You are on page 1of 10

\

Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

ARALIN 13.1

Paglaganap ng Popular na Babasahin sa Internet


Talaan ng Nilalaman

Mga Layunin sa Pagkatuto 1

Kasanayan sa Pagkatuto 1

Mga Kinakailangan sa Pagkatuto 1

Paksang Aralin 2
A. Paksa 2
B. Kagamitan 2
C. Sanggunian 2
D. Takdang Oras 2
Pamamaraan 2
A. Panimulang Gawain 2
Springboard: 5 minuto 2
Pagganyak: 2 minuto 3
B. Pagtatalakay 3
Gawain 1: 7 minuto 3
Gawain 2: 7 minuto 4
Pagsusuri 4
Pagbuo ng Konsepto o Ideya 5
Paglalapat 6
C. Pangwakas na Gawain 6
Pagpapahalaga 6
Paglalahat 6
Paglalagom 7
Kasunduan 8

Mga Sanggunian 9
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

Yunit 13 | Teknolohiya at Kulturang Popular


Aralin 1: Paglaganap ng Popular na Babasahin
sa Internet

Mga Layunin sa Pagkatuto


Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na matututuhan ng mag-aaral ang
sumusunod:
● Natutukoy ang paglaganap ng popular na babasahin sa internet.
● Naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa pananaliksik gamit ang
internet.
● nagagamit ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter sa pananaliksik.
● nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga impormasyong nakalap mula
sa internet.

Kasanayan sa Pagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiuulat nang
maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik. (F8PS-IIIa-c-30).

Mga Kinakailangan sa Pagkatuto


Bago simulan ang aralin, kinakailangan na ang mag-aaral ay may naitaguyod nang
kaalaman at kasanayan sa:

Mga Kasanayan:
● Natutukoy ang mga katangian at halimbawa ng mga popular na babasahin.
● Nakagagamit ng gadyet sa pagsasaliksik.
● Nakatutukoy ng katotohanan sa hindi sa mga nababasa.

1
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

Paksa:
● Filipino 8, Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular - Aralin 1: Paglaganap ng
Popular na Babasahin sa Internet

Paksang Aralin

A. Paksa
Paglaganap ng Popular na Babasahin sa Internet

B. Kagamitan
● presentation slides
● Quipper Study Guide

C. Sanggunian
● Filipino 8, Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular - Aralin 1: Paglaganap ng
Popular na Babasahin sa Internet. Quipper Study Guide. 2021

D. Takdang Oras
40 minuto

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Springboard: 5 minuto
1. Ipagawa:
● Bilang pagbabalik-tanaw, magbibigay ng mga mag-aaral ng mga halimbawa
ng popular na babasahin.
● Ipaliwanag ang kakanyahan ng popular na babasahing napili at iba pang
karagdagang impormasyon tungkol dito.

2
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

2. Itanong (slide 5):


● Ano-ano ang mga anyo ng popular na babasahin?
● Ano-ano ang mga halimbawa nito?
● Paano maituturing na popular ang isang babasahin?

Pagganyak: 2 minuto
1. Ipagawa:
● Magsaliksik at magpakita ng napapanahong isyu sa inyong lokalidad sa mga
mag-aaral. Kung maaari ay ipakita ang mismong kuhang larawan ng
pinagkuhanan sa internet.
● Ipatukoy sa mga mag-aaral kung totoo ba o hindi ang mga isyung ipinakita.
● Huwag banggitin ang tamang sagot sapagkat ang mga mag-aaral mismo ang
tutukoy ng tumpak na kasagutan sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga
susunod na gawain.
2. Itanong (slide 6):
● Alin sa mga ipinakita ang totoo?
● Alin sa mga ipinakita ang hindi totoo?
● Ano-ano ang naging batayan mo sa pagsusuri ng pagkamakatotohanan ng
ipinakitang isyu?

