You are on page 1of 11

Baitang Ikapitong Baitang Rehiyon: IV-B MIMAROPA Laguman: Ikalawa

Asignatura Filipino Petsa: Nakalaang Oras: Animnapung Minuto

Masusing Banghay Aralin

I. Layunin Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay nauunawaan ang nais ipahiwatig
kuwento.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng mga kakaibang
elemto o nilalang na alam nila.
K. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Napapahalagahan ang mga payo ng magulang.
D. Mga Tiyak na Layunin Nalalaman at nabibigyang halaga ang mga payo ng
magulang at nasusuri ang nilalaman ng kuwento.
II. Nilalaman Linggo 17
Ang mga Duwende
Kagamitang Pampagtuturo Mga kagamitan sa pagsasanay, mga larawan, kagamitang
biswal at projector
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Kagamitang pang
Mag-aaral pp.39-40
2. Mga pahina sa Teksbuk
B. Iba pang Sanggunian
III. Pamamaraan
A. Balik Aral sa Nakaraang Aralin Ano ang ating tinalakay kahapon?
Ang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa tulang Kay
Mariang Makiling.
Tumpak! Sino ang may-akda ng tulang Kay Mariang
Makiling? Ang may-akda ng tulang Kay Mariang Makiling ay si
Edgar Calabia Samar.
Tama! Sino ang nagsasalita sa tula?
Ang nagsasalita sa tula ay ang anak.
Magaling! Ano ang ipinapahiwatig ng tula?
Ang ipinapahiwatig ng tula ay tungkol sa paglisan ng
ina na inihalintulad kay Mariang Makiling.
B. Paghahabi sa Layunin (Ang guro ay magbibigay ng pangkatang gawain. Sa
pamamagitan ng mga larawan na nakatapat sa mga upuan
ng mga mag-aaral, malalaman ng mga mag-aaral kung
saang pangkat sila kabilang. Ang mga nakakuha ng mga
larawan ng kapre ang magsisilbing unang pangkat at ang
mga nakakuha ng mga larawan ng mga manananggal ang
magiging ikalawang pangkat. Bibigyan ng guro ang bawat
pangkat ng tig-isang “cartolina” at “pentel pen”. Ang
bawat pangkat ay magsusulat ng mga kakaibang nilalang o
elemento na alam nila. Kung anong pangkat ang may
pinakamaraming naisulat ang tatanghaling panalo.
Bibigyan lamang ng guro ang bawat pangkat ng tatlong
minuto para magawa ito. Pagkatapos ng tatlong minuto na
itinalaga para sa gawain ng bawat pangkat, ibabahagi ng
isang miyembro ng bawat pangkat ang kanilang ginawa at
iwawasto ng guro ng naisulat nila at saka ibibigay ng guro
ang katibayan ng pagkilala.)
(Pagkatapos malaman ng mga mag-aaral kung saang
pangkat sila kabilang, pupunta sila sa kanilang mga ka-
miyembro at tahimik na gagawin ang nasabing gawain.)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Batay sa inyong ginawa, ano sa tingin ninyo ang ating
bagong aralin tatalakayin ngayong araw?
Ang ating tatalakayin ngayong araw ay isang kuwento
tungkol sa mga duwende.
D. Pagtatalakay ng konsepto at May mga alam pa ba kayong kuwento tungkol sa mga
bagong kasanayan. #1 kakaibang nilalang?
(Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga alam nilang
kuwento tungkol sa mga kakaibang nilalang.)
E. Pagtatalakay ng konsepto at (Sa pamamagitan ng inihandang powerpoint,
bagong kasanayan. #2 ikukuwento ng guro ang tungkol sa mga duwende.)
(Tahimik na makikinig ang mga mag-aaral.)
(Pagkatapos magkuwento ng guro, magtatanong ng
mga katanungan patungkol sa kuwento.)
Ano ang pamagat ng kuwento?
Ang pamagat ng kuwento ay “Ang Mga Duwende”
Tumpak! Ang mga duwende ay halimbawa ng mga
kakaibang elemento o nilalang. Saan nagmula ang
kuwentong ito?
Ito ay nagmula sa Bicol.
