You are on page 1of 20

Sitwasyon/Kahalagahan/Kaugnayan

ng Wikang Filipino sa Iba’t-Ibang


Larangan

Inihandang Ulat ng Ika-apat ng Pangkat sa FilDis (Fil 2)


BSED Social Studies 1-A
Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo
Talaan ng Nilalaman

• Panimula
• Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Larangan ng Panitikan/Literatura
• Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Larangan ng Kasaysayan; at
• Sitwasyon ng Wikang Filipino sa
Larangan ng Kumersyo

SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-


2022 2
IBANG LARANGAN
Cantos

Panimulang Salaysay
Tunay na napakahalaga ng wika sa pangaraw-araw na aspekto ng pamumuhay. Wika ang
ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang
ating saloobin at kaisipan at umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang
nasusulat dito. Ngunit ang tanong ni Juan, ano na nga ba ang kalagayan o sitwasyon maging
ang kahalagahan ng Wikang Filipino sa Iba’t-Ibang Larangan lalo na sa panahon ngayon?

SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG


2022 3
LARANGAN
Ang Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Larangan
ng Literatura

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 4


Corido

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Literatura
• Ayon kay David Michael San Juan ng De La Salle University, nanganganib ang Wikang
Filipino sa larangan ng panitikan dahil ito ay nai-uugnay rin sa edukasyon kung saan ito ay
ganap na itinuturo.
• Ito ay dahil sa naging CHED Memorandum Order No. 20, s. 2013, binura ng Administrasyong
Benigno Aquino ang Asignturang Filipino, Literatura, at Philippine Government &
Constitution.
• Ngunit noong 2015 ay nagsumite ng daan-daang pahina ng dikumento ang Tanggol Wika na
isinusulong na baliktarin ang desisyon sa pag-alis ng pagtuturo ng Filipino sa Tersyarya
kabilang dito ang pagsasa-aral ng panitikan.
• Ang grupong “Tanggol Wika” na sumasalungat sa grupo ng Malakanyang na “Tanggal Wika”
ay pinaboran o kinampihan ng Korte Suprema at naglabas ng indefinite na Temporary
Restraining Order laban sa naging memorandum order ng CHED.
2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 5
Corido

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Literatura
• Binigyang-diin din ng petisyon ng “Tanggol Wika” sa Korte Suprema ang paninindigan
ng ibang mga paaralan, unibersidad, at ilang mga grupo tungkol sa pagpapanatili ng
wikang Filipino bilang panturo sa High School at Kolehiyo. Sabi nila na ang Filipino ang
bukal ng karunungan bilang larangan na humuhubog ng karunungan kaya dapat hindi ito
inaalis dahil isang malaking insulto na rin ito sa ating bansa na ang Wikang Filipino ang
siyang kaluluwa ng bansang Pilipinas.
• Ayon din sa kanila, ang Wikang Filipino ang pinaka-epektibong sandata para mai-panday
ang kaalaman ng bawat isa sa paglikha o pagtuturo ng Maka-Filipinong Panitikan
kabilang na ang mga nobelang inilathala ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na siyang isinalin-wika sa Wikang Filipino mula Wikang Espanyol na
siyang orihinal na wika nito.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 6


Cantos

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Literatura
• Mahina pa rin ang protesta ng mga naturingang sikat na manlilikha ng panitikan sa
Pilipinas laban sa CMO No. 20 at K to 12 kaya’t dapat pa ring bigyang-diin na ito’y
responsibilidad din nila, lalo pa’t alam nilang ang espasyo sa kurikulum ang dahilan kung
bakit marami-rami pa ring nao-obligang magbasa ng kanilang mga sinulat.
• Kaugnay nito, dapat tiyakin ng mga manunulat na ang kanilang isusulat ay makabuluhan
at makahulugan sa konteksto ng bansang Pilipinas. Tungkulin nila na itaas ang lebel ng
diskurso sa kanilang mga akda sa halip na magpalunod sa dikta ng merkado at komersyal
na mga korporasyong kumokontrol sa produksyon ng panitikan.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 7


