang
manunulat sa iba’t ibang yugto depende sa katangian ng sulatin. Ibig sabihin, bilang manunulat ay maaari kang bumuo ng
sariling siklo o cycle ng proseso ng pagsulat.

Panuto: Dahil dito, inaatasan ko kayong bumuo ng SARILING CYCLE mula sa mga yugto ng proseso ng pagsusulat na iyong
ginagamit bilang batayan ng iyong gagawin. Iguhit ito sa Activity sheet na nasa pinakhuling pahina ng Modyul na ito. Tignan ang
Halimbawa ng yugto ng proseso ng pagsulat sa itaas.

Ipaliwanag ang iyong iginuhit.

Filipino sa Piling Larangan (Ma. Leticia Jose C. Basilang, PhD et.al,)

Prepared by: VANESA D. MANZON

You might also like