You are on page 1of 4

Titulo: Filipino at Ingles: Ano ang higit na mainam sa pagtuturo?

MLA COMPLETE REFERRENCE: Santos, Tomas (2008). Filipino at Ingles: Ano ang higit na mainam sa
pagtuturo?
https://varsitarian.net/news/20080203/filipino_at_ingles_ano_ang_higit_na_mainam_sa_pagtuturo

Tesis: Filipino at Ingles: Ano ang higit na mainam sa pagtuturo?

Mga Susing Termino (hanggang 5): Executive Order (EO) No. 210, Article XIV Section 6, Kagawaran ng
Edukasyon ang Order No. 36, Wika ng Kultura at Agham, Inc. (WIKA),

Mga Pangunahing Puntos, Argument, Kaalaman:

1. (p.1) IPINATUPAD ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong Marso 17, 2003 na
muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa mga pribado at
pampublikong paaralan. Nilalayon ng kautusang ito na paunlarin pa ang kasanayan ng mga
estudyanteng Pilipino sa wikang Ingles.
2. (p.1) Kabilang sa mga probisyon ng EO 210 ang pagtatakda na ituro ang mga asignaturang
matematika at agham gamit ang wikang Ingles simula ikatlong baitang ng paaralang primarya.
Bukod pa rito, iniaatas ding gawing Ingles ang pangunahing wikang-panturo sa paaralang
sekundarya. Nakasaad pa sa EO 210 na hindi maaaring bumaba sa 70 porsiyento ng kabuuang
oras ng pag-aaral sa loob ng silid-aralan ang ilalaan sa pagtuturo na gamit ang wikang Ingles.
Inilabas din ng Kagawaran ng Edukasyon ang Order No. 36 noong Agosto 22, 2006 upang
maipatupad ang nasabing utos.
3. (p.1) Ilang manunulat at guro naman ang nagtangkang pigilan ang pagpapatupad ng dalawang
kautusang ito. Ayon sa isang petisyong isinampa ng mga grupong nagsusulong sa wikang
Filipino, sa pangunguna ng Wika ng Kultura at Agham, Inc. (WIKA), labag umano sa Saligang
Batas ang dalawang kautusan. Anila, taliwas ang mga kautusang ito sa isinasaad sa Article XIV
Section 6 ng Saligang Batas, na “…dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at bilang wikang ng pagtuturo sa sistema pang-edukasyon.”
4. (p.1) Ayon kay Joel Malabanan, guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya sa Cavite at
dating propesor ng Filipino sa De La Salle University, nakakaabala sa pagkatuto ng mga mag-
aaral ang wikang Ingles sapagkat kinakailangan pa nilang magsalin ang mga salita sa isip nila.
5. (p.1) Mahalagang matutuhan ang wikang Ingles, ngunit higit na mainam kung ang mga mag-
aaral ay tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal na wikang kanilang nakasanayan
sapagkat madali nilang maiintindihan ang mga aralin gamit ang mga ito. Naipakita na ito sa mga
pag-aaral, gaya ng ginawa ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo noong 1948 hanggang
1954 kung saan higit na natuto ang mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo ang ginamit na wikang
panturo.
6. (p.1) Ang pagpili ng wikang panturo, batay sa naging karanasan ng ating sistema ng edukasyon,
ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay sa pangangailangang pang-ekonomiya.
Sa halip, mahalaga ring isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante ang
kanilang paligid. Kaya’t nararapat lamang na pag-isipan nang mabuti ng pamahalaan ang mga
polisiyang pangwika upang sa gayon ay higit itong makatulong. Joseinne Jowin L. Ignacio

Sariling Pagtataya, Insights, Kritika:


Titulo: Filipino o Ingles: Ano ang dapat na gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan?

MLA COMPLETE REFERRENCE: Jimenez, FR (2017). Filipino o Ingles: Ano ang dapat na gamitin sa
pagtuturo sa mga paaralan?
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621945/filipino-o-ingles-ano-ang-dapat-
na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/

Tesis: Filipino o Ingles: Ano ang dapat na gamitin sa pagtuturo sa mga paaralan?

Mga Susing Termino (hanggang 5): House Bill No. 5091, House Bill 5397, Business English Index (BEI),
Mother Tongue-Based Multilingual Education, Department of Education Order #74, series of 2009

Mga Pangunahing Puntos, Argument, Kaalaman:

1. (p.1) Dalawang panukalang batas ang nakabinbin ngayon sa Kamara de Representantes na


naglalayong palakasin ang wikang Ingles at gamitin ito bilang paraan sa pagtuturo sa mga
paaralan. Pero tutol sa panukala ang Komisyon sa Wikang Filipino dahil labag umano ito sa
Saligang Batas at hindi maka-Pilipino.

2. (p.1) Sa ilalim ng House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep.
Gloria Macapagal-Arroyo, nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan ng
mga mag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika. Nais niya na gamitin ang Ingles
bilang pangunahing medium of instruction sa araling Ingles, Matematika at Agham simula sa
grade 3 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan. Samantalang wikang Filipino naman ang
gagamitin sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan. Nais din ni Arroyo na hindi bababa sa
70 porsiyento ng oras ng pagtuturo sa mga paaralan sa secondary level ay dapat nakalaan sa
paggamit ng wikang Ingles.

3. (p.1) Para sa KWF na pinamumunuan ang Pambasansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario,
hindi naaayon sa Saligang Batas ang mungkahi na dayuhang wika, sa halip na pambansang
wikang Filipino, ang gagamitin bilang pangunahing paraan sa pagtuturo.

4. (p.1) Sa position paper ng komisyon na inihanda bilang pagtutol sa panukala ni Arroyo, sinabi na
muli lang binuhay ng HB 5091 ang mga dati nang panukala na inihain [tulad ng HB 8460 noong
2009], na Ingles ang gamitin sa pagtuturo pero ibinasura na noon ng Senado.

5. (p.1) Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng


Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang paraan ng opisyal na komunikasyuon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon," ayon sa posisyon ng KWF. Tinawag din ng KWF na
anti-Filipino ang panukala at sumasalungat sa mga prinsipyo ng pagtuturo na itinatakda ng
UNESCO, na nagsasaad na ang patakarang pang-edukasyon na ang mga bata, lalo na ang mga
nasa mababang baytang ay mas matututo sa kanilang sinasalitang wika sa halip na banyagang
wika.
6. (p.1) Kung pagbabatayan din umano ang implementasyon ng MTB-MLE (Mother Tongue-Based
Multilingual Education) ng Department of Education Order #74, series of 2009, at ang
nakapaloob sa bagong K-12 Curriculum Program sa ilalim ng Republic Act 10533, at ng Enhanced
Basic Education Act of 2013, ang panukala na isinusulong ni Arroyo ay hindi na umano kailangan.

Sariling Insights, Argument, Kritika

You might also like