You are on page 1of 21

GAWAIN: 5 BAHAGI NG PANANALIKSIK

• Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito


• Kabanata 2: Mga Kaugnay na Literatura at
Mga Pag-aaral
• Kabanata 3: Pamamaraan ng Pag-aaral at
Pinagkunan ng Datos
• Kabanata 4: Paglalahad, Pagsusuri at
Pagpapaliwanag ng Kinalabasan
ng Pag-aaral
• Kabanata 5: Lagom, Kongklusyon at
• Rekomendasyon
BAHAGI NG PANANALIKSIK
Ang isang mananaliksik ay may sinusunod na format
upang magsilbing gabay.
PAMAGAT
- Angkop, makabuluhan, napapanahon
-Kayang tapusin sa panahong ibinigay
-Sanggunian na mapagkunan ng impormasyon upang
mapalawak ang paksa
-Pinag-isipang mabuti at magiging interasado nito.
Kabanata 1
SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula
Dito inilalahad ang suliranin o problema. Mababasa sa
panimula ang presentasyon ng kaligirang pangkasaysayan ng
napiling paksa.
Ipinaliliwanag ang sanhi at kahalagahan nito.
-Tungkol saan ang nilalaman
-Pangkalahatang layunin ng pag-aaral
-Pinag-ugatan ng pamagat
Paglalahad ng suliranin
Sa bahaging ito ay naglalahad ng mga suliranin na bibigyan ng
kalutasan sa pag-aaral.
Halimbawa:
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang epekto ng……
Sinikap ng mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
1.Ano ang epekto ng pagiging iresponsable ng isang
ama sa sumusunod:
1.1 Anak
1.2 Asawa, at
1.3 Magulang
Kahalagahan ng Pag-aaral
Hangarin ng pag-aarla na ito na matukoy ang epekto
ng……..............................................
Ang mananaliksik ay naniniwala na magiging makabuluhan
ang isinagawang pag-aaral sa mga sumusunod:
Para sa mga anak. Makatutulong ang pag-aaral sa
mga anak na…………………………………………
Para sa mga magulang.……………………………
Saklaw at Delimitasyon
Hindi dapat maging malawak ang pipiliing
paksa para maisakatuparan sa ibinibigay na
panahon.Mahalaga na may hangganan ang pag-
aaral para ito masabing kapani-paniwala.

Saklaw ng pag-aaral na ito na matuklasan ang


epekto ng………………..................................................
Katuturan ng mga Katawagang Ginamit
Ang mga sumusunod na katawagan ay
binigyang kahulugan ayon sa pagkakagamit sa
pag-aaral nito upang makatulong sa lalong mabilis
na ikauunawa ng mga mambabasa.

Epekto…………………………………………………

Iresponsable..........................................................
KABANATA 2
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
AT PAG-AARAL

Inilahad sa kabanatang ito ang mga kaugnay na


literatura at pag-aaral na may makabuluhang
kaugnayan sa ginawang pag-aaral. Upang mabigyan
ng mahigit na malalim at kabuluhan ang
kasalukuyang pag-aaral.
Kaugnay na Literatura
Pangunahing layunin ng literatura na matuklasan ng
mag-aaral na ang pagbabasa ay nakawiwili. Sa ganitong
paraan, magiging mahalagang bahagi ang kanyang
programa sa paglibang ang pagbabasa.

Kaugnay na Pag-aaral
Ang kabanatang ito ay naglalayong ilahad ang mga
sinulat na kaugnay sa pag-aaral sa kasalukuyang
pananaliksik.
Mga Banyagang Pag-aaral
Magbigay lamang ng 3-5 kaugnay ng banyagang pag-aaral.