Tama! Ito ay isa sa mga kuwentong bayan mula sa
Bicol. Sa unang bahagi ng kuwento ay mapapansin nating
abalang-abala sa pananahi ang dalawang magkapatid na
babae. Ano kaya ang tinatahi nila?
Ang tinatahi ng dalawang magkapatid na babae ay
kamisa at saya.
Magaling! Saan nila ito isusuot?
Isusuot nila iti para sa isang misa kinaumagahan.
Okey! Ibig sabihin ay magsisimba ang dalawang
magkapatid. Ano ang parating ibinibilin ng kanilang ina
bago sila matulog?
Ang parating ibinibilin sa kanila ng kanilang ina ay
siguruhing nakasara ang pinto at mga bintana bago sila
matulog.
Mahusay! Ano kaya ang mangyayari kapag naiwanan
nilang bukas ang pinto at mga bintana?
Papasok ang duwende na bumibisita sa kanila tuwing
hatinggabi.
Tama! Papasok ang mga duwende na gumagambala sa
kanila tuwing hatinggabi. Batay sa kuwento ng kanilang
ina, ano ang ilan sa mga kapilyuhang ginagawa ng mga
duwende?
Ang ilan sa mga kapilyuhang ginagawa ng mga
duwende ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan,
pagbasag sa mga salamin, baso, plato at tasa.
Tumpak! At kung hindi naman sila makahanap ng mga
bagay na babasagin o sisirain, ano naman ang ginagawa ng
mga duwende?
Kinukurot nila ang mga pisngi, braso at katawan ng
mga tulog na babae upang maging mabigat ang kanilang
pakiramdam pagkagising.
Magaling! At kung hindi kinaaasaran ng mga duwende
ang mga taong nakatira sa bahay na madalas nilang
bisitahin, nagpapakita sila ng kabaitan sa mga ito. Sa
papaanong paraan kaya?
Sa pamamagitan ng pagdadala nila ng mga kaibigan
nila ng mga masasarap na pagkain.
Tama! Ano pa?
Ipinagtatanggol din sila mula sa mga masasamang
nilalang.
Mahusay! Batay sa kuwento, itinuturing din silang
mga nilalang na nagtataglay ng kakaibang karunungan, ano
pa kaya ang kaya nilang gawin?
Kaya rin nilang malaman o mahulaan ang mga lihim at
kinikilos ng mga tao.
Magaling! Kaya kung sinuman ang magsabi ng hindi
maganda o magbalak ng masama sa kanila kahit pa na hindi
nila ito marinig ay pinaparusahan nila at hindi na muling
babalikan pa. Sa katapusan ng kuwento, mahihinuha
nating naiwanan ng dalawang magkapatid na babae na
bukas ang pinto at mga bintana, kaya ng maghatinggabi na
ay nakarinig sila ng mga kakaibang tunog. Ang mga tunog
na ito ay mula sa mga duwendeng nakapasok na pala sa
pinto ng kanilang bahay. At katulad ng inaasahan ay
tumakbo at tumalon siya papasok ng bahay papunta sa
mga dalaga na naging dahilan ng pagkasipa ng duwende ng
isang gasera na nagpaliyab sa mga kamisa at saya nila. Sa
katapusan ng kuwento, ano ang nangyari sa bahay nila?
Nasunog ang kanilang bahay.
Tama! At kumalat ito sa buong bayan ng Legaspi.
Kaya naman pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging
maingat na ang magkapatid at mmga taong naninirahan
doon.
F. Paglinang sa Kabihasnan Sa kabuuan ng kuwento, ano ang aral nito?
Palaging alalahanin at sundin ang bilin n gating mga
magulang.
Tama! Dahil walang magulang na gustong mapahamak
ang kanilang mga anak.
G. Paglalapat ng Aralin Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain.
Kung ano ang pangkat niyo kanina ay iyon din ang magiging
pangkat ninyo ngayon. Nauunawaan ba?
Opo ma’am!
(Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng tig-isang
enbelop na naglalaman ng kanilang gawain at tig-isang
“cartolina” at “pentel pen” na gagamitin nila sa
pagsusulat.)
Bago kayo magsimula ay basahin muna ang panuto.