Mahahalagang Tanong:
1. Itanong (Slide 7):
● Ano-ano ang mga popular na babasahin at mga halimbawa nito?
● Paano matutukoy ang pagkamakatotohanan ng impormasyon sa internet?
● Ano-ano ang implikasyon ng hindi tama o pekeng impormasyon sa internet?
2. Ipaalam sa mga mag-aaral na ang mga tanong na ito ay sasagutin pagkatapos ng
talakayan.

B. Pagtatalakay
Gawain 1: 7 minuto

Alamin Mo (Slide 8)

3
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

1. Balikan ang mga isyu sa naunang gawain.


2. Itatakda ng guro ang partikular na isyung sasaliksikin sa gagawin ng
mag-aaral. Isang isyu lamang sa bawat isa.
3. Magsagawa ng malalim na pananaliksik tungkol sa mga ito.
4. Itala ang mga natuklasan upang mapasubalian ang isyu.
5. Huwag kalilimutang kuhanin ang sanggunian ng mga katibayang nakuha sa
internet.

Gawain 2: 7 minuto

Napag-alaman Namin (Slide 9)


1. Pagpangkat-pangkatin ang klase ayon sa pagkakatulad ng mga sinaliksik
nilang impormasyon sa unang gawain.
2. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang kanilang nasaliksik upang makabuo ng
isang komprehensibong ulat na ibabahagi sa klase.
3. Pangangatuwiranan sa pamamagitan ng pag-uulat ng bawat pangkat ang
nasaliksik.

Pagsusuri

Para sa Gawain 1: Alamin Mo


Itanong (Slide 10):
1. Ano ang unang hakbang na ginawa mo sa pagsasaliksik? Iba-iba ang magiging
sagot ng mag-aaral ngunit inaasahan na inunawa muna nilang mabuti ang maling
impormasyon nang sa gayon ay matukoy nila ang dapat nilang hanapin.
2. Ano-ano ang dapat isinaalang-alang mo sa pangangalap ng impormasyon sa
internet? Iba-iba ng magiging sagot ang mga mag-aaral subalit inaasahang
isinaalang-alang nila ang kredibilidad ng sanggunian at ang paghahanap ng
pansuportang sanggunian na sasang-ayon at makapagbibigay ng karagdagang
ebidensiya o patunay.
3. Sa iyong palagay, sapat na ba ang nakalap mong katibayan upang pabulaanan
ang maling impormasyon? Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral subalit
inaasahang magiging sapat ang sinaliksik kung nasagot na nito ang

4
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

pinakamahahalagang agam-agam tungkol sa paksa.

Para sa Gawain 2: Napag-alaman Namin


Itanong (Slide 11):
1. Paano ninyo nilikom o pinagsama-sama ang nakalap na impormasyon? Ang
kolaborasyon ay ginamit sa beripikasyon ng nakalap na impormasyon at pagsusuri
sa kabuluhan ng mga ito.
2. Nagkaroon ba ng pagtatalo tungkol sa impormasyong nakalap ng isang kasapi sa
iba pa? Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral ngunit sakaling nagkaroon ng
ng pagtatalo ay bigyang-diin ang kahalagahan ng pakikinig at ng pagiging kritikal sa
mga inilalahad na katotohanan.
3. Ano ang kahalagahan ng pagkuha ng pantulong na detalye o ebidensiya sa
pagpapatotoo ng isang impormasyon? Sa panahong napakabilis magpasalin-salin
ng impormasyon sa iba’t ibang intensiyon at pananaw ay mahalagang maging
maingat tayo sa pagtanggap o paniniwala sa mga ito. Ang pagkuha ng pantulong na
detalye o ebidensiya sa pagpapatotoo ng impormasyon ay pagsisiguro na wasto ang
nakuha nating impormasyon na siyang madalas na pagsandigan ng ating
paniniwala at desisyon.

Pagbuo ng Konsepto o Ideya


Mungkahi: Pagwawasto ng impresyon.
1. Balikan ang naging resulta sa sagot ng mga mag-aaral sa Pagganyak.
2. Tingnan at iwasto ang mga maling sagot o impresyon.
3. Ipakita ang pagkakaiba ng pagsagot tungkol sa katotohanan ng paksang
pinag-usapan bago at pagkatapos ang pananaliksik.
4. Bigyang-diin ang kahalagahan ng responsableng pagsasaliksik ng
katotohanan bago tumanggap ng impormasyon at magpalaganap ng
paniniwala.