Sintesis
Paghahambing(comparison) sa ginawang pag-aaral

Mga Lokal na Pag-aaral


Magbigay ng 5 pataas kaugnay na mga lokal na pagaaral

Sintesis
Paghahambing(comparison) sa ginawang pag-aaral
Batayang Teorya
Isulat ang pinakasentro layunin sa pag-aaral na ito.
Layon nito ang pagtuturo sa kabataan ng mabuting asal sa
kabila ng kanilang pinagdadaanan.
Nakasentro ang pag-aaral sa kanyang pakikipaglaban sa
karapatan bilang tao.
Balangkas ng Pag-aaral
Matutunghayan sa pahinang ito ang kahon sa kaliwa
ay naglalaman ng katanungan tungkol sa epekto sa
anak, asawa at kapwa ama. Ang kahon naman sa gitna
ay ang tungkol sa sitwasyong moral tulad ng relihiyon,
Diyos at lipunan. Ang kahon naman sa kanan ay ang
tatlong bisang taglay: kaisipan, damdamin at kaasalan.
Iresponsableng Ama:
Epekto sa mga Anak

Sitwasyong Moral
- Relihiyon
- Diyos
- Lipunan
120

100

80
Epekto Masamang naidudulot
Asia
- Anak 60 - Pangkaisipan
Europe
- Asawa - Pandamdamin
America
- Kapwa 40 - Pangkaasalan

20

0
Jan Feb Mar Apr

Pigura 1. Paradaym ng Pag-aaral


KABANATA 3
MGA PAMAMARANG GINAMIT SA PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalayong ilahad ang


pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Kasama sa pag-
aaral na ito ang mga disenyo ng pag-aaral, pagkukunan
ng datos, instrumento, pamamaraan at pagtalakay ng
mga datos.
Disenyo ng Pag-aaral
A. Pamaraang pangkasaysayan (Historical)-Dito muling
sinasariwa ang mga sunod-sunod na pangyayari ng nakaraan ,
ang mga pinagmulan ng mga dahilan ng mga pangyayari at ang
resulta nito.
B. Pamaraang Eksperimental (Experimental) - Ang
pagpapalagay sa maaaring maganap ay tinatawag na
haypotesis. Ito ay papatutunayan pa sa pamamagitan ng
pagsubok at pagsusuri. Sa pamaraang ito, binibigayang-pansin
ang hinahanap at kung ano ang mangyayari.
C. Pamaraang Panlarawan ( Descriptive Method) -
Madalas itong gamitin ng mga risertser sa
kasalukuyang panahon, sitwasyon at basihan.

D. Pamaraang batay sa Pamantayan (Normative


Method) - Sa bawat pag-aaral, mayrrong
paghahambing o batayan sa resulta nito.
E. Pag-aaral ng Isang Kaso (Case Study) - Ito ay
pag-aaral at kabuuang pagsusuri sa isang aklat, sa
isang partikular na tao at iba pa. Madalas itong
gamitin sa hukuman, sa isang karanasan o pangyayari.
Mahalaga rito ang pangangalap ng mga kaugnay na
karanasan o impormasyon at maipakita kung ano ang
kinalaman nito sa kasalukuyang pinag-aaralan.

Tandaan: mamili ng isang disenyo ayon sa ginawang


pananaliksik. Ipaliwanag at patunayan ang pagkakagamit nito.
Mga Pamamaraan
Pinakamahalagang bahagi ng tesis. Ilalahad dito
nang isa-isa ang mga paraang ginagamit katulad ng
pananaliksik, pakikipanayam, pag-eeksperimento, pag-
aaral at pakikinig. Ibibigay ang mga katibayan kung
paano pinatutunayan ang kaliwanagan ng isang paksa.
Anong ginawa ninyong paraaan ng pananaliksik at
sino-sino ang mga taong ginamit ninyo upang maiwasto
ang nasabing pag-aaral? Dumaan ba sa masusing
balidasyon? Kilalanin ang mga ito at ang titulo nila.
Paraan ng Pangagalap ng Datos
Lugar ng pinagkunan ng datos. Saan galing ang mga
datos na nakalap ninyo, gumamit ba kayo ng silid-
aklatan o library, internet? Isulat ang pangalan ng
aklat at may-akda.
Paraan ng Pagbibigay-halaga sa mga Datos

May iba pa ba kayong nilapitan upang maragdagan


ang kaalaman at papananaw ng mananaliksik? Ilagay
ninyo ang katibayan kung siya ay kuwalipado o karapat-
dapat ba siyang hingan ng tulong sa nasabing pag-aaral.

You might also like