You are on page 1of 3

Michael Oliver R.

Mercado
Pagtuturo ng Filipino Bilang Wika (07-10) Dr. Fababaer
GGC- Graduate School M.A.Ed. Filipino
Gawain Blg. 5
5 Pang Likhang Estratehiya sa Pagtuturo

Pamagat: #Sulong-Dunong
Deskripsiyon: Pagsusulong ng isang kintal na kaisipan mula sa mga kaalamang
ibinahagi ng bawat isa patungkol sa aralin.
Nilalaman/Paksa: Panitikan (Maikling Kwento)
Antas: 9
Kasanayang Malilinang: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa Paksa, Mga
tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa
pagsulat ng awtor, at iba pa.
Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan:
1. Tatalakayin ang maikling kwentong aralin.
2. Papangkatin ang klase sa lima.
3. Pag-uusapan ng bawat grupo ang kanilang natutunan sa natalakay.
4. Ibabahagi ng pangkat sa klase ang kanilang napag-usapan.
Kagamitang Panteknolohiya:
1. Laptop at PowerPoint Presentation
2. Telebisyon
3. Timer

Pamagat: #Kalye-lily
Deskripsiyon: Umawit sa saliw ng tunong kalye para sa mas makabuluhang
pagkatuto.
Nilalaman/Paksa: Panitikan (Awiting Bayan)
Antas: 7
Kasanayang Malilinang: Naisusulat ang sariling bersiyon ng isang awiting bayan sa
sariling lugar gamit ang wika ng kabataan.
Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan:
1. Tatalakayin ang kahulugan at halimbawa ng awiting bayan.
2. Bibigyan ng pagkakataon na manaliksik ang mga mag-aaral para awiting
bayan na nais awitin gamit ang wika ng kabataan.
3. Itatanghal ng mga mag-aaral ang kanilang bersyon ng isang awiting bayan.
Kagamitang Panteknolohiya:
1. Laptop at PowerPoint Presentation
2. Telebisyon
3. Cellphone at internet

Pamagat: #Kape-sal
Deskripsiyon: Bagay talaga ang mainit na kape sa isang matigas na tinapay. Ang
aktibidad na ito ay isang tuwirang paggagad sa tugmaang iyon.
Ipagpapalagay na ang kape ay ang mga mag-aaral na handang
tunawin at palinamnamin ang matigas na tinapay (bulto ng kaalaman
mula sa guro).
Nilalaman/Paksa: Gramatika (Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Emosyon)
Antas: 9
Kasanayang Malilinang: Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa
pagbibigay-opinyon (sa tingin/akala/pahayag/ko, at iba pa).
Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan:
1. Magbibigay ang guro ng isang tekstong babasahin at susuriin ng klase.
2. Susuriin ng mga mag-aaral ang teksto alinsunod sa mga gabay na tanong na
ihahanda ng guro.
3. Inaasahang mahihinuha ng mga mag-aaral ang mensahe ng teksto at ang
gamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon.
Kagamitang Panteknolohiya:
1. Laptop at PowerPoint Presentation
2. Telebisyon

Pamagat: #Kabit-Kapit
Deskripsiyon: Huhukayin ng mga mag-aaral ang kanilang eskima upang maikabit o
mapagkapit-kapit sa pagbuo ng bagong ideya.
Nilalaman/Paksa: Panitikan (Debate)
Antas: 9
Kasanayang Malilinang: Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at
opinyon sa napanood na debate o kauri nito.
Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan:
1. Kikilitiin ng guro ang eskima ng mga mag-aaral sa tulong ng pagkakabit-kabit
ng kanilang mga kaalaman tungo sa isang depinisyon ng debate.
2. Matapos ang pagbuo ng sariling depinisyon ng klase, papangkatin sila sa
lima at saka ipapanood ng guro ang isang halimbawa ng debate.
3. Ikakapit ng mga mag-aaral ang kanilang mga bagong natutunan mula sa
panonood ng debate sa naunang napagkabit-kabit na kahulugan ng debate.
4. Ibabahagi ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang nabuong kahulugan.
Kagamitang Panteknolohiya:
1. Laptop at PowerPoint Presentation
2. Telebisyon
3. Video presentation

Pamagat: #Kwendito-Kwendiyan
Deskripsiyon: Bahaginan ng pangkat tungo sa buong klase.
Nilalaman/Paksa: Panitikan (Mga Akdang Pampanitikan ng Timong Silangang Asya)
Antas: 9
Kasanayang Malilinang: Batay sa isang iskrip na nabuo ng pangkat, naitatanghal sa
isang book fair ang malikhaing panghihikayat na basahin
ang alinmang akda sa Timog-Silngang Asya
Mga Hakbang sa Pagsasakatuparan:
1. Bubuoin ng mga mag-aaral ang iskrip ng panghihikayat na basahin ang
alinmang akda sa Timog-Silangang Asya.
2. Matapos ang kanilang pagbuo ng iskrip at paghahanda sa gagawing book
fair ay itatanghal nila ito sa buong klase at maging ibang mag-aaral na
magagawi sa kanilang booth.
Kagamitang Panteknolohiya:
1. Laptop at PowerPoint Presentation
2. Telebisyon
3. Video presentation (para sa halimbawa ng book fair)

You might also like