You are on page 1of 1

Banghay- Aralin sa Filipino

Ni: Ricky C. Arabis

I- Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Itala ang bahagi ng salaysay na naglalahad ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang asal
ng isang tao
2. Isalaysay ang mga pangyayari gamit ang story frame

II- Paksang –Aralin


1. Paksa: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik
2. Sanggunian: Filipino Modyul para sa Mag-aaral
3. Kagamitan: mga larawan, led Tv, manila paper

III- Pamamaraan

A. Paghahanda
a. Panalangin
b. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
c. Pagganyak
B. Paglalahad

Magpapakita ng mga larawan ang guro sa led tv. Magtatanong sa mga mag-aaral tungkol
saan ang mga larawan.
Pagkatapos marinig ng guro ang mga sagot, ibigay ng guro ang paksang babasahin sa
araw na iyon. Kasunod niyon ay ibigay ang mga salitang sagabal na matatagpuan sa babasahing
salaysay.
Ang sunod ay ang pagbabasa na ng salaysay na “ Puasa: Pag-aayunong Islam” na isinalin
sa Filipino ni Elvira Estravo.
Tatalakayin ng mga mag-aaral mga mga bahaging nagsasaad ng katotohanan, kabutihan,
at kagandahang asal.

C. Paglalahat
Pagkatapos matatalakay ang salaysay, magtatanong uli ang guro, kung alin sa salaysay ang
nagpapakita ng katotohanan, kabutihan, at kagandahang asal.
D. Paggamit
Hatiin sa dalawa ang klase. Iulat ang isang grupo ang bahaging may katotothanan.., at ang isa
naman ay tungkol pag-aayos ng mga detalye ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa salaysay.

IV- Pagtataya
Sagutin ang mga tanong sa gawain 3: Isalaysay ang nangyari.
V- Takdang aralin

Basahin ang sunod na uri ng salaysay sa pahina 47 at unawaing mabuti ang binasa kung paano
ito nakatutulong sa pagsasalaysay upang mabisang mauunawaan ang mensahi ng parabola.

You might also like