You are on page 1of 2

Mga Paraan ng Pananaliksik

Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Paglararawan (Descriptive Method)

B. Eksperimental na Paraan

Uri ng Paglalarawang Paraan

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) ang paraang itoy detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit
sa loob ng sapat na panahon.

2. Sarbey Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Lawak ng Sarbey

2.1. Sensus isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

2.2. Sarbey ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng


mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Teknik sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental

3.1. Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng
mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.

3.2. Kros-Seksyunal na Paraan (Cross-Sectional Method) - Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok
na may ibat ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.
4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang
isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring
bunga ng isang pag-aaral.

5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) - Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon


sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga
suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content
analysis)

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na
tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong
umiiral sa kasalukuyan.

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo
para alamin ang ibat iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isat isa sa target na populasyon.

B. Eksperimental na Paraan Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay
na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na


pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.

2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.

3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o


pinag-aaralan at sinusulat

Pos

You might also like