You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Camarines Norte State College


KOLEHIYO NG EDUKASYON
Abao Laboratory Campus
Daet, Camarines Norte
Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Panitikan
Maikling Kuwento: Lokohan sa Langit ni Lola Basyang (Severino Reyes)
BSED III-A Filipino Major
I.

Layunin

Sa pagtatapos ng apatnapung (30) minutong talakayan, inaasahang 15 hanggang ang


kabuuan ng klase ay;
A. Natutukoy ang mahahalagang elementong bumubuo sa maikling kuwento gaya ng
paksa/tema, aral, uri ng maikling kwentong pinagbatayan at ang ginamit na
teorya.
B. Naiuugnay ang diwang ipinahihiwatig ng tula sa tunay na karanasan.
II.

Paksang-Aralin
A. Paksa: Lokohan sa Langit ni Severino Reyes
B. Sanggunian:

Christine S. Bellen, et.al.,Mga Kuwento ni Lola Basyang, Tahanan


Books, Ilaw ng Tahanan Publishing Inc., Unit 402, Cityland 3 Building,
105 Rufino corner Esteban Street, Makati City, Philippines, 2005.

Chan, Editha I. et.al. 2002. Philippine Literature: Literatures from the


Regions Mutya Publishing House, Valenzuela City

Ginoong Velasco, Panitikan: Mga Uri at Anyo. Rertrieved from:


https://www.google.com.ph/? gws_rd=ssl#q=anyo+ng+panitikan; Dated:
Dec. 17, 2015

C. Kagamitan: Tulong Biswal, mga larawan, manila paper/Kartolina/colored paper,


pentouch.

D. Pagpapahalaga: Ang daan tungo sa pinto ng langit ay hindi karunungan kundi


kagandahan ng puso at Hindi mahalaga kung ano at sino ka sa lupa pagdating sa
katanungang Ikaw ba ay karapat-dapat tanggapin sa langit?
III.

Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati at pagsisiguro na malinis ang silid-aralaan.
2. Pagpapaalala sa naitalagang Attendance Attendant of the Day sa matapat na
pagtatala ng mga liban sa klase sa araw na ito.
3. Balik-aral
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung nabasa ba nila ang maikling kuwentong
ipinababasa niya sa bahay noong nakaarang talakayan. Matapos nito ay itatanong niya
ang mga sumusunod:

Sa iyong palagay paano tayo magiging karapat-dapat na makapasok sa langit pagdating


ng oras?

Sa paggawa ng mabuti kailangan ba ang yaman at talino?

C. Paglalahad
Bago simulan ang klase ay magkakaroon muna ng paghahawan sa mga salitang maaaring
hindi lubusang nauunawaan ng mga mag-aaral na matatagpuan sa kuwentong ipinababasa
ng guro. Mga katanungang itatanong ng guro na may kaugnayan sa kuwentong binasa.
1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong binasa?
2. Ano ang kanilang pagkakaunawa sa kanilang binasa?
3. Ano ang kanilang mga hakbang na ginawa upang lubusang maunawaan ang
akdang binasa?
4. Dapat ba o hindi dapat pinapasok ni San Pedro ang abugado at ang doktor? Bakit?

Sa pamamagitan ng ipinangkat na mga grupo noong nakaraan talakayan, isa-isang


tatawagin ang bawat pangkat upang ibigay ang naitakda sa kanilang kategorya upang
mabuo ang isang Concept Map na patungkol sa maikling kuwentong Lokohan sa
Langit ni Severino Reyes.
1. Unang pangkat: Ano ang 3 elementong bumubuo sa maikling kuwentong binasa?
2. Ikalawang pangkat: Ibigay ang partikular na tema/paksa, uri at teoryang ginamit ng
kuwentong Lokohan sa Langit.
3. Ikatlong pangkat: Magbigay ng mga pangyayaring naganap sa kuwento na
nagpapakita ng mga inilahad ng pangkat 2.
4. Ika-apat na pangkat: Magbigay ng isang makatotohanang kaganapan sa panahon
ngayon na nagpapakita ng mga nabanggit ng pangkat 3.

5. Ika-limang pangkat: Sa pamamagitan ng masusing pag-aanalisa, pangkatin ang mga


larawan na ibibigay ng guro kung saang kahon ito maaaring kabilang batay sa daloy
ng mga pangyayari sa kuwentong binasa.
D. Paglalahat
Sa pamamagitan ng nabuong Concept Map ibigay ang kabuuang mensahe ng
kuwentong Lokohan sa Langit at hahayaan ng guro ang mga mag-aaral na ibigay ang
mga pagpapahalagang moral o aral na naituro ng kuwento sa kanila.
IV.
Ebalwasyon
Magbibigay ng maikling pagsusulit ang guro tungkol sa araling tinalakay.
V.
Takdang Aralin
1. Basahin ng may pag-unawa ang tulang Isang Dipang Langit ni Amado V.
Hernandez.
2. Itala ang mga tayutay na ginamit dito at subukang bigyan ng kahulugan.
JESSA M. FRANCISCO

LEO M. GAJERO

NIKKA B. BRAGO

KRISTINA GORDOA

MARICAR V. MAGO

MELGIE H. LAVIGA

CLAIRE Q. PERAMAN

JELL VICOR P. OPEA

You might also like