You are on page 1of 10

St.

Dominic College of Asia


School of Arts, Sciences and Education
General Education Department

Proseso ng Pagsulat

Gng. Imelda SanDiego


Professor, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik
Proseso ng Pagsulat
Proseso ng Pagsulat
 Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba't ibang
yugto. Ang mga yugtong ito ay ang mga
sumusunod:
 Prewriting
 Writing
 Revising
 Editing
Proseso ng Pagsulat
Proseso ng Pagsulat
 Unang Burador
 Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang
maisalin sa bersyong preliminari
Click to ng
addiyong
text dokumento na
maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano
mo kinakailangan.
Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang
iyong balangkas ng bawat seksyon. Palawagin mo ang iyong
mga parirala sa pangungusap.
Proseso ng Pagsulat
Proseso ng Pagsulat

 Halimbawa, matapos ang ikalawang yugto o


paglikha ng burador, ang isang manunulat ay
maaaring bumalik sa unang yugto, ang
prewriting at magsagawa ng karagdagang
pananaliksik. Matapos ang editing, ang ikaapat na
yugto, ang manunulat ay maaaring bumalik sa
yugto ng rebisyon at reorganays ang materyal.
Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat
Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat
Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat

Prewriting Drafting Revising

Final
Editing
Document
Proseso ng Pagsulat

 Prewriting
Lahat ng pagpaplanong aktibiti,
pangangalap ng impormasyon, pag-iisip ng
mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng
pagsulat at pag-oorganisa ng mga
materyales bago sumulat ng burador ay
nakapaloob sa yugtong ito.
Proseso ng Pagsulat

 Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi


mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon,
mas mabilis mong maiiisalin sa papel ang mga
salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat
nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna
alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng
pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan
na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang
buong unang burador.
Proseso ng Pagsulat

 Maaaring akalain na matapos maisulat ang unang burador


ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga
batikang manunulat ay nagkakaisa sa pagsasabing maging
sila'y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-
oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas
kahit paminsan-minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa
ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang
akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang
presentasyong ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang
yugtong rebisyon at editing.
Proseso ng Pagsulat

Revising
Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador
nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang
manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at
lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay
nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may
pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya'y kailangan
para sa pagpapabuti ng dokumento.
Proseso ng Pagsulat

 Editing
Ito ang pagwawasto ng mga posibleng
pagkakamali sa pagpili ng mga salita,
ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang
editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng
pagsulat bago maiprodyus ang pinal na
dokumento.

You might also like