ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang
Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni ]uli na kanyang kasintahan.
Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa
kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa dako naman ni Pari Camorra na