You are on page 1of 13

\

Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

ARALIN 4.2
Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino
Talaan ng Nilalaman

Mga Layunin sa Pagkatuto 1

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1

Kinakailangang Kasanayan 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Kagamitan 2
C. Mga Sanggunian 2
D. Takdang Oras 2

Pamamaraan 3
A. Panimulang Gawain 3
Pagganyak: 6 minuto 3
B. Pagtalakay 4
Gawain: 10 minuto 4
Pagsusuri 5
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 6
Paglalapat 9
C. Pangwakas na Gawain 10
Pagpapahalaga 10
Paglalahat 10
Dapat Tandaan 11

Kasunduan 11

Pinagkunan ng mga Larawan 12


Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

Yunit 4 | Ang Sinaunang Lipunang Pilipino


Aralin 2: Kabuhayan ng mga Sinaunang Pilipino

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang matututuhan ng mag-aaral ang
sumusunod:
● Naipaliliwanag ang kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.
● Napahahalagahan at naipagmamalaki ang kasaysayan ng sinaunang
Pilipinas.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagampanan ng mga mag-aaral ang
sumusunod na kasanayan:
● Nasusuri ang kabuhayan ng sinaunang Pilipino (AP5PLPIg-7).
● Natatalakay ang kabuhayan sa sinaunang panahon kaugnay sa
kapaligiran, ang mga kagamitan sa iba’t ibang kabuhayan, at mga
produktong pangkalakalan (AP5PLPIg-7).
● Natatalakay ang kontribusyon ng kabuhayan sa pagbuo ng sinaunang
kabihasnan (AP5PLPIg-7).

Kinakailangang Kasanayan
Bago simulan ang aralin, kinakailangan na ang mag-aaral ay may naitaguyod nang
kaalaman at kasanayan sa organisasyong panlipunan ng mga sinaunang Pilipino (Baitang 5,
Yunit 4, Aralin 1: Organisasyong Panlipunan ng mga Sinaunang Pilipino).

1
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

Paksang Aralin

A. Paksa
● Mga Gawaing Pangkabuhayan ng mga sinaunang Pilipino
● Ugnayan at Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino
● Kalakalan ng mga Sinaunang Pilipino sa mga Dayuhan

B. Kagamitan
● laptop
● Manila paper at marker
● gunting at scotch tape
● presentation slides

C. Mga Sanggunian
● Quipper Study Guide, AP5 U4, Ang Sinaunang Lipunang Pilipino
● Glover, Ian and Peter Bellwood, eds. Southeast Asia: From Prehistory to History.
London: RoutledgeCurzon, 2006.
● Ocampo, Ambeth. “‘Bulul’ and Filipino Identity.” Philippine Daily Inquirer. Pebrero 17,
2016. and commentary." Philippine Studies 40, no. 2 (1992): 183-203.

D. Takdang Oras
40 minuto

2
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagganyak: 6 minuto
1. Itanong sa mga mag-aaral:
● Anong ginagamit natin ngayon para makabili ng mga bagay na gusto nating
bilihin?
● Paano kaya kung hindi pera ang ginagamit natin sa pagbili ng mga kagamitan
at serbisyo?

2. Sabihin: Ilagay natin ang ating mga sarili sa lugar ng ating mga ninuno.

3. Itanong: Batay sa inyong nasaliksik sa ating kasunduan noong nakaraang aralin, ano
ang gamit ng ating mga ninuno sa pangangalakal?

4. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga


nasaliksik.

5. Isulat sa pisara o whiteboard ang kanilang mga naibahaging sagot.

6. Ipakita ang larawan ng mga piloncito.

7. Itanong sa mga mag-aaral: Sino ang nakakaalam kung ano ito?

8. Sabihin: Minsan ay ginto ang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino upang


makipagkalakal. Isipin na lamang kung ginto ang ating ginagamit sa pangangalakal
ngayon.

Mahahalagang Tanong:
1. Itanong:
Ano ang ipinahihiwatig ng mga gawaing pangkabuhayan ng mga sinaunang
Pilipino ukol sa uri ng lipunang mayroon sila?

3
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

2. Sabihin na ang katanungang ito ay bibigyan ng kasagutan sa araling ito.

B. Pagtalakay
Gawain: 10 minuto
Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod na gawain:

Gawain 1: See-Think-Wonder
Takdang Oras: 5 minuto

1. Ipakita ang larawan ng Laguna Copperplate kasabay ng salin nito sa


Filipino.

2. Hayaan ang mga mag-aaral na basahin ang nakasulat sa Laguna


Copperplate.

3. Sabihin sa mga mag-aaral na kopyahin sa kanilang kuwaderno ang


sumusunod na talahanayan.

4. Bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong kompletuhin ang


talahanayan batay sa kung ano ang kanilang nakikita (see), naiisip (think),
at ipinagtataka (wonder) sa ipinakitang Laguna Copperplate.

4
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

See Think Wonder

Gawain 2: Group Sharing


Takdang Oras: 5 minuto

1. Ipangkat ang klase sa grupo na apat na kasapi.

2. Bawat kasapi ay magbabahagi ng kanilang sagot sa talahanayan sa


Gawain 1.

