You are on page 1of 85

ARALIN 1: Ang

Kahalagahan ng Pagsulat
at ng Pagsulat ng
Akademikong Pagsulat
Akademikong
Pagsulat
Isang masinop at sistematikong pagsulat
ukol sa isang karanasang panlipunan.
May katangian itong pormal, obhetibo,
may paninindigan, may pananagutan at
may kalinawan.
Pagsulat
 Ang pagsulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang
kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga
bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
pasalin-salin sa bawat panahon. Maaaring mawawala
ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.

Ayon kay Mabelin (2012)


Layunin ng Pagsulat
 Una: ito ay maaaring personal o ekspresibo
kung saan ang layunin ng pagsulat ay
nakabatay sa pansariling pananaw,
karanasan, naiisip, o nadarama ng
manunulat.
– Ang karaniwang halimbawa nito ay ang
sanaysay, maikling kwento, tula, dula awit at iba
pang akdang pampanitikan.
 Pangalawa: ito naman ay panlipunan o
pansosyal kung saan ang layunin ng pagsulat
ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa
lipunan na ginagalawan.
– Ang ibang halimbawa nito ay ang pagsulat ng
liham,balita, korespondensya, pananaliksik,
sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.
Gamit o Pangangailangan sa
Pagsulat
 Wika
 Paksa
 Layunin
 Pamamaraan ng Pagsulat
 Kasanayang Pampag-iisip
 Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat
 Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin
Wika

Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang


mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, impormasyon, at iba pang
nais ipabatid ng taong nais sumulat.
Paksa

Ang pagkakaroon ng isang tiyak at


magandang tema ng isusulat ay isang
magandang simula dahil dito iikot ang
buong sulatin.
Layunin

Ang layunin ang magsisilbing gabay


sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng isusulat.
Pamaraan
ng Pagsulat
May limang paraan ng pagsulat
upang mailahad ang kaalaman at
kaisipan ng manunulat batay na rin
sa layunin o pakay sa pagsulat.
 Pamaraang Impormatibo

 Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng


bagong impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.

 Pamaraang Ekspresibo
 Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,
paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
 Pamaraang Naratibo
 Ang pangunahing layunin nito ay magkwento o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

Pamaraang Deskriptibo
 Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng
katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay
sa nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at
nasaksihan.
Pamaraang Argumentatibo

Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa


mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad
ng mga isyu ng argumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan
Kasanayang Pampag-
iisip
Taglay ng manunulat ang kakayahang
mag-analisa upang masuri ang mga
datos na mahalaga o hindi na
impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kaalaman sa Wastong
Pamamaraan ng
Pagsulat
Dapat ding isaaalang-alang sa pagsulat ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at
retorika partikular sa wastong paggamit ng
malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay,
paggamit ng bantas, pagbuo ng talata, at
masining at obhetibong paghahabi ng mga
kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na
sulatin.
Kasanayan sa
Paghahabi ng Buong
Sulatin

Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag


ang mga kaisipan at impormasyon mula sa
panimula hanggang sa wakas na maayos,
organisado, obhetiko, at masining na
pamamaraan ang isang komposisyon.
Mga Uri ng
Pagsulat
Malikhaing Pagsulat (Creative
Writing)
U  Pangunahing layunin ay maghatid
ng aliw, makapukaw ng
damdamin,at makaantig sa
R imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.

I  Karaniwang bunga ito ng malikot na


imahenasyon o kathang-isip lamang.
 Halimbawa: Maikling Kwento, dula,
nobela, komiks, iskrip ng teleserye,
pelikula, at iba pa.
Teknikal na Pagsulat (Technical
Writing)
U
 Layuning pag-aaralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng
isang pag-aaral na kailangan lutasin ang

R isang problema o suliranin.


 Halimbawa: Feasibility Study on the
Construction o Platinum Towers in
I Makati, Project on the Renovation o
Royal Theatre in Caloocan City, proyekto
sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.
Propesyonal na Pagsulat
(Professional Writing)
U • Ito ay kaugnay sa mga sulating may
kinalaman sa isang tiyak na
larangang natutuhan sa paaralan lalo
R na sa pagawa ng mga sulatin o pag-
aaral tungkol sa napiling propesyon

I o bokasyon ng isang tao.


