You are on page 1of 14

\

Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

ARALIN 3.1
Pinagmulan ng Pilipinas
Talaan ng Nilalaman

Mga Layunin sa Pagkatuto 1

Kasanayan sa Pagkatuto 1

Mga Kinakailangang Kasanayan 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Kagamitan 2
C. Mga Sanggunian 2
D. Takdang Oras 3

Pamamaraan 3
A. Panimulang Gawain 3
Pagganyak: 5-6 minuto 3
B. Pagtalakay 5
Gawain: 5-7 minuto 5
Pagsusuri 6
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 7
Paglalapat 11
C. Pangwakas na Gawain 11
Pagpapahalaga 11
Paglalahat 11
Dapat Tandaan 12

Kasunduan 12

Pinagkunan ng mga Larawan 13


Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

Yunit 3 | Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang


Kabihasnan
Aralin 1: Pinagmulan ng Pilipinas

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang
sumusunod:
● Naibibigay ang kahulugan ng agham, mito, at relihiyon.
● Naipaliliwanag ang mga pinagmulan ng Pilipinas batay sa agham, mito, at
relihiyon.
● Napahahalagahan ang agham, mito, at relihiyon na naglalahad ng
pinagmulan ng Pilipinas.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang naipaliliwanag ng mga mag-aaral ang
pinagmulan ng Pilipinas batay sa teorya (teoryang plate tectonic), mito, at
relihiyon (AP5PLPId-4).

Mga Kinakailangang Kasanayan


Sa araling ito ay kinakailangan na ang mga mag-aaral ay may naitaguyod nang kaalaman at
kasanayan sa:
● ang Pilipinas bilang isang arkipelago (Baitang 5, Yunit 2, Aralin 1: Ang Pilipinas Bilang
Isang Arkipelago).
● hangganan at teritoryo ng Pilipinas bilang isang arkipelago (Baitang 5, Yunit 2, Aralin
2: Hangganan at Teritoryo ng Pilipinas Bilang Isang Arkipelago).

1
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

Paksang Aralin

A. Paksa
Pinagmulan ng Pilipinas batay sa:
● Agham
● Mito
● Relihiyon

B. Kagamitan
● laptop
● presentation slides

C. Mga Sanggunian
● Cole, Mabel Cook. “The Creation story.” Philippine Folk Tales in Austrian-Philippine
Website. https://www.univie.ac.at/ksa/apsis/aufi/folk/folk-t01.htm?fbclid. Nakuha
noong Oktubre 20, 2021.
● National Geographic, 3 November 2016. Continental Drift 101 | National Geographic.
https://www.youtube.com/watch?v=Wq9kLzm36h0. Nakuha noong Oktubre 20,
2021.
● Oskin, Becky. “Continental Drift: Theory & Definition.” LiveScience. Disyembre 19,
2017. https://www.livescience.com/37529-continental-drift.html. Nakuha noong
Oktubre 2021.
● Panitikan.com.ph. “Teorya ng Bulkanismo.” Panitikan.com.ph.
https://www.panitikan.com.ph/teorya-ng-bulkanismo. Nakuha noong Oktubre 20,
2021.
● Rama, Michael DC., et al. Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap. Makati: EdCrisch
International Inc., 2006.
● Quipper Study Guide, AP5 U3, Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang
Kabihasnan.

2
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagganyak: 5-6 minuto
1. Ipakita ang mapa ng Pilipinas.

2. Ipaalala sa mga mag-aaral ang nakaraang aralin.

3. Sabihin at itanong:
● Noong nakaraang aralin ay natutuhan natin ang tungkol sa kapuluan ng
Pilipinas.
● Ano ang inyong naaalala sa ukol sa mga katangian ng Pilipinas bilang isang
arkipelago?
● Paano kaya nabuo ang arkipelago ng Pilipinas?

3
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

4. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral.

5. Sabihin: Tingnan natin sa araling ito kung mayroong tama sa inyong ibinigay na
paliwanag.

6. Sabihin: Hindi lang kayo ang nagbigay ng paliwanag tungkol sa pagkakabuo ng


kapuluan ng Pilipinas. Ang ating mga ninuno ay mayroon ding mga kuwento na
nagpapaliwanag sa pagkakabuo ng Pilipinas.

7. Itanong: Mayroon ba kayong alam na kuwento ng ating mga ninuno?

8. Ipakita ang larawan ng ibon sa dagat.

9. Ikuwento ang alamat ng pinagmulan ng Pilipinas. Mahahanap ang link sa kuwento


sa sanggunian.

10. Sabihin: Ayon naman sa agham, mitolohiya, at relihiyon, ano ang paliwanag sa
pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas? Ating alamin sa araling ito.

