You are on page 1of 4

Angono Private High School

Elementary Department
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 5

Unang Bahagi: Resulta/Inaasahang Bunga


Paksa: Teorya ng Pinagmulan ng Pilipinas Takdang Araw:
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman tungkol sa mga teorya na
pinagmulan ng Pilipinas upang mapahalagahan ang konteksto ng lipunan/pamayanan
ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng
Pilipinas.
Pangunahing Pag-unawa: Mahalagang Tanong:
May ilang mga teorya tungkol sa Sa inyong palagay, paano nabuo ang
pinagmulan ng Pilipinas. Ang mga ating kapuluan?
teoryang ito ay mga paliwanag na
binuo ng mga eksperto batay sa
resulta ng kanilang ginawang pag-
aaral.
Kaalaman: Kakayahan:
Malalaman ng mga mag-aaral… Ang mga mag-aaral ay….
Mga Teorya ng pagkabuo ng Nailalarawan ang katangian ng Pilipinas
Pilipinas bilang bansang archipelago
 Teoryang Bulkanismo Naipaliliwanag ang teorya sa pagkakabuo
 Continental Shelf ng Pilipinas
 Tulay na Lupa Naipapahayag ang kanilang saloobin
 Teoryang Sundaland tungkol sa pinakapanipaniwalang teorya
 Teoryang Plate Tectonics ng pinagmulan ng Pilipinas
Nakapagsusulat ng maikling sanaysay
tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas
Ikalawang Bahagi: Pagtataya
Produkto/Pagganap: Iba pang katibayan sa pagganap:
 Pagguhit  Maikling pagsusulit
 Pagsulat ng sanaysay  Pasalitang pagsusulit
 Pag-uulat  Pagsasanay sa aklat

Ikatlong Bahagi: Mga Plano sa Pagkatuto

Day 1-2
Pagganyak
A.
1. Ididikit ng guro sa pisara ang isang conceptmap.
2. Tanong: anu-anong salita ang naiisip nyo kapag naririnig niyo ang salitang teorya?
3. Kailangan ng guro ng apat na volunteer. Isulat lamang sa mga paturong linya ang sagot.

TEORYA

4. Base sa mga sinulat niyo ano ngayon ang teorya?


B.
1. Magpakita ng larawan na may kaugnayan sa paksa.

2. Tanong:
Ano ang katangian ng kapuluan ng Pilipinas? Ilarawan.
Ano kaya ang kinalaman ng pagputok ng bulkan sa pagkabuo ng Pilipinas?
Sa iyong palagay, paano kaya nabuo ang kapuluan ng Pilipinas?
3. Bigyan sila ng oras para magbigay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol sa paksa.

Panlinang
1. Pangkatin ang mga mag-aaral nang apatan. Ilahad ang paksang “Pinagmulan ng
Pilipinas”
2. Ihanda ang mga mag-aaral sa pananaliksik ng mga datos.
3. Bigyan ng paksa tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas ang bawat pangkat:
a. Teoryang Tulay na lupa d. Teoryang Continental shelf
b. Teoryang Sundaland e. Teoryang Plate Tectonics
c. Teoryang Bulkanismo
4. Bigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral sa gawain.
5. Ganyakin ang mga mag-aaral na ilahad ang kanilang nasaliksik sa malikhang
paraan.
6. Patnubayan ang mga mag-aaral sa paglalahat ukol sa pinagmulan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagtatanong:
a. Anu-ano ang pagkakaiba ng mga teorya ng pinagmulan ng Pilipinas?
b.Alin sa mga teorya ang sa tingin niyo ay makatotohanan at alin ang hindi?
c. Anu-ano ang mahahalagang puntos ng bawat teorya?
7. Tatalakayin ng guro ang iba pang detalye tungkol sa paksa gamitin ang powerpoint
presentation.
Day 3

Balik-aral
1. Ano-ano ang mga teoryang pinagmulan ng Pilipinas?
2. Ipaliwanag ang bawat teorya.
3. Ano ang teorya na mas pinapaniwalaan mo at ano ang hindi? Bakit?

Paglinang
“Maglaro’t Matuto”
1. Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat.
2. Ang bawat kasapi ng magkabilang pangkat ay bubuo ng tanong na maaaring masagot
gamit ang kaalamang natutuhan sa araling ito.
3. Pagsasama-samahin ng guro ang mga tanong sa isang sisidlan.
4. Magsasalitan ang bawat kasapi nito sa pagsagot sa mga tanong na babasahin ng guro.
May 30 segundo ang mag-aaral para sagutin ang tanong.
5. Pagkaubos ng mga tanong o pagsapit ng tinakdang oras, ang pangkat na may
pinakamaraming nasagot ng tama ang tatanghaling panalo.
Day 4
1. Magpapagawa ang guro ng isang talahanayan at ilalagay ng mag-aaral ang kanilang
sagot sa loob ng mga kahon.

2. “Magtalahanayan Tayo”. Paghambingin ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng


Pilipinas gamit ang talahanayan sa ibaba.

Teorya at Siyentistang Paliwanag Mga Patunay


Naghain ng Teorya
1.
2.
3.
4.
5.
3. Ipabahagi sa klase ang nagawang talahanayan.
Pagsasanay
Sagutin ang Linangin 1 A-B sa pahina 40.

Day 5
“Gumuhit Tayo”
1. Pumili ng isang teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas. Gumuhit ng paglalarawan ng
teorya batay sa paliwanag ng mga siyentista. Maaaring gumawa ng karagdagang
pananaliksik upang higit na mapaghusay ang gawain.
2. Gawing gabay sa pagmamarka ng iginuhit ang sumusunod na rubric.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG GAWAIN


Mga Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos
1. Wasto ang impormasyong 6
nakapalob sa iginuhit.

2. Malinis at malikhain ang 4


pagkakagawa ng larawan.

3. Gumuhit ng karagdagang 5
sanggunian upang
mapaghusay ang gawain.
Kabuuang Puntos 15

Day 6

Pagsulat ng Sanaysay
1. Sumulat ng isang sanaysay sa isang buong papel at sagutin ang mga tanong upang
maging gabay sa pagsulat ng sanaysay.
2. Ano ang kahalagahan para sa iyo ng pag-alam sa pinagmulan ng Pilipinas? Paano mo
mailalapat ang kaalamang ito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Sa iyong pag-
aaral ng kasaysayan at kulturang Pilipino? Pagsama-samahin ang mga sagot ng klase
sa mga tanong at gamitin ito sa paggawa ng sanaysay.
3. Pagkatapos, ipahagi sa klase ang nasulat na sanaysay.
Maikling Pagsusulit
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
________1. Tawag sa supercontinent na pinagmulan ng Pilipinas.
________2. Teorya tungkol sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan mula sa isang
supercontinent.
________3. Teoryang nagsasabing nagmula ang PIlipinas sa pagputok ng Bulkan.
________4. Teoryang nagsasabing dating karugtong ang PIlipinas ng Timog-Silangang Asya.
________5. Siya ang naghain ng teoryang nagmula ang kalupaan sa mundo sa isang
supercontinent.
________6. Siya ang naghain ng teoryang nagmula ang Pilipinas sa pagputok ng mga bulkan
sa paligid ng Pacific Basin.
_______7. Teoryang nagpapaliwanag sa paggalaw ng mga kalupaan.
_______8. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bumubuo sa crust.
_______9. Siya ang naghain ng teorya na tulay na lupa.

Remarks/ Reflection

You might also like