You are on page 1of 20

Mga Hanguan

ng
Paksa
1. Sarili –
Maaaring simulan sa sarili ang
pag-iisip ng mga paksang
pagpipilian. Batay sa sariling
karanasan, mga nabasa,
napakinggan at napag-aralan.
2. Dyaryo at Magasin –
Ang mga napapanahong isyu sa mga
pamukhang pahina ng mga dyaryo at
magasin o sa mga liham sa editor at
iba pang seksyon ng mga dyaryo at
magasin tulad ng lokal na balita, bisnes,
entertainment at isports.
3. Radyo, TV at Cable TV –
Maraming uri ng programa sa radio
at TV ang mapagkukunan ng paksa.
Mas maraming programa sa cable
dahil sa 24 na oras na balita, isports
at mga programang edukasyonal.

4. Mga Awtoridad, Kaibigan, Guro –
Maaaring makakuha ng mga ideya
upang mapaghanguan ng paksang
pampananaliksik. Makatutulong ito
upang makakuha ng paksang hindi
lamang napapanahon kundi
kawiwilihan din ng ibang tao.
5. Internet – Isa ito sa
pinakamadali, mabilis,
malawak at sopistikadong
paraan ng paghahanap ng
paksa. Maraming mga web
sites sa internet na
tumutugon sa iba’t ibang
interes at pangangailangan
ng iba’t ibang uri ng tao.
6. Aklatan – Bagama’t
tradisyonal na hanguan ito ng
paksa, hindi pa rin
mapasusubalian ang yaman ng
mga paksang maaring mahango
sa aklatan. Dito matatagpuan
ang iba’ibang paksang
nauugnay sa ano mang
larangang pang-akademya.
KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA
1. Kasapatan ng Datos
 Kailangang may sapat na literatura
hinggil sa paksang pipiliin. Magiging
limitado ang saklaw ng pananaliksik
kung iilan lamang ang mga datos
tungkol sa gagawing pananaliksik.
2. Limitasyon ng Panahon –
May mga paksang mangangailangan
ng mahabang panahon- higit pa sa
dalawang markahan- upang
maisakatuparan ang gagawing
pananaliksik, marapat na isaalang-
alang ang limitasyong ito.
 3. Kakayahang pinansyal
 May mga paksang nangangailangan ng malaking gastusin, na kung
titipirin ay maaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatwid,
kailangang pumili ng paksang n aayon sa kakayahang pinansiyal ng
mananaliksik.
 4. Kabuluihan ng Paksa
 Ang isang pananal;iksik na nauukol sa paksang walang kabuluhan ay
humahantong sa isan gpananaliksik na wala ring kabuluhan. Kung gayon,
kailangnang pumili ng paksang bhindi lamang napapanahon kundi maari
ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao.
 5. Interes ng Mananaliksik
 Magagaing madali an gpangangalap ng mga datos kung ang paksang
pag-aralan ay naayon sa interes o kawilihan ng mananaliksik. Hindi na
kailangnang pulitin ang sarili kung ang kanyang ginagawa ay n auukol sa
mga bagay na gsto naman niyang pag-aralan.
 Ano ang larangan sa inhinyerya ang
 pinipili ng mga mag-aaral at bakit?
 • Ano ang larangan sa inihinyerya na
 angkop sa pangangailangan ng bansa o
 pamayanan?
 • Patunayan ang isang teorya na pinagaralan
 sa larangang ito?
Paano Isusulat ang Pamagat ng
Pananaliksik?
 Nararapat na maging tiyak ang pamagat dahil ito’y
 tutugon sa ilang layunin gaya ng mga sumusunod:
 a.Nilalagom nito ang paksa ng buong pag-aaral.
 b.Ito ang batayan ng buong pag-aaral.
 c.Maaangkin mo na ang pag-aaral ay talagang sa
 iyo.
 d.Ito’y makatutulong sa ibang mananaliksik na
 sumangguni sa iyong ginawang pag-aaral habang
 sila mismo ay nagsasarbey ng ilang teorya.
 Ang pamagat ay dapat na nasusulat nang
 maliwanag at tiyak. Mas mabuti kung ang mga
 baryabol na kasama sa pag-aaral ay nakasulat at
 kasama rin sa pamagat. Ginagawa nitong mas
 tiyak ang pamagat.
 Inilahad sa Hanay 1 ang mga
 pamagat na kailangang rebisahin. Ipinakikita
 naman ng Hanay 2 ang inayos na mga pamagat.
PAMAGAT INAYOS NA PAMAGAT
1. Isang Pag-aaral Tungkol sa mga 1) Ang mga Underachievers sa Ikaanim na
“Underachievers” Baitang ng Mababang Paaralan ng ___at ang mga
Salik na Naging Sanhi ng
Kanilang Underachievement

2. Isang Pag-aaral sa Interes ng mga Mag-aaral 2) Ang mga Interes ng mga Mag-aaral sa Unang
sa Mataas na Paaralan Taon ng Mataas na Paaralan ng Ramon
Magsaysay at
ang Kaugnayan Nito sa Ilang Baryabol

3. Isang Pag-aaral sa Bisa ng “Feedback” sa 3) Ang Mga Epekto ng “Feedback” sa


natamo ng mga Istudyante Tagumpay sa
Agham ng mga Mag-aaral na Nasa Ikatlong
Taon ng
Mataas na Paaralan sa Batangas National
High
School at Ilang Kaugnay na Baryabol

4.
SANGGUNIAN

Bernales, Rolando A. Et. Al. 2016 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik Mutya Publishing House
Lartec, Jane etal. 2011 Instruksiyong Modyular sa
Pananaliksik. Pasig City: Anvil Publishing House
Liwanag, Lydia B. 2002. Ang Proseso ng Pananaliksik at Pagsulat ng
Tesis. PNU
Nava, Lolita H. 2007. Understanding the Research Process: A Guide in
Research Paper Preparation. Lecture. PNU

You might also like