5
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

Paglalapat
Itanong (Slide 12):
● Kung papipiliin, alin ang mas gusto mong babasahing popular, ang nakalimbag o
ang makikita sa internet? Ipaliwanag. Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral
ngunit inaasahang maibibigay ang bentahe at kahinaan ng pag-iral ng mga babasahing
popular sa internet.
● Paano mo matitiyak ang pagkamakatotohanan ng impormasyong buhat mula sa
internet? Matitiyak ang pagiging makatotohanan ng impormasyon buhat sa internet sa
pamamagitan ng pagpili ng mapagkakatiwalaang sanggunian, higit pa sa iisang
mapagkukuhanan ng kaparehong impormasyon o pansuportang ebidensiya.
● Paano mo magagamit ang kaalaman at kasanayan sa pananaliksik sa pagbabahagi
ng kamalayang panlipunan sa pagsugpo ng mali at pekeng impormasyong
kumakalat sa internet? Iba-iba ang magiging sagot ng mga mag-aaral at ang mga
mungkahing tugon ay sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman o kampanya
upang mas maging mapanuri ang mambabasa o kaya naman ay sa pakikipag-usap sa
mga kakilalang maaaring nabibiktima ng maling impormasyon, partikular sa hatirang
pangmadla.

C. Pangwakas na Gawain
Pagpapahalaga
Itanong (Slide 13):
Bakit mahalaga ang paninigurado sa pagkamakatotohanan ng impormasyong
nababasa, nakikita, at ibinabahagi sa internet?

Paglalahat
Sa araling ito ay natutuhan natin ang sumusunod na kalaaman.
Inaasahang Pag-unawa (Slide 14 at 15)
● Maraming popular na babasahin ang maaaring tangkilikin. Ilan sa mga ito ay
ang mga pahayagan tulad ng Manila Bulletin, Pilipino Star Ngayon, Philippine
Daily Inquirer, GMA News Online, ABS-CBN News, CNN Philippines, at

6
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

marami pang iba. Bukod sa mga pahayagan, kinagiliwan din ang mga komiks
tungkol sa mga superheroes tulad nina Darna at Captain Barbell. Nariyan din
ang mga magasin tulad ng Liwayway, Candy, Entrepreneur, FHM. Good
Housekeeping, Cosmopolitan, Men’s Health, Metro, T3, Yes Magazine, at iba
pa. Umagaw rin ng pansin ng popular na kultura ang mga pocketbook at
kontemporaneong dagli.
● Ang impormasyon sa internet ay masasabing makatotohanan o tuwirang
katotohanan kung mapagkakatiwalaan ang pinagmulan nito. Bukod pa,
maaari ding gawin ang beripikasyon nito sa iba pang sanggunian.
● Ang hindi tama o pekeng impormasyon sa internet ay lubhang mapanganib
na nagpapahiwatig ng kakulangan ng taong magpoproseso at magsuri ng
mga detalye o ‘di kaya naman ay may tuwiran o may intensiyong
pagpapalaganap ng maling impormasyon. Nakaaapekto ito sa paniniwala,
pananaw, at pagdedesisyon na maaaring hindi lamang magdulot ng personal
na implikasyon kundi panlipunang pagbabago sa tinutuntungang idealismo o
katuwiran ng tao.

Paglalagom
Ipakita ang paglalagom: (Slide 18 at 19)
● Dahil sa internet, mas lumaganap pa ang mga popular na babasahin at mas naging
madali na rin ang pagbasa ng mga ito. Naabot nito, hindi lamang ang pagiging
pangmasa, kundi maging ang mga nasa itaas na bahagi ng lipunan.
● Mahalagang maging mapanuri tayo sa pagtanggap ng impormasyon lalo na sa
internet dahil kagaya ng pagiging bukas nito sa pagbabahagi ay siya rin namang
bukas nito sa pagtanggap ng impormasyon, gaano man ito katotoo o hindi.
● Bilang mga tagakonsumo ng nilalaman ng internet, may responsibilidad ang lahat
hindi lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa lahat ng gumagamit ng internet.
Magagampanan ang pagiging responsableng pagkonsumo sa pamamagitan ng
pagiging maingat sa paggamit at pagbabahagi ng impormasyong nakukuha mula
rito.