Ang Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Larangan
ng Kasaysayan

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 8


Zapanta

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kasaysayan
• Wikang Filipino ang naging sandigan nating mga Pilipino dahil ito ang ating wikang
pambansa, kaya't mahalaga na kahit sa larangan ng mga kasaysayang pangyayari noon ay
maging wikang Filipino ang gagamitin upang mas lalong maintindihan at maliwanagan
tayong mga Pilipino hinggil sa mga nangyare noong unang panahon.
• Isa rin ito sa magandang paraan upang mas lalo tayong mamulat sa mga kasaysayan na
kahit hindi natin naabutan ay malalaman pa rin natin at maisasabuhay ang mga aral na
ating makukuha sa mga kasaysayang iyon.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 9


Flores

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kasaysayan
• Malaki ang ambag ng Wikang Filipino sa ating bayan maging sa pag-aaral ng kasaysayan
nasusulat sa ating sariling wika ang mga akdang magbabalik tanaw satin sa nakaraan, sa
mahahalagang bahagi ng ating kasaysayan na siyang nagpapayabong sa’tin bilang isang
mamamayan. Sa kabila ng pagkakaroon ng ibat-ibang relihiyon, kultura at lugar na pinagmulan
nagkakaisa parin dahl sa Wikang Filipino. Ang wikang ito ang sumasalamin sa kultura at lahi
nating mga Pilipino ang siyang sumasalamin sa ating kasaysayan.
• Dahil sa paggamit ng Filipino sa pag-aaral ng kasaysayan lalo na ng ating bansa, makapagbibigay
ito ng konkretong impormasyon ukol sa kahalagahan, kalagayan at kung paano ito makakatulong
sa pag-unlad ng bayan at sa pangangalaga ng ating makabuluhang nakaraan. Malaki rin ang ambag
nito sa pananaliksik upang maging basehan at makapagbigay ng ideya sa kung ano ang kalagayan
ng wika sa nagdaang panahon. Mas nauunawaan ding matutunan ang mga nangyari noong unang
panahon lalo na sa ating bansa lalo na kung ang ating wika ang magiging medium/instrumento sa
pagkatuto.
2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 10
Formeloza

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kasaysayan
• Malaki ang naging ambag ng ating paggamit sa Wikang Filipino sa lahat lalo na rin sa
larangan ng kasaysayan. At dahil dito, minumulat natin ang sarili nating mga mata upang
malaman ang mga tunay na pangyayari sa panahon na hindi natin inabutan. Sa larangan
ng kasaysayan, madami ang mga magiging pag-uusapan ukol sa nangyari noong panahon
na iyon at paano ito maipapakilala sa mga susunod na mga taon o panahon. Mas nagiging
dakila ang pagkatuto natin sa kasaysayan lalo na ng kasaysayan ng ating bansa dahil sa
makabuluhang paggamit natin sa Wikang Filipino, mas nagkakaroon ng laman ang bawat
impormasyong ating nababasa o napapakinggan dahil nauunawaan natin ito nang mas
higit.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 11


Ang Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Larangan
ng Kumersyo

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 12


Fernandez

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kumersyo
• Talakayin muna natin kung ano ang KUMERSYO.
• Bilang isang kalakal tinatawag ito anumang negosasyon na nagsasangkot sa pagbili,
pagbebenta o pagpapalitan ng mga produkto, kalakal o serbisyo. Galing ito sa Latin
komersyo, na nangangahulugang "pagbili at pagbebenta ng mga paninda.“
• Sa puntong ito, bilang komersyo maaari rin itong tawaging ang hanay ng negosasyon na
bahagi ng prosesong ito.
• serbisyo
• produkto
• pamumuhunan (investment)