3. Ipabuod sa mga pangkat ang kanilang nabahagi at napag-usapan sa isang


talahanayan na kanilang isusulat sa isang Manila paper at ipapaskil sa
pisara.

4. Iproseso ang talahanayan ng mga pangkat.

5. Markahan at banggitin ang mga magkakatulad ng mga sagot at talakayin


ito.

Pagsusuri
Ang sumusunod na mga tanong ay para sa parehong gawain.

Gawain 1: See-Think-Wonder at Gawain 2: Group Sharing

1. Pagkatapos na iproseso ang talahanayan sa pisara ay batiin ang mga


mag-aaral sa kanilang gawain.

5
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

2. Itanong ang sumusunod:


● Ano ang unang pumukaw sa inyong pansin sa ipinakitang larawan ?
● Ano ang ipinahihiwatig ng ganitong kasunduan tungkol sa lipunan at
kalakalan ng mga sinaunang Pilipino?

3. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbahagi ng kanilang


mga sagot. Talakayin ang sagot ng mga mag-aaral pagkatapos.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya

1. Itanong sa mga mag-aaral kung ano sa kanilang palagay ang pangunahing


kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.

2. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sagot.

3. Ipakita ang larawan ng magsasaka at sabihin na pagsasaka ang pangunahing


kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino.

4. Talakayin ang dalawang sistema ng pagsasaka.

Gabay ng Guro:

Pagsasaka o agrikultura ang unang pinagkakakitaan ng mga sinaunang


Pilipino. Mayroong dalawang sistemang ginamit ang mga sinaunang
Pilipino sa pagsasaka:

● Pagkakaingin – pagsusunog ng halamanan upang malinis ang lupa at


mataniman ng bago.
● Paglilinang – pagbubungkal ng lupain sa pamamagitan ng suyod at
araro. Ginagamitan ito ng patubig at irigasyon.

6
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

5. Ipakita ang video clip.

“Soar High Over the Lush Rice Terraces of the Philippines” ng National Geographic

6. Itanong ang sumusunod bilang pagproseso sa video clip na napanood:


● Ilang taon nang ginagawa ng mga Ifugao ang hagdan-hagdang
palayan?
● Anong uri ng pagsasaka ang kanilang ginagawa?
● Paano kaya nila pinapatubigan ang palayan?

7. Hayaan ang mga mag-aaral magbahagi ng kanilang mga sagot.

8. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral at ilapat ito sa araling tinatalakay.

9. Talakayin ang iba pang kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino. Bigyang tuon
ang mga produktong nakukuha mula sa gawaing pangkabuhayan na
nabanggit kasama na ang mga kagamitan para dito.

Gabay ng Guro:

Ilan sa gawaing pangkabuhayan ng mga sinaunang Pilipino:

● Pangangaso – gamit ang pana, punyal, at sibat ay nakahuhuli ang mga


sinaunang Pilipino ng mga baboy ramo at usa.
● Pagmimina – nakakukuha ng tanso at ginto ang mga sinaunang Pilipino.
● Paggawa ng alak – nakagagawa rin ng alak ang ating mga ninuno
katulad ng tuba at lambanog mula sa niyog, basi mula sa tubo, pangasi
at tapuy mula sa bigas.

7
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

● Pangingisda – gamit ang bingwit, pamansing, pana, sibat, salakab,


salambaw, at baklad ay nakahuhuli ng iba’t ibang yamang dagat ang
ating mga ninuno. Nakahahanap din sila ng mga perlas at korales.

10. Sabihin na sa kadahilanang ang Pilipinas ay napalilibutan ng katubigan,


natural lamang na ang mga sinaunang Pilipino ay mga bihasang mandaragat.

11. Itanong sa mga mag-aaral kung madaling bumiyahe sa iba’t ibang isla ng
Pilipinas at kung nagawa ito ng mga sinaunang Pilipino.

12. Ipaalala sa mga mag-aaral na ang mga sinaunang Pilipino ay bihasang


mandaragat. Ipakita ang larawan ng sinaunang bangka.

13. Banggitin na dahil magaling na mandaragat ang Pilipino ay kaya nilang


maglakbay sa iba’t ibang isla sa Pilipinas.

14. Ipasok ang pagtalakay sa ugnayan at kalakalan ng mga sinaunang Pilipino.


Bigyang pansin ang mga produktong kinakalakal at ginagamit ng mga Pilipino
bilang pampalit sa kanilang kalakal.

Gabay ng Guro:

Upang mabayaran ang kanilang kalakal ay ginagawa at ginagamit ng mga


sinaunang Pilipino ang sumusunod:
● Barter – pagpapalit ng mga produkto na mayroong magkaparehas na
halaga.
● Piloncito – maliit na piraso ng ginto na may nakaukit na baybayin.

8
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

15. Banggitin na ang mga piloncito ay nahanap din sa ibang bahagi ng Indonesia.

16. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang ipinahihiwatig ng pagkadiskubre ng


piloncito sa Indonesia.

17. Bigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang sagot.

18. Banggitin na ibig sabihin nito ay nakikipagkalakalan ang mga Pilipino sa mga
dayuhan sa karatig bansa.

19. Talakayin ang kalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga dayuhan. Bigyang
tuon ang mga bansang nakikipagkalakal sa Pilipinas, mga produktong
kinakalakal, at impluwensiya ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga
dayuhan sa kultura nito.

20. Bilang halimbawa ng impluwensiya ng kalakalan sa kultura ay ipakita ang


larawan ng mga nahukay na porselana sa Tsina at pagkakaparehas ng mga
salitang Tagalog at salitang sanskrit.

Tagalog Sanskrit

agham agama

asawa swami

katha gatha

balita vartta

Paglalapat
1. Sabihin na mahalaga ang natutuhan para sa pagkilala sa sarili bilang Pilipino
at pinagmulan nito.

9
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

2. Itanong:
● Anong mga kabuhayan ang kasalukuyan na ginagawa pa rin ng mga
Pilipino? (agrikultura, pangingisda, pagkakaingin, at pagmimina)
● Sa anong paraan nagbago ang kabuhayan ng mga Pilipino? (sa ngayon
ay nagtatrabaho na ang Pilipino para sa salapi at hindi para sa
pagpapalit ng kalakal; mas mataas na antas ng teknolohiya na rin ang
gamit ng Pilipino sa pagsasaka, pangingisda, at iba pang
pangkabuhayan)
● Mayroon bang aspekto ng iyong pamumuhay na naimpluwensiyahan
ng pangangalakal ng sinaunang Pilipino sa mga dayuhan? (malayang
sagot)

3. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral.

C. Pangwakas na Gawain

Pagpapahalaga
Itanong:
Ano ang pinakanakamamanghang bagay ang iyong natutuhan tungkol sa kabuhayan
ng ating mga ninuno?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kaalaman.

Inaasahang Pag-unawa
1. Itanong muli ang mahahalagang tanong.

2. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga


sagot bago ipakita ang mga inaasahang pag-unawa.
● Ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga sinaunang Pilipino ay
pagsasaka, pangingisda, pangangaso, at pagmimina.

10
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

● Ang dalawang sistema ng pagsasaka na ginagawa ng mga sinaunang


Pilipino ay pagkakaingin at paglilinang.
● Naglalakbay ang mga Pilipino gamit ang kanilang mga bangka at
nakikipagpalitan ng produkto sa produkto.
● Nakikipagkalakan ang mga Pilipino sa mga taga-Vietnam, Orang
Dampuan, Tsino, Indones, at Arabo.
● Nakikita ang impluwensiya ng kalakalang ito sa mga kagamitang
ginagamit ng mga Pilipino katulad ng sutlang tela, kagamitang
porselana, at salamin. Dahil sa mga mangangalakal na Arabo ay
lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas. Naging bahagi na rin ng
wika ng mga Pilipino ang ilang salita mula sa Sanskrit ng mga Indo.

Dapat Tandaan
● Maraming kabuhayan ang ating mga ninuno katulad ng pagsasaka at pangingisda
na ginagamitan nila ng iba’t ibang paraan at kagamitan.
● Nakikipagkalakalan ang mga sinaunang Pilipino sa kanilang kapwa mula sa ibang
isla sa Pilipinas.
● Nakikipagkalakalan din ang mga Pilipino sa mga dayuhan na nag-iwan ng mga
produkto at gawi na naging bahagi na ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.

Kasunduan
Malaking bahagi ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kabuhayan. Ang
kanilang paniniwala ay kadalasang hindi maihihiwalay sa kanilang kabuhayan. Magsaliksik
ng halimbawa ng mga paniniwala na may kaugnayan sa kabuhayan ng mga sinaunang
Pilipino.

Kasanayan sa ICT
Maaaring itong isagawa bilang dagdag na Kasunduan:

11
Baitang 5 • Yunit 4: Ang Sinaunang Lipunang Pilipino

Maghanap ng dokumentaryo tungkol sa musika, sayaw, tradisyon, o paniniwala mula


sa sinaunang panahon na hanggang ngayon ay isinasabuhay pa rin ng mga Pilipino.
Panoorin ito at ibahagi sa klase.

Pinagkunan ng mga Larawan

10 piso Coin NGC obv ni Vj7895 na may pahintulot batay sa CC BY-SA 4.0 sa pamamagitan
ng Wikimedia Commons.

Filipino sword filipino dha baybayin script ni Lorenz Lasco na may pahintulot batay sa CC
BY-SA 4.0 sa pamamagitan ng Wikimedia Commons.

Mumbaki ritual2 ni Shubert Ciencia na may pahintulot batay sa CC BY 2.0 sa pamamagitan


ng flickr.

Butuan Ivory Seal ni Luisisto Batongbakal Jr., 2013 na may pahintulot batay sa CC BY-SA 4.0
sa pamamagitan ng Wikimedia Commons.

12

You might also like