Mahahalagang Tanong:
1. Sabihin: Sa araling ito, sisikapin nating masagot ang sumusunod na mga tanong:
● Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas ayon sa mga teorya ng continental drift
at bulkanismo?
● Ano ang konsepto ng pagkakabuo ng Pilipinas ayon sa mitolohiya?
● Ano ang naging mga batayan ng pinagmulan ng Pilipinas ayon sa relihiyon?

2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na sasagutin ang mga tanong na ito sa katapusan ng


klase.

4
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

B. Pagtalakay
Gawain: 5-7 minuto
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain:

Gawain 1: Sinaunang Kontinente at Bulkan


Takdang oras: 5 minuto

1. Ipakita ang larawan ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga kontinente at pagputok ng


mga bulkan.

2. Magbigay ng isang worksheet sa bawat mag-aaral na naglalaman ng talahanayan


na nasa ibaba.

Nakikita Naiisip Naitatanong

3. Ang unang hanay sa talahanayan ay para sa mga paglalarawan sa kanilang


nakikita. Isusulat naman nila ang kanilang naiisip tungkol sa larawan sa
pangalawang talahanayan. Ang pangatlong hanay ay para naman sa katanungan
na naisip ng mag-aaral.

4. Magtawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa bawat


hanay.

5. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 2: Mitolohiya at Relihiyon


Takdang oras: 7 minuto
1. Sabihan ang mga mag-aaral na maghanap ng kapares. Kasama ng kanilang
kapares ay pag-iisipan nila ang sagot sa tanong para sa gawaing ito.

5
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

2. Ipakita ang larawan ng mga nilikha ng Diyos.

3. Itanong: Ano ang inyong ideya tungkol sa pagkakabuo ng daigdig at kapuluan ng


Pilipinas?

4. Bibigyan ang magpakapares ng tatlong minuto upang makapagbahagi ng


kanilang iniisip at sagot sa isa’t isa.

5. Pagkatapos nilang magbahagi ay maghahanap pa sila ng isang pares upang


makabuo ng pangkat na may apat na kasapi.

6. Magbabahagi ang pangkat na ito ng kanilang mga sagot na kanilang ibubuod.

7. Pagkatapos ay pipili ang guro ng pangkat na magbabahagi ng kanilang sagot.

Pagsusuri

Gawain 1: Sinaunang Kontinente at Bulkan


1. Hingin muna ang sagot ng mga mag-aaral bago talakayin ang wastong sagot.

6
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

2. Talakayin ang mga sagot sa sumusunod na mga tanong:


● Ano ang una ninyong napansin sa larawan? (Malayang sagot)
● Ano ang ipinakikita ng larawan? (Ipinapakita nito ang paghihiwalay ng mga
kontinente at pagputok ng bulkan.)
● Paano kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga kontinente? (Nabuo ang mga
kontinente sa pamamagitan ng paggalaw ng mga plate kung saan nakapatong
ang mga ito.)
● Ano ang kinalaman ng pagputok ng bulkan sa pagkakabuo ng kapuluan?
(Ang nabuong bato mula sa mga bulkan ay naging malalaking tipak ng lupa.
Kapag tumagal ay nakabubuo na ito ng grupo ng mga isla o kapuluan na tulad
ng sa Pilipinas.)

Gawain 2: Mitolohiya at Relihiyon


1. Magtawag ng mga kapareha na magbabahagi ng kanilang sagot.

2. Isulat ang buod ng mga sagot sa pisara.

3. Itanong at talakayin ang sumusunod na mga tanong:


● Ano ang mga kuwento na inyong natatandaan na naglalarawan ng
pinagmulan ng Pilipinas?
- Maaaring magkaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Kuwento ng isang
malaking ibon kasama ang langit at dagat. Pinag-away niya ito upang
magkaroon siya ng lugar para makapagpahinga.
● Sa inyong palagay, may kinalaman ba ang relihiyon sa pagkakabuo ng
daigdig at kapuluan ng Pilipinas? Bigyan ng katibayan ang inyong sagot.
- Maaaring magkaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Mas mahalaga na
masuri ang kung paano nila naabot ang kanilang sagot.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya

1. Ipapanuod ang video.

7
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

“Continental Drift 101” ng National Geographic


2. Itanong sa mga mag-aaral:
● Ano ang nakakuha ng inyong pansin mula sa video clip?
● Batay sa inyong napanood, paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas?
● Ano ang teorya ng continental drift?

3. Talakayin ang teorya ng continental drift.

4. Ipakita ang mapa ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga kontinente.

5. Ipaliwanag ang pagkakahati-hati ng Pangaea sa iba’t ibang kontinente.

6. Itanong: Sa inyong palagay, ano ang maaaring maging patunay sa teorya ng


continental drift?

7. Hingin ang sagot ng mga mag-aaral. Iugnay ito sa pagtalakay sa patunay ng


teorya ng continental drift.
.