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 13


Fernandez

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kumersyo
Karaniwan sa mga Pilipino ang humanga sa mga kapwa Pilipinong bihasa sa
paggamit ng wikang banyaga ngunit hindi ba mas kahanga-hanga kung ang
isang Pilipino sa kasalukuyang panahon ay nanatiling tunay na magaling
gumamit ng mga malalim na termino sa kabila ng modernisadong panahon?
Ang pag-unlad ng bansang Pilipinas ay nakasalalay sa mga mamamayan nito,
kaya naman napagdesisyunan ng mga mag-aaral na ibahagi ang adbokasiya ng
“Pagpasok ng Wikang Filipino sa Mundo ng Komersyo”. Oo, ang wikang
Ingles ang global na wikang pangkomersyo, subalit upang makamit ng bansa
ang progresyon, kailangan muna nating makamit ang ating mga sari-sariling
wikang pangkaunlaran.
2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 14
Buencillo

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kumersyo
Ayon sa pag-aaral ng Social Weather Station, noong una ay 6 sa 10 Pilipino ang
bihasa o fluent sa wikang Ingles. Samantala, pagkalipas ng ilang taon, tinatayang 3
sa 10 Pilipino na lamang ang pumipili ng pagsasalita ng salitang Ingles. Tanda ito ng
magandang simulain ng wikang Filipino sa mundo ng kaunlaran ng komersyo.
Subalit 32.4% o 9, 725, 155 ektarya ng bansa ay pang-agrikultura, pinamumuhayan
ng mga magsasaka at mangingisda na karaniwang walang gaanong dunong sa
wikang banyaga. Nakakalimutan ng bansa na ang mga magsasaka at mangingisdang
ito ang nagkakaloob ng malaking kontribusyon sa pagpapataas ng GDP at per capita
ng bansa. Kaya naman, nararapat lamang na bigyang-pansin ang pakikipagtalastasan
at pakikipagnegosyo gamit ang ating sariling wika sa sariling bansa.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 15


Buencillo

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kumersyo

Sa patuloy na paglawak ng ekonomiya ng bansa, patuloy ring nadaragdagan ang


mga kabuhayan at negosyona lumalago dahil sa suportang ibinibigay ng masang
Pilipino. Datapwat, marami sa mga negosying ito ay pagmamay-ari ng mga
banyagang mamumuhunan na nagdudulot ng malimit na paggamit ng
banyagang lenggwahe. Dahil dito, unti-unti ng nakakalimutan o naiisantabi ang
paggamit ng ating wikang pambansa.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 16


Mendoza

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kumersyo
Ano nga ba ang magagawa ng paggamit ng Wikang Filipino sa Mundo ng
Komersyo? (Sa Larangan ng Negosyo)

Mga Rasyunal na Dahilan:


• Pagdating sa pakikipag-ugnayang pampubliko, mas patok ang mga kainan na
kilala at pamilyar na sa mga Pilipino.
• Sa produkto, madaling mababatid ng mga mamimili (maging sa ibang bansa)
ang isang sikat na produkto, magkakaroon ng mas mainam pagkakakilanlan
ang isang produkto na mula sa Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.
2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 17
Mendoza

Ang Sitwasyon/Kahalagahan ng Wikang


Filipino sa Larangan ng Kumersyo
Ano nga ba ang magagawa ng paggamit ng Wikang Filipino sa Mundo ng
Komersyo? (Sa Larangan ng Trabaho)

Mga Rasyunal na Dahilan:


• Naiiwasan ang pagkalito sa pagsagot ng mga komplikadong tanong sa
panahon ng pag-aaplay ng trabaho.
• Tumataas ang kumpiyansa sa sarili ng isang Pilipino dahil sa pagkakaroon
ng pamilyarisasyon sa wikang ginagamit.

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 18


“Ang wika ay susi ng puso at diwa,
tuluyan ng tao’t ugnayan ng
bansa.”

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 19


Maraming Salamat!
BUENCILLO, CANTOS, CORIDO, FERNANDEZ, FLORES, FORMELOZA,
MENDOZA, at ZAPANTA

2022 SITWASYON NG WIKANG FILIPINO SA IBA’T-IBANG LARANGAN 20

You might also like