• Halimbawa: Guro- lesson Plan,
doktor at nars- medical report,
narrative report.
Dyornalistikong Pagsulat
(Journalistic Writing)

U
• Ito ay tungkol sa sulating may
kaugnayan sa pamamahayag.
• Mahalaga ang mga taong sumusulat

R nito ay maging bihasa sa pangangalap


ng mga totoo, obhetibo at

I
makabuluhang mga balita at isyung
nagaganap sa kasalukuyan na kanyang
isusulat sa pahayagan, magasin, o kaya
naman ay iuulat sa radyo o telebisyon.
• Halimbawa: balita, editoryal, lathalain,
artikulo, at iba pa.
Reperensyal na Pagsulat
(Referential Writing)

U • Layunin ng sulatin na mabigyang


pagkilala ang mag pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa
R paggawa ng konseptong papel,
tesis, at disertasyon.
I • Halimbawa: Review of Related
Literature (RRL), Sanggunian,
Bibliograpiya.
Akademikong Pagsulat (Academic
Writing)
• Ito ay isang intelektuwal na pagsulat.
U Ang gawaing ito ay nakatutulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang

R
indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ito ay
may sinusunod na partikular na
kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng

I suporta sa mga ideyang pangangatwiran


• Layunin nitong maipakita ang resulta ng
pagsisiyasat o ginawang pananaliksik.
Mga Katangiang Dapat
Taglayin ng
Akademikong
Pagsulat
K
A
Obhetibo T
A
Mahalaga ang may tunay at pawang N
katotohanan ng mga impormasyon.
G
Iwasan ang mga pahayag sa aking
papanaw o ayon sa haka-haka o I
opinyon . A
N
K
A
Pormal T
Iwasan ang paggamit ng mga salitang
A
kolokyal o balbal. Sa halip, gumamit ng N
mga salitang pormal na madali ng G
maunawaan ng mga mambabasa. Ang
tono o ang himig ng impormasyon ay I
dapat maging pormal din. A
N
K
Maliwanag at A
Organisado T
A
Sa paglalahad ay nararapat na maging malinaw N
at organisadong mga kaisipan at datos.
Nakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod G
at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap I
na binubuo nito. Ang pangunahing pagksa ay
dapat nabibigyang-diin sa sulatin. A
N
K
May Paninindigan A
Mahalagang mapaninidigan ng sumusulat sang
T
paksang nais niyang bigyang-pansin o pag- A
aralan, ibig sabihin hindi magandang
magpabago-bago ng paksa.
N
G
Ang layunin nito ay mahalagang mapanindigan
hanggang sa matapos ang isusulat. Maging
I
matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at A
pagsisiyasat ng mga datos para matapos ang
pagsulat ng napiling paksa. N
K
A
May Pananagutan T
A
Ang mga sanggunian na ginamit sa mga
nakalap na datos o impormasyon ay
N
dapat na bigyan ng nararapat na G
pagkilala. Ito ay sa isang etika at I
pagbibigay galang sa awturidad na
ginamit bilang sanggunian A
N
Aralin 3:
Pananaliksik sa
Akademikong
Pagsulat
Pananaliksik
Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat sa mga ideya, konsepto,
bagay, tao, isyu, at iba pang ibig bigyang
linaw, patunayan o pasubalian.
Ayon kina Manuel at Medel
(1976) ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng datos
o informasyon upang malutas
ang isang partikular na suliranin
sa isang syentipikong
pamamaraan.
Ayon kay Parel (1996) ang
pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o
inbestigasyon ng isang bagay sa
layuning masagot ang mga
katanungan ng mananaliksik.
Ayon kina Calderon at Gonzales
(1993) ang pananaliksik ay
sistematiko at siyentipikong proceso
ng pangangalap, pagsusuri,
paglilinaw, pag-oorganisa, pag-
unawa at pagpapakahulugan ng
isang datos na nangangailangan ng
kalutasan sa suliranin.
K ng Pananaliksik
A
T • Obhetibo
A • Marami at iba’t iba ang
N ginagamit na datos
G • May pamamaraan o angkop
I na metodolohiya
A • Masuri o kritikal
N • Dokumentado
Layunin ng Pananaliksik
• Tumuklas ng bagong datos o
impormasyon
• Magbigay ng bagong
interpretasyon sa lumang ideya.
• Maglinaw sa isang pinagtatalunang
isyu.
• Magpatunay sa makatotohanan
o balido ang isang ideya,
interpretasyon, paniniwala,
palagay o pahayag.
• Magbigay ng historikal na
perspektiba para sa isang
senaryo.
Katangian na Dapat
Taglayin ng Isang
Mananaliksik
Matiyaga