8
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

8. Talakayin ang patunay ng teorya ng continental drift.


9. Ipakita ang larawan ng mga hayop na natagpuan sa magkakalayong kontinente.

10. Itanong:
● Ano ang ipinakikita ng larawang ito?
● Paano ito naging patunay ng teorya ng continental drift?

11. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

12. Ipakita ang larawan ng bulkan.

9
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

13. Itanong: Ano ang kinalaman ng mga bulkan sa pagbuo ng kapuluan ng Pilipinas?

14. Ipaliwanag at talakayin ang teorya ng bulkanismo.

15. Ipaliwanag kung paano naging patunay ang pagkakaroon ng Pacific Ring of Fire sa
teorya ng bulkanismo.

16. Ipakita ang larawan ng Pacific Ring of Fire.

10
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

17. Sabihin: Maraming kapuluan ang umuusbong dahil sa pagputok ng mga bulkan sa
bahagi ng Pacific Ring of Fire. Maaaring kabilang din ang Pilipinas sa mga islang
nabuo dahil sa pagputok ng mga bulkan.

18. Talakayin ang mga mitolohiya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas:


● Ang Tatlong Higante
● Ang Malaking Ibon, Dagat, at Langit
● Ang Paniniwala ng mga Bagobo
● Ang Paniniwala ng mga Manobo

19. Itanong: Alin sa mga kuwentong ito ang narinig mo na noon?


20. Talakayin ang konsepto ng relihiyon.

21. Ipaliwanag ang koneksiyon ng pagkakalikha ng sanlibutan sa relihiyon.

22. Sabihin: Maraming mitolohiya ang nagpapaliwanag sa pinagmulan ng Pilipinas.


Karaniwan itong mula sa mga pangkat-etniko. Samantala, ang relihiyon ay may
konsepto na ang lahat ng bagay sa mundo ay nilikha ng Diyos.

Paglalapat

1. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga tanong:


● Bakit mahalaga ang pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas?
- malayang sagot
● Ano ang implikasyon ng patuloy na paggalaw ng mga kontinente ng mundo?
- magiging magkalapit ang mga dating magkakahiwalay na kontinente
2. Iproseso ang kanilang mga sagot.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong:

11
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

Anong aral ang inyong natutuhan ngayon na maaari ninyong mailapat sa inyong
buhay?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kaalaman.

Inaasahang Pag-unawa
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong.

2. Hayaan munang ipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot bago
ipakita ang mga inaasahang pag-unawa.
● Ang Teorya ng Continental Drift ay pinaniniwalaan na ang bawat
kontinente ay nakapatong sa malalaking plate na maaaring gumalaw. Ang
teorya ng bulkanismo naman ay nagsasaad na nabuo ang mga kapuluan
ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagputok ng mga bulkan.
● Ang pagkakabuo ng Pilipinas ay nakabatay sa iba’t ibang mitolohiya: ilan
sa mga ito ay Ang Tatlong Higante, Ang Malaking Ibon, Dagat, at Langit, at
ang paniniwala ng mga Bagobo at Manobo.
● Ang paniniwalang panrelihiyon tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ay
nakabatay sa konsepto na ang lahat ng bagay sa mundo ay nilikha ng
Diyos, kasama na ang bansang Pilipinas.

Dapat Tandaan
● Ipinaliliwanag ng teorya ng continental drift at teorya ng bulkanismo ang
pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas sa pamamagitan ng matalinong pag-iisip at
pagkuha ng mga ebidensiya.
● Inilarawan ng mitolohiya ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa kanilang paniniwala
sa mga diyos at diyosa ng mga pangkat-etniko, maging sa mga makapangyarihang
nilalang.
● Ang relihiyon ay nakatuon sa konsepto na ang lahat ng bagay sa mundo ay nilikha
ng Diyos.

12
Baitang 5 • Yunit 3: Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan

Kasunduan
Natutuhan na ninyo ang mga teorya sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas. Ano naman
kaya ang teorya sa pinagmulan ng mga unang tao sa Pilipinas?

Kasanayan sa ICT
Maaari itong isagawa bilang dagdag na kasunduan:

Maghanap ng alamat ng pinagmulan ng tao sa Pilipinas. Gumawa ng video tungkol


dito at i-post ito sa iyong Facebook account.

Pinagkunan ng mga Larawan


Lar. Mayon eruption last jan 2018 ni Darkimages08 na may pahintulot batay sa CC BY-SA
4.0 sa pamamagitan ng Wikimedia Commons.

Lar. Süperkıta oluşumu hakkında bir resim ni Gürsoy SAU20 na may pahintulot batay sa CC
BY-SA 4.0 sa pamamagitan ng Wikimedia Commons.

13

You might also like