7
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

Kasunduan
Gumawa ng campaign poster tungkol sa pagsugpo ng pekeng balita at impormasyon na
ipapaskil mo sa iyong social media account. Ipasa ito sa iyong guro para sa pagwawasto
bago sundin ang hudyat sa pagpapaskil. (Para sa guro, maaaring bigyan ng puntos ang
reaksiyong makokolekta ng paskil upang hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang
kampanyang ito sa marami.)

Mas Mababa Kailangan pa Nakatugon Lumagpas sa


Kaysa sa ng Pagsasanay sa inaasahan Inaasahan
Pamantayan Inaasahan

1 2 3 4

Nilalaman May kalayuan May kalayuan Malinaw ang Nakapagbigay


(40%) sa paksa ang sa paksa ang kaugnayan sa ng bagong
Kaugnayan sa nilalaman at nilalaman paksa, at pananaw
paksa, may mga subalit tama makabuluhan tungkol sa
kawastuhan, at maling ang mga at wasto ang paksa, may
kabuluhan ng detalye. detalye. mga detalye. kaugnayan,
mga detalye. wasto, at
makabuluhan
ang mga
detalye.

Kasiningan Mapagbubuti Mapagbubuti Maganda ang Napakaganda


(40%) pa ang kulay pa ang kulay at kulay at ng kulay at
Husay sa at disenyo, disenyo, may disenyo, disenyo,
pag-eedit ng may kasikipan kasikipan ang sakto lang sakto lang
campaign ang mga salita mga salita sa ang espasyo ang espasyo
poster. sa poster, at poster, o hindi sa mga salita sa mga salita
hindi ito ito gaanong sa poster, at sa poster, at
gaanong makatawag ng makatawag labis itong
makatawag ng pansin. din ito ng makatawag
pansin. pansin. ng pansin.

Mekaniks May higit sa May higit sa May isa o Walang mali sa


(20%) limang mali sa tatlo ngunit dalawang paggamit ng
Pagbabaybay paggamit ng hindi lalampas mali sa bantas,
ng mga salita, bantas, ng limang mali paggamit ng pagbabaybay,

8
Baitang 8 • Yunit 13: Teknolohiya at Kulturang Popular

paggamit ng pagbabaybay, sa paggamit bantas, at balarila.


mga bantas, at at balarila. ng bantas, pagbabaybay,
pagkakabuo ng pagbabaybay, at balarila.
mga pahayag. at balarila.

Mga Sanggunian

Ambat, Vilma C. et al. 2015. Filipino - Ikasampung Baitang (Modyul para sa Mag-aaral).
Pasig City: Vibal Group Inc.

Bulaong, Maria S. (ed). 2013. Talisip. Malolos, Bulacan: El Bulakeño Printing House.

Del Rosario, Mary Grace G. et. al. 2014. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc.

Dominguez, Leticia F. et al. 1995. Hiyas ng Filipino (Pansekundarya). Quezon City:


Abiva Publishing House, Inc.

Estaloza, Hernan B. 2020. Filipino (Ikatlong Markahan-Modyul 1: Popular na


Babasahin). Butuan City: Kagawaran ng Edukasyon - Caraga Region.

Rivers, Ryan C. 2012. Ilaw (Pinagsanib na Wika at Panitikan) Baitang 9. Sta. Ana,
Manila: Innovative Educational Materials, Inc.

Tolentino, Rolando. 2001. Sa Loob at Labas ng Mall kong Sawi/Kaliluha’y Siyang


Nangyayaring Hari. Quezon City: University of the Philippines.

You might also like