You are on page 1of 15

Pagsulat

Kahulugan ng pagsulat

Ito ay pisikal at mental na aktibiti na ginagawa


para sa iba’t ibang layunin.

Pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang


kamay sa pagsulat sa papel o pagtipa ng mga letra
sa keyboard ng kompyuter o tayprayter. Ginagamit
din sa pagsulat ang mata upang imonitor ang anyo
ng writing output kahit pa ito ay handwritten
lamang o rehistro sa monitor ng kompyuter o print
out na.
Kahulugan ng pagsulat

Mental na aktibiti sapagkat ito ay isang


ehersisyo sa pagsasatitik ng mga ideya
ayon sa isang tiyak na metodo ng
debelopment at pattern ng organisasyon
at sa isang istilo ng grammar na naayon
sa mga tuntunin ng wikang gramatika.
Kahulugan ng pagsulat ayon sa iba’t ibang tao
Ang pagsulat ang bumubuhay at
humuhubog sa kaganapan ng ating
pagiging tao. (William Strunk E.B White)

Ang pagsulat ay kabuuan ng


pangangailangan at kaligayahan.
(Hellen Keller)
Kahulugan ng pagsulat ayon sa iba’t ibang tao

Ito ay isang komprehensibong


kakayahang naglalaman ng wastong
gamit ng talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan at retorika.(Xing Jin)
Proseso ng pagsulat

Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa


iba’t ibang yugto:

Prewriting
Writing
Revising
Editing
Proseso ng pagsulat

Prewriting- lahat ng pagpaplanong


aktibiti, pangangalap ng impormasyon,
pag-iisip ng mga ideya, pagtukoy ng mga
istratehiya ng pagsulat at pag-oorganisa
ng mga materyales bago sumulat ng
burador ay nakapaloob sa yugtong ito.
Proseso ng pagsulat

Ang unang burador- sa puntong ito, ang


iyong mga ideya ay kailangan maisalin sa
bersyong preliminary ng iyong dokumento na
maari mong irebays ng paulit-ulit depende
kung gaano mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing
sundin mo ang iyong balangkas nang bawat
seksyon. Palawigin mo ang iyong parirala sa
pangungusap.
Proseso ng pagsulat

Sa pagsulat ng unang burador, importanteng


hindi mawala ang momentum sa pagsulat.
Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa
papel ang mga salita na mas mabuti. Dahil
nais mong makasulat nang mabilis na yugto,
huwag mo munang alalahanin ang pagpili ng
mga salita, istraktura ng pangungusap,
ispeling at pagbabantas. Pagtuan na lamang
ito ng pansin matapos maisulat ang unang
burador.
Proseso ng pagsulat
Maaring akalain na matapos maisulat ang unang
burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat.
Ngunit maging ang maga batikang manunulat ay
nagkakaisa sa pagsasabing maging sila ay
nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-
organisa ng mga pangungusap, pagbabaybay o
pagbabantas kahit paminsan-minsan. Paulit-ulit
parin nilang binabasa ang kanilang unang burador,
ineebalwayt ang kanilang akda at hinahamon ang
kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng
kanilang mga ideya. Dito pumasok ang rebisyon at
editing.
Proseso ng pagsulat
Revising- ito ay proseso ng pagbabasang muli sa
burador nang makailang ulit para sa layuning
pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento.
Maaring isinusuri ng isang manunulat dito ang
istraktura ng mga pangungusap at lohika ng
presentasyon. Maaring ang isang manunulat ay
nagbabawas o nagdaragdag dito ng mga ideya.
Maarin din na may pinapalitan siyang pahayag
na sa palagay niya ay kailangan para sa
pagpapabuti ng dokumento.
Proseso ng pagsulat

Editing- pagwawasto ng mga posibleng


pagkakamali sa pagpili ng mga salita,
ispeling, grammar, gamit at pagbabantas.
Ang editing ang pinaka huling yugto sa
proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang
pinal na dokumento.
Layunin ng pagsulat

Pansariling pagpapahayag- pagsulat o pagtala


ng mag bagay na nakita, narinig, nabasa o
naranasan. Sa layuning ito ginagawa ang
pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y
mapapakinabangan. Ilan pa sa mga
halimbawa nito pagsulat ng dyornal, plano ng
bahay, mapa atbp.
Layunin ng pagsulat

Impormasyonal na pagsulat- kung sa unang


layunin ang makikinabang ang nagsusulat,
dito ang makikinabang ay ang tagabasa.
Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ng
mensahe sa kaparaanang nangangatwiran,
nagpapayo, nagpapaliwanag atbp. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang memorandum, rebyu
at pananaliksik.
Layunin ng pagsulat

Malikhaing pagsusulat- ang makikinabang dito


ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong ng
imahinasyon at kapangyarihan ng rehistradong
wika, nagagawa ng manunulat na ilarawan ang
uri ng lipunan na kanyang ginagalawan. May
kakaibang lakas ang mga salitang ginagamit dito
upang maipadama sa mambabasa ang
paronamikong larawan ng buhay. Ilan sa
halimbawa nito ay ang alamat, dula at atbp.

You might also like