You are on page 1of 9

\

Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

ARALIN 18.1

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura


Talaan ng Nilalaman

Layunin sa Pagkatuto 1

Kasanayan sa Pagkatuto 1

Mga Kinakailangan sa Pagkatuto 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Kagamitan 2
C. Sanggunian 2
D. Takdang Oras 2
Pamamaraan 2
A. Panimulang Gawain 2
Springboard: 5 minuto 2
Pagganyak: 2 minuto 3
B. Pagtatalakay 4
Gawain 1: 7 minuto 4
Gawain 2: 7 minuto 4
Pagsusuri 5
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 5
Paglalapat 6
C. Pangwakas na Gawain 6
Pagpapahalaga 6
Paglalahat 6
Paglalagom 7
Kasunduan 7

Mga Sanggunian 8
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

Yunit 18 | Ang Obrang Florante at Laura


Aralin 1:Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante
at Laura

Layunin sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang nahihinuha mo ang kahalagahan ng
pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda.

Kasanayan sa Pagkatuto
Batay sa gabay pangkurikulum ng Department of Education (DepEd), ang mga
mag-aaral ay inaasahang nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante
at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda (F8PN-IVa-b-33).

Mga Kinakailangan sa Pagkatuto


Bago simulan ang aralin, kinakailangan na ang mag-aaral ay may naitaguyod nang
kaalaman at kasanayan sa:

Mga Kasanayan:
● Nakapaghihinuha batay sa impormasyon o detalye.
● Naiuugnay ang dating kaalaman sa kasaysayan sa bagong kaalaman.

Mga Paksa:
● Baitang 8, Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura - Aralin 1: Kahalagahan ng
Pag-aaral ng Florante at Laura

1
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

Paksang Aralin

A. Paksa
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura

B. Kagamitan
● presentation slides
● Quipper Study Guide

C. Sanggunian
● Filipino 8, Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura - Aralin 1: Kahalagahan ng
Pag-aaral ng Florante at Laura. Quipper Study Guide. 2021

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Springboard: 5 minuto
1. Ipagawa:
● Ipakita ang larawan sa slide 5.

2
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

● Sagutin ang mga tanong.


2. Itanong (slide 6):
● Sino-sino ang mga nasa larawan?
● Kilala sila sa taguri na ano?
● Bakit sila tinagurian nito?

Pagganyak: 2 minuto
1. Ipagawa (slide 7):
● Bigyang-kahulugan ang salitang propaganda sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga salitang maiuugnay ng mga mag-aaral dito.

● Ipagamit ang mga salita sa isang makabuluhang pahayag na


nagbibigay-kahulugan sa propaganda.
2. Itanong (slide 8):
● Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa propaganda?
● Ano ang pagpapakahulugang nabuo ninyo mula sa mga salita?
● Saan nagmula ang ideya ninyo sa propaganda?

Mahahalagang Tanong:
1. Itanong (Slide 9):
● Ano-ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng “Florante at Laura”?
● Paano ito nakatutulong sa pangkasalukuyang kaganapan?
● Anong halaga ng “Florante at Laura” bilang bahagi ng panitikan ng bansa?

3
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

2. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga tanong na ito ay sasagutin pagkatapos ng


talakayan.

B. Pagtatalakay
Gawain 1: 7 minuto

Ang Aking Bookmark (Slide 10)


1. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang ginawa nilang bookmark bilang bahagi ng
kanilang gawain sa Simulan sa Study Guide ng araling ito.
2. Babasahin nila ang mga linya o saknong mula sa “Florante at Laura”,
samantalang iba naman ang magsasabi ng mensahe nito.
3. Ang nagbigay ng mensahe ang siya namang sunod na magbabahagi ng linya
o saknong.
4. Tuloy-tuloy itong gagawin hanggang sa matawag na ang lahat.

Gawain 2: 7 minuto

Sarili, Kapwa, Bayan (Slide 11)


1. Hatiin ang klase ayon sa pinatutungkulan ng linya o saknong sa kanilang
bookmark.
2. Magsasama-sama ang mga mag-aaral na may bookmark na ang mensahe ay
para sa sarili. Gayundin naman ang gagawin ng para sa kapwa at bayan.
3. Hayaan ang mga mag-aaral na pangkatin ang kanilang mga sarili.

4. Magtatala sila ng mga “aral” para sa pangkat na kanilang kinabibilangan.


5. Mula sa tala ay kanya-kanya silang bubuo ng lagom kung bakit mahalagang
pag-aralan ang “Florante at Laura” para sa sarili, kapwa, o bayan sa
pamamagitan ng pagsasagot sa Pagtatasa #1 ng araling ito.

