You are on page 1of 1

Julla Celine M.

Valerio

BSMT 2-2

IKALAWANG PAMANAHONG LEKTYUR

ANO ANG PANANALIKSIK?

Ayon kay Aquino (1974) ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng Kaukulang
impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.

Ayon naman kina Atienza at iba pa. (1996) ang pananaliksik ay ang matiyaga,Sistematiko, mapanuri at
kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, Kagawian, problema, isyu o aspekto
ng kultura at lipunan

Ayon sa aklat ni Tumangan et al (2006) narito ang ilang uri ng pananaliksik:

1. EKSPERIMENTAL (Experimental)- ang uring ito ng pananaliksik ay maaaring Tumuklas ng isang


katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng laboratory. Karamihan Sa uring ito ay ginagawa sa
mga asignaturang Agham. Ang laboratory ang magiging Basehan upang makuha ang resulta ng pag-
aaral. Ito ang pinakatanyag na pamamaraan Ng pananaliksik sa pagsusulong ng kaalaman sa agham.

2. PALARAWAN (Descriptive)- dito pinag-aralan ang kasalukuyang ginagawa at mga Isyu na


importante sa tao. Ang pangangalap ng mga datos sa pamamagitan ng sarbey At pagpapaliwanag sa
kahulugan nito at paglalarawan sa resulta nito ay matatawag na Isang pananaliksik na palarawan.
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ay mailarawan ang Kalagayan ng pag-aaral.

3. HISTORIKAL- ang pananaliksik na ito ay nakabatay sa mga isyu o mga pangyayari Tungkol sa
nakaraan. May kahirapan gawin ang ganitong uri ng pananaliksik sapagkat Kailangan mong
saliksiking mabuti ang mga bagay sa tunay na mga pangyayari.

4. PAG-AARAL NG ISANG KASO (Case Study)- ginagamit ang ganitong uri ng Pananaliksik sa pag-
alam sa mga kaso gaya ng mga pangyayari sa usaping panghukuman, Pag-alam sa kaso ng isang
pasyente na nagkaroon ng problema, sa mga dahilan kung Bakit nawala sa sariling pag-iisip ang isang
tao. Ang pananaliksik ding ito ay nagbibigay-Linaw at pag-unawa tungkol sa pagtuklas sa pag-uugali
ng tao at gumagawa ng Detalyadong pag-aarala ukol sa isang tao o yunit na may sapat na panahon.

5. NABABATAY SA PAMANTAYANG PANANALIKSIK (NORMATIVE STUDY)- ang Pag-aaral na ito ay


nakabatay sa resulta ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga Paghahambing. Madalas na gamitin ito sa
paghahambing sa resulta ng isang pagbibigayngg eksamin

You might also like