You are on page 1of 2

1.

Panimulang Pagsusulat (Pre-writing)


Brainstorming
Mapping at webbing
Pagbasa ng sinulat na akda ng iba
Paggamit ng larawan, texts tuwirang sipi upang gumana ang isipan
2. Aktwal na pagsulat (drafting) (actual writing)
Pagkuha ng pinakamahalagang ideya mula sa panimulang pagsulat at
pagpapalusog ng mga ideyang ito
Pagkilala sa awdyens o babasa; layunin sa pagsulat at ang paggamit
nito upang makalikha ng draft o balangkas
Pakikipag-komperensya sa kasamahan
Pag-organisa ng mga ideya
3. Muling pagsulat (rewriting)
Rebisyon
Pagbasa sa teksto at paglilimi sa kasapatan o kakulangan ng
pagkakasulat
Pagkuha ng fidbak mula sa kasamahan
Pagtatanong sa sarili kung nasagot ng sulatin ang kailangan masagot
sa paksa
Nagawa ba ang lohikal na presentasyon- simula, gitna at wakas
4. Editing
Nasunod ba ang panuntunan sa pagsulat tulad ng talataan, sintaks,
pagpili ng mga salita, ispeling, bantas at gamit ng malalaking titik at
kabuuan

"MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TALATA"


Ang isang mabisang sulatin ay dinadaan sa iba't ibang hakbang na bumubuo sa
proseso ng pagsulat
1. paghahanda sa pagsulat (prewritting)
2. aktwal na pagsusulat (drafting)
3. pag rerebisa at pag-eedit
PAGHAHANDA SA PAGSULAT. Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta
ng mga impormasyon at ideya para sa sulatin. Dito isinasagawa ang pagpaplano na
binubuo ng paglikha, pagtuklas, pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya.
Ito ang hakbang na maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang kanyang burador.
AKTWAL NA PAGSULAT. Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang
mga ideya sa mga pangungusap at talata. Nag-eeksperimento na ang manunulat sa
pagbuo ng kanyang sulatin. Malaya siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo

sa paglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito, malaya niyang inaalis,


dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga detalye. Gayun paman, hindi parin niya
binibigyan ng gaanong pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sa
gamit ng wika at sa mekaniks.
PAGREREBISA AT PAG-EEDIT. Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay
nangangahulugan ng muling pagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling
pagbubuo ng mga kaisipang nasa sulatin upang tumugma sa iniisip ng manunulat. ang
hakbang na ito ay nasasangkot sa maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon
ng mga ideya at sa istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa
hakbang na ito ang paksa, magdagdag g mga detalye at muling isaayos ang buong
sulatin.

1. Pre-writing
2. Drafting
3. Revising
4. Editing
5. Final draft

You might also like