Walang katapusan ang paghahanap ng


mahahalagang mga datos na makatutulong sa
kaniyang sulatin, ito man ay sa lehitimong mga
personalidad, institusyon at mga nakalimbag na
materyal.
Masipag
kailangang maging masipag sa pangangalap
ng datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo
at panig ng pinapaksa ng pananaliksik. Hindi
maaaring doktorin ng mananaliksik ang
resulta ng kanyang pananaliksik.
Maingat

mahigpit na isinasaalang-alang ang balidasyon ng


facts o datos ng pananaliksik, kredibilidad ng mga
pinaghanguan ng detalye (kung ito ba ay
mapagkakatiwalaan at eksperto na sa partikular na
larang/disiplina), may pagtitimbang sa mga panig ng
pagsisiyasat o walang biased pagdating sa paglalahad
ng detalye, higit sa lahat ay ang malinaw na
paglalahad ng motibo, kongklusyon, puna,
rekomendasyon sa isinagawang pananaliksik.
Sistematiko
Ang pananaliksik ay isang sistematikong
gawain. Kailangang sundin ang mga
hakbang ayon sa pagkakasunod – sunod.
Kritikal at mapanuri

Mainam na maging mapanuri ang mananaliksik kung


ang nakuhang datos ba ay napapanahon, may
relevance o kaugnayan sa kasalukuyang
pananaliksik, may kabuluhan sa susunod pang mga
mananaliksik, at higit sa lahat mapakikinabangan ng
sinumang nag-aaral ng partikular na larang. Hindi
lamang basta-basta tumatanggap ng mga datos,
manapa’y sinusuri, sinisiyasat, at pinaglilimiang
mabuti ang kabuluhan ng mga nakalap na datos.
Matapat

walang itinatagong pagkilala sa mga orihinal na


ideya mula sa pinaghanguang mga datos. Hindi
inaangkin ng manunulat na ang kaniyang mga
nakuhang datos ay pagmamay-ari niya at may iba
nang personalidad/institusyon ang nagmamay-ari
na nito.
Etika at Responsibilidad
ng
Mananaliksik/Manunulat
Kilalanin na ang mga ideyang
inilagay sa pananaliksik/pagsulat ay
hindi nanggaling sa iyo o may orihinal
ng nagmamay-ari ng mga ito.
Huwag basta-basta kumuha ng mga
datos ng walang permiso.
Magpokus lamang sa paksa ng interbyu.
Iwasang langkapan ng personal at
negatibong pagsipat ang mga obserbasyon.
Pagtiyagaang daanan ang proseso ng
pagsulat. Huwag manipulahin ang mga
datos at pagsikapang kunin ang mga
detalye sa tamang panahon at
pagkakataon.
Huwag na huwag dayain ang mga
impormasyon. Isang krimen ang
pandaraya sa pananaliksik.
Pag-iwas sa Plagiarism:
Krimen sa
Akademikong Pagsulat
Isang kalapastanganan sa akademikong pagsulat
ang pagkopya ng mga konsepto at ideya, pagsipi ng
mga orihinal na gawa nang walang pagkilala at/o
paghingi ng pahintulot sa tunay na mga may-akda.

Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa


wikang Ingles kaugnay sa pagngongopyang gawa ng
iba nang walang pagkilala.
a.Lagi’t lagi, isama ang pangalan ng
awtor/institusyon at petsa ng pagkakasulat ng mga
dokumento.

b. Iwasan ang maya’t mayang pagsipi sa mismong


pahayag (verbatim). May iba’t ibang uri ng pagtatala
(buod o presi, halaw, mula active patungong passive
voice, at marami pang iba). Muli, kilalanin at isama
ang pangalan ng awtor at petsa ng
pagkakasulat/pagkakalathala ng datos o ideya.
• ETIKA - katulong ng disiplina na may istriktong
CODE OF ETHICS na pinapatupad. Sa
pananaliksik itinuturing na napaka laking kasalanan
ang plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng
kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa
isang unibersidad, natanggalan ng digri ang isang
nagtapos na doktorado, nawalan ng kredibilidad
ang isang tanyag na iskolar, hinabla sa korte ang
prodyuser ng isang programa sa telebisyon.
Dugtungan ang
pahayag.
• Bilang isang mag-aaral
mahalagang malaman ang
katangian at responsibilidad ng
isang mananaliksik
sapagkat_________________.
Sa isang buong papel sumulat
ng isang salaysay na
nagpapayo sa isang tao sa
kanyang responsibilidad
bilang isang mananaliksik.
Paglalagom

Sinopsis
Paglalagom
Ang paglalagom ay ang
pinasimple at pinaikling
bersiyon ng isang sulatin o
akda.
Ang Paglalagom
na Sinopsis
Sinopsis
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng
lagom na kalimitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan.
Layunin

Makatulong sa madaling pag-unawa


sa diwa ng seleksyon o akda, kung
kaya’t nararapat na maging payak
ang mga salita.
Layunin
Layunin nitong maisulat ang pangunahing
kaisipang taglay ng akda kaya’t
mahalagang matukoy ang sagot sa
sumusunod:
Sino? , Ano?, Kailan?, Saan?, Bakit? at
Paano?
upang mapadali ang pagsulat ng buod.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG
SINOPSIS O BUOD
1. Basahin ang buong seksiyon o
akda at unawaing mabuti ang
hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito
2. Suriin at hanapin ang pangunahin
at di pangunahing kaisipan
3. Habang nagbabasa, magtala at
kung maaari ay magbalangkas
4. Isulat sa sariling pangungusap at
huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-
kuro ang isinusulat
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at
kung mapapaikli pa ito nang hindi
nababawasan ang kaisipan ay lalong
magiging mabisa ang isinulat na buod.
Mga dapat tandaan
sa pagsulat ng
Lagom o Sinopsis
 Banggitin ang pamagat, may-akda, at
pinanggalingan ng akda upang
maipaunawa sa mambabasa na ang
kaisipang iyong inilalahad ay hindi galing
sa iyo kundi buod lamang ng akdang
binasa kaya iwasang magbigay ng iyong
sariling pananaw tungkol sa akda at
maging obhektibo sa pagsulat nito.
 Gumamit ng ikatlong panauhan sa
pagsulat.
 Isulat batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal
na sipi nito. Kung malungkot ang damdaming
naghahari, dapat maramdamin din ito sa buod na
gagawin.
 Isama ang mga pangunahing tauhan, kanilang
mga gampanin at suliraning kinakaharap.
 Maaaring buuin ang buod ng isang talata, maging
ng ilang pangungusap lamang. Kung higit sa isang
talata, gumamit ng angkop na mga pang-ugnay sa
paghabi ng mga pangyayari sa ibinubuod.
 Tiyaking wasto ang gramatika,
pagbaybay, at mga bantas na ginamit
sa pagsulat.
 Huwag kalimutang isulat ang
sangguniang ginamit kung saan
hinango ang orihinal na sipi ng akda.
Ang Alibughang Anak
Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
(Lucas 15:11-32 Ang Salita ng Diyos
(SND))

Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang


anak na lalaki. Ang nakababatang anak ay
nagsabi sa kaniyang ama, “Ama, ibigay mo sa
akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa
akin.” Ibinahagi nga ng ama sa anak ang
kaniyang kabuhayan.
Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa
kaniya, ang nakababatang anak na lalaki ay umalis.
Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay
ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay nang
magulong pamumuhay. Ngunit nang magugol na niya
ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa
lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. Humayo
siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon.
Siya ay sinugo sa mga bukirin upang magpakain ng mga
baboy. Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga
bunga ng punongkahoy na ipinakakain sa mga baboy
sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya,
“Ang aking ama ay maraming upahang utusan.
Sagana sila sa tinapay samantalang ako ay
namamatay dahil sa gutom. Tatayo ako at pupunta sa
aking ama. Sasabihin ko sa kaniya na ako’y
nagkasala laban sa langit at sa kanyang paningin.
Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan.”
Sa kanyang pagtayo, pumunta siya sa kaniyang ama,
ngunit malayo pa siya ay nakita na siya nito. Ito ay
nahabag sa kaniya. Tumakbo ito, niyakap at hinagkan
siya.
Sinabi ng anak sa kaniya, “Ama, nagkasala ako laban
sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-
dapat na tawaging anak mo.”
Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin,
“Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot
ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa
kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga
paa. Magdala kayo ng pinatabang guya at katayin ito.
Tayo ay kakain at magsasaya. Ito ay sapagkat ang
anak kong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay
nawala at natagpuan.” At sila nga ay nagsimulang
magsaya.
Sinopsis
Mayroong isang matanda na may dalawang anak.
Maykaya sa buhay ang matanda kaya naman
naibigay din nito ang magandang buhay para sa
dalawang anak.
Gayunman, isang araw ay napagpasiyahan ng
bunsong anak na kunin na ang kaniyang mamanahin
sa ama. Ipinagkaloob naman ito ng ama sa kaniyang
bunso. Matapos na matanggap ang pera at ari-arian
ay umalis ito sa puder ng ama.
Walang ginawa ang bunsong anak kung
hindi ang magpasarap sa buhay. Ginastos
nito ang perang ipinama sa paraang nais
niya. Madalas siyang pumunta sa mga
kasiyahan. Sinubukan din nitong magsugal.
Dahil sa kapabayaan, naubos agad ng
bunso ang kaniyang mana. Nabaon ito sa
utang at hindi na nakabangon pa.
Nagdesisyon ito na bumalik sa kaniyang ama.
Nag-aalinlangan man ay wala na siyang ibang
matatakbuhan. Mabuti ang puso ng kanilang
ama kaya naman tinanggap niya nang buong
puso ang bunso. Pinakain at binihisang muli.
Nagtataka naman ang panganay dahil
matapos umalis ng bunsong kapatid at
waldasin ang pera ay nagawa pa rin itong
tanggapin ng ama. Kinausap niya ang ama
dahil dito.
Sinabi naman ng ama na ang kaniyang
pagtanggap sa anak ay ang tunay na diwa
ng pamilya. Lahat naman daw tayo ay
nagkakamali at nangangailangan ng
pagpapatawad. Ang mahalaga raw ay
natututuhan natin ang ating leksiyon.
Pagsulat ng
Sinopsis/Buod

Basahin ang inyong paboritong kwento,


aklat o nobela. Gumawa ng sinopsis at
ibuod ito ayon sa inyong pagkakaunawa sa
binasa.
Pamantayan
Sumasagot sa tanong na Sino? Ano? 5 puntos
Saan? Kailan? Bakit? Paano?

Gumagamit ng sariling salita sa 5 puntos


pagbubuod

Payak ang mga salitang ginamit 5 puntos

Nagtataglay ng pangunahing kaisipan 5 puntos

Kabuuan: 20 puntos
Panuto: Basahin at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat sa ika-
apat na bahagi ng papel ang titik ng
tamang sagot.
 
1. Ito ay pinasimple o pinaikling bersiyon
ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak C. Sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
2. Ito ay uri ng paglalagom na
kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati, at iba pang anyo
ng panitikan.
A. Abstrak C. sinopsis
B. Bionote D. Paglalagom
3. Sa pagsulat ng paglalagom na
sinopsis, mahalagang maibuod ang
nilalaman ng akda gamit ang_____?
A. sariling salita
B. salita ng awtor
C. salita ng kahit sino
D. salita ng awtor at sariling salita
4. Sa pagsulat ng sinopsis, dapat na ibatay ito
sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi.
Nangangahulugan lamang ito na______?
A. dapat maramdaman ng mambabasa ang
totoong damdaming naghahari mula sa akda.
B. dapat maisulat ang mga pangunahing tauhan
at kanilang mga gampanin.
C. suriin ang pangunahin at di pangunahing
kaisipan.
D. pagtatala ng mga kaisipan habang
nagbabasa
5. Sa pagsulat ng sinopsis, huwag
kalimutang isulat ang _________ na
ginamit kung saan hinango ang
orihinal na sipi ng akda.
A. sanggunian C. awtor
B. aklat D. lagom

You might also like