Panuto: Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat


enbelop at pagkatapos ay gawan ito ng wakas at isulat
niyo rin kung anong aral ang napulot niyo rito.
Pamantayan:
Kaangkupan sa Paksa----------------40%
Pagkakaisa ng Pangkat---------- ----20%
Presentasyon------------------------40%
Kabuuan------------------- 100%

Mga gagawin ng bawat pangkat:

Unang Pangkat
Si Kardo ay lumaki na halos walang kaibigan. Palagi
lang siyang nakakulong sa bahay. Ayaw ng kanyang mga
magulang na makisalamuha siya sa ibang bata. Palagi
siyang pinapayuhan nito na huwag lumabas ng bahay ng
hindi nagpapaalam dahil baka may masamang mangyari sa
kanya. Hanggang sa isang araw, naisipan niyang
makipaglaro sa mga batang hindi niya kakilala ng hindi
nagpapaalam sa kanyang magulang. Naglaro sila ng tagu-
taguan hanggang napunta siya sa kagubatan na kung saan
ay siya lang mag-isa roon. Alalang-alala ang mga magulang
ni Kardo nang napag-alaman ang nangyari.
Sa inyong palagay, ano kaya ang mangyayari kay
Kardo? Pagsisisihan kaya niya ang kanyang ginawa?
Magbigay ng aral na napulot sa sitwasyon.

Ikalawang Pangkat
Si Malia ay kaisa-isang anak nina Mang Mateo at
Aling Lia. Nakatira sila malapit sa ilog. Palagi siyang
pinapaalalahanan nito na huwag maligo sa ilog ng mag-isa.
Isang araw, nagpaalam siya na maligo sa ilog. Hindi
pumayag ang kaniyang magulang dahil baka may
mangyaring masama sa kanya at isa pa ay wala siyang
kasama. Kahit ayaw payagan ng magulang, pumunta parin
si Malia sa ilog at naligo. Habang lumalangoy si Malia,
dumating ang ibang bata na gusto ring lumangoy sa ilog.
Niyaya siyang lumangoy sa bandang gitna ng ilog. Sumama
naman siya hanggang sa hindi na niya namalayan na
napunta na siya sa malalim na bahagi ng ilog.
Sa palagay ninyo, ano kaya ang mangyayari kay
Malia?
Magbigay ng aral na napulot sa sitwasyon.
(Mag-uusap ang mga miyembro ng bawat pangkat at
pagkatapos ay ibabahagi nila sa klase ang kanilang
ginawa)
H. Paglalahat ng Aralin Muli, nating balikan ang kuwentong ating tinalakay
upang subukina ng inyong kaalaman. Para sa unang
pangkat, kunin niyo ulit ang mga larawan at ganoon din ang
ikalawang pangkat. Lahat ng mga nakakuha ng mga
larawan na may pulang laso ay tumayo. Kayo ang mapalad
na makakasagot sa ipapagawa ko sa inyo. Bibigyan ko kayo
ng tig-isang de-kulay na papel na naglalaman ng mga
pahayag tungkol sa kwentong ating tinalakay. Ang gagawin
niyo lamang ay ipapaskil ito sa pisara kung saan ito
napapabilang. Kung sa tingin niyo ay tama ang pahayag,
ilagay niyo ito sa hanay ng TAMA at kung mali, ilagay niyo
ito sa hanay ng MALI, maliwanang ba?
Opo ma’am!
Mga Pahayag:
Ang tinatahi ng dalawang magkapatid na babae ay
kamisa at saya.
Katulad lang ng mmga ordinaryong tao ang duwende.
Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa ng duwende ay ang
pagsira sa kalikasan.
Maraming tao ang sabik, ngunit balisang makakilala ng
duwende.
Bukod sa pagiging pilyo, ang isa pang katangian ng mga
duwende mapagbiro.
Ang maaaring mangyari sa mga taong may sinaabing
masama sa mga duwende ay tinatakot.
Ang kuwento ng mga duwende ay isang akdang
pampanitikan na kuwentong-bayan.
Ang mga kuwento ng mga duwende ay nagmula sa Bicol.
Nasipa ng magkapatid ang gasera.
Nagtataglay ng kakaibang karunungan ang mga
duwende. TAMA MALI