4
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

Pagsusuri

Para sa Gawain 1: Ang Aking Bookmark


Itanong (Slide 12):
1. Ano ang linya o saknong na ginamit mo sa iyong bookmark? Bakit ito ang iyong
napili? Iba-iba ng magiging sagot ang mga mag-aaral.
2. Ano ang linya o saknong na nagustuhan mo sa ibinahagi ng iyong kamag-aral?
Ipaliwanag. Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral.
3. Magagamit ba sa tunay na buhay ang mga mensaheng ibinahagi sa klase mula
sa “Florante at Laura”? Totoong bukod sa magaganda at malikhain ang mga linya at
saknong mula sa awit ay makabuluhan din ang mga ito dahil magagamit ito sa
tunay na buhay.

Para sa Gawain 2: Sarili, Kapwa, Bayan


Itanong (Slide 12):
1. Ano-ano ang mensaheng naitala ng pangkat para sa sarili? Iba-iba ang magiging
sagot ng mga mag-aaral.
2. Ano-ano ang mensaheng naitala ng pangkat para sa kapwa? Iba-iba ang magiging
sagot ng mga mag-aaral.
3. Ano-ano ang mensaheng naitala ng pangkat para sa bayan? Iba-iba ang magiging
sagot ng mga mag-aaral.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya


Mungkahi: Malayang talakayan (slide 14-16)
1. Talakayin ang implikasyon ng mga gawain sa kahalagahan ng pag-aaral ng
“Florante at Laura”.

5
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

Paglalapat
Itanong (Slide 17):
● Ano ang naitulong ng Florante at Laura sa paghubog ng ating kasaysayan? Gaya ng
napag-aralan, naglalaman ito ng aral na nakagising sa diwang makabansa ng ilang
bayani sa Pilipinas.
● Paano sinasalamin ng Florante at Laura ang kasaysayan ng ating bansa?
Ipinahihiwatig ng akda ang nangyari sa Pilipinas noong panahon ng Kastila.
● Bakit itinuturing na gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang buong nilalaman
ng Florante at Laura? Dahil hindi nawawala sa oras ang aral para sa kabutihan ng puso
ng gawi pati na ang diwang pangmakabayan.

C. Pangwakas na Gawain
Pagpapahalaga
Itanong (Slide 18):
Sa iyong sariling pamamaraan, paano mo maibabahagi sa mas nakararami ang
kahalagahan ng pagbabasa, pag-aaral, at talakayan hinggil sa nilalaman ng Florante
at Laura?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kalaaman:

6
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

Inaasahang Pagpapahalaga (Slide 19-20)


● Ilan sa mga kahalagahan ng Florante at Laura ay ang pagkamayaman nito sa
mga aral, pagsalamin nito ng kasaysayan ng bansa, at pagbibigay-gabay nito sa
pamumuhay.
● Ang kasalukuyan ay nakaraan ng bukas. Ang hindi mapuputol na ugnayang ito ay
mahalaga sa kaisipan, aksiyon at desisyon natin buhat sa mga aral na iniiwan sa
atin ng kasaysayan na mababanaag sa mga akdang tulad ng “Florante at Laura”.
● Bilang isang obra maestra ng panitikang Filipino, mahalaga ang “Florante at
Laura” dahil taglay nito hindi lamang ang kasaysayan kundi maging ang kultura,
talento, at pagkakakilanlan ng ating bansa.

Paglalagom
Ipakita ang paglalagom: (Slide 21)
● Ang mga akdang pampanitikang Pilipino, lalo’t higit ang mga obra maestra, ay mga
yaman ng bansa na mapahahalagahan sa pamamagitan ng paglulubos ng
kapakinabangan at kabuluhan ng mga ito.
● Mahalaga ang gawain ng pagbabasa sapagkat dito natin napayayabong ang ating
sariling kaalaman at nakukuha nating maging kritikal sa mga bagay-bagay.
● Ang “Florante at Laura” ay hindi lamang akda ng sining kundi salaysay rin ito ng ating
nakaraan at gabay sa kasalukuyan at hinaharap.

Kasunduan
Ilan sa mga isyung panlipunan sa nakaraan ay nananatili pa rin sa kasalukuyan. Kaugnay ng
naitalang mensahe ng “Florante at Laura”, gumawa ng iyong “Bayan Wish List” o ang iyong
sampung kahilingan para sa bayan na sa palagay mo ay masosolusyonan ng paggamit sa
mensahe ng akda.

Mga Sanggunian

7
Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

Animoza, Imelda V. Hiyas ng Diwa IV. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc. 2007.

Del Rosario, Mary Grace G. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc., 2014.

Dominguez, Leticia F. Hiyas ng Diwa III. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.,
2007.

Manlapaz, Carolina D. Ilaw 8 (Pinagsanib na Wika at Panitikan). Sta. Ana, Manila:


Innovative Educational Materials, Inc., 2012

Reyes, Josephine Emma A. et. al. Kayumanggi sa Florante at Laura. Imus, Cavite:
Leo-Ross Publications, 2010.

You might also like