Ang tinatahi ng dalawang Ilan sa mga kapilyuhang


magkapatid na babae ay ginagawa ng duwende ay
kamisa at saya. ang pagsira sa kalikasan.
Katulad lang ng mmga Maraming tao ang sabik,
ordinaryong tao ang ngunit balisang makakilala
duwende. ng duwende.
Ang kuwento ng mga Bukod sa pagiging pilyo,
duwende ay isang akdang ang isa pang katangian ng
pampanitikan na mga duwende mapagbiro.
kuwentong-bayan.
Ang mga kuwento ng mga Ang maaaring mangyari sa
duwende ay nagmula sa mga taong may sinaabing
Bicol. masama sa mga duwende
ay tinatakot.
Nasipa ng magkapatid ang
gasera.
Nagtataglay ng kakaibang
karunungan ang mga
duwende.
I. Pagtataya ng Aralin I.Panuto: Kumpletuhin ang bawat pangungusap. Piliin sa
loob ng kahon ang tamang sagot. Isulat ang inyong sagot
sa nakalaang patlang.

Ang Mga Duwende Ang Nuno sa Punso


Blusa at palda Bikol
Kamisa at saya Nakabukas
Nakasara Ilo-ilo kasal misa

1. Ang pamagat ng kuwentong tinalakay ay


____________________.
2. Ang kuwentong ito ay mula sa ______.
3. Ang tinatahi ng dalawang magkapatid na babae ay
____________.
4. Isusuot nila ito para sa isang _______
kinaumagahan.
5. Ibinilin ng kanilang ina na siguruhing
____________ ang pinto at mga bintana bago matulog.

II.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kapag tama ang
pangungusap at isulat ang salitang MALI kapag mali ang
pangungusap. Isulat ang inyong sagot sa nakalaang
patlang.

________6.Ilan sa mga kapilyuhang ginagawa ng mga


duwende ay ang pagsira sa mga muwebles at mga larawan.

________7.Kung hindi makahanap ang mga duwende ng


mga bagay na sisirain ay kinukurot nila ang mga pisngi,
braso at katawan ng mga tulog na babae.
________8.Kung hindi kinaaasaran ng mga duwende ang
mga nakatira sa bahay na madalas nilang bisitahin,
nagpapapakita sila ng pangit sa mga ito.

________9.Ang mga duwende ay malalaki.

________10.Ang mga duwende ay may mahabang bigote.


J. Karagdagang Gawain Sumulat ng isang maikling kuwento tungkol sa mga
kakaibang nilalang. Isulat ito sa isang buong papel. Ipasa
ito bukas, maliwanag ba?
Opo ma’am!
IV.Tala/Repleksyon
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng remediation.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy ng remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan sa nasolusyunan na tulong
ng aking punong guro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nabuo na nais kong ibahagi sa
kapwa tao?

Inihanda ni: ____________________ Iniwasto ni: _________________


SHARMAINE M. MARTOS KIM F. MACATOL
Gurong Tagapakitang Turo Gurong Tagapatnubay

Inaprobahan ni: __________________ Isiniyasat ni: _________________


FLORENCIO D. MUYO JR. JEAN M. TUMANON
Teaher-In-Charge Professor-RSU Romblon Campus

You might also like