You are on page 1of 5

8 Carnation 7:45-8:45

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 8 Camia 11:00-12:00


8 Daisy 1:00-2:00

June
03, 2019
I. Layunin
a. Nakapagbibigay ng ekspektasyon ang mag-aaral hinggil sa unang araw ng eskwela;
b. Nakakabubuo ng kasunduan tungkol sa mga palatuntunan at mga regulasyon sa loob
at labas ng silid aralan;
c. Natatalakay ng bahagdan o posyento na bumubuo sa assignatura; at
d. Nabibigayang introduksyon ang mga mag-aaral tungkol sa assignaturang Araling
Panlipunan 8.

II. NILALAMAN
A. Paksa : Palatuntunan at mga Regulasyon sa Paaralan
B. Mga Konsepto : assignatura, palatuntunan, regulasyon, ekspektasyon
C. Mga Kagamitan : Larawan, Chalk board, chalks, manila paper
D. Sanggunian :
Code :

III. PAMAMARAAN (Modelong 4A’s)


Gawaing Guro Gawaing ng Mag-aaral
A. AKTIBITI
“ Ipaliwanag mo Please”
Bilin isang estudyante nasa anong level o ano
ka lalim ang iyong kaalaman hinggil sa ating
assignatura, piliin ang sino ka sa mga batang
ito?

a) Bakit mo napili ang batang ito?


B) Paano mo mapapalalim pa ang yong
kaalam?
c) Ano ang dapat mong gawin upang marating ang nais mong posisyon
ng bata sa larawan?
B. ANALISIS
 Gaano na ba kalalim ang kaalaman mo sa kasaysayan ng
Mundo?
 Pagsinabing kasaysayan ano ang unang salita na naiisip mo?

Pag bibigayay ng kongkretong kahulugan kung ano o saan nag


mula ang salitang kasaysayan.

Ang kasaysayan o historya (mula sa Griyegong ἱστορία, historia,
nangangahulugang "inkuwiri, kaalamang nakukuha mula sa
imbestigasyon") ay ang pag-aaral ng nakaraan, partikular kung paano
ito nakaaapekto sa mga tao sa kasalukuyan. Ito ay ginagamit bílang
isang pangkalahatang katawagan para sa impormasyontungkol
sa nakaraan, katulad ng "heolohikang kasaysayan ng daigdig". 

C. ABSTRAKSYON

Ano-anu ang mga inaasaahan mong malamn tungkol sa Araling


Panlipunan at sa iyong mga guro?

Pagbibigay ng Regulasyon na dapat sundiin ng mga mag-aaral sa loob


Nagpagkasunduan ng klase (room
ng paaralan. ( School Rules )
Rules) na kung saan lahat
Ilan sa mga Tuntunin sa Paaralan: pinakasunduan sundin ng bawat isa.
1. Isuotang angkop na uniporme.
2. Pumasok sa tamang oras.
3. Igalang ang mga kawani ng paaralan
4. Gamitin ang mga kagamitan ng iskelahan ng may ingat.
5. Huwag tapakan o sirain ang mga pananim sa paligid ng
paaralan.
6. Maging parte sa pagpapanatili sa kalinisan ng paaralan.

7. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan.


8. Magkaroon ng respeto sa mga kapwa mag-aaral.
9. Awitin nang may paggalang ang Lupang Hinirang.
10. Iwasan ang pagdala ng gadget sa paaralan.

Pagbibigay ng bawat isa ng napagkasunduang palatuntunang na dapat


sundin ng mga mag-aaral sa silid aralan( Room rules)

PATAKARAN SA KLASE :

1. BAWAL mag-ingay habang may nagsasalita sa harapan.


2. BAWAL gumamit ng gadgets.
3. BAWAL tumapon ng basura sa loob ng silid-aralan.
4. DEADLINE is DEADLINE
5. Sampung minutong palugit bago mahuli sa klase.
6. BAWAL mangumpya sa kaklase.
7. BAWAL bully sa klase.
8. BAWAL magsulat sa pader ng silid-aralan.

Pagtatalakay ng bahagdan o posyento ng aralin sa Kasaysayn ng


Daigdig

WRITTEN WORKS (30%)


PERFORMANCE TASKS (50%)
QUARTERLY ASSESSMENT (20%)
Kabuuan : 100%

D. PAGLALAPAT (Time Allotment: 10 minutes)

Ipaliwanag ang ibig sabihin ng kasabihang ito


Ang hindi nakakaalala sa nakaraan ay nahatulang uulit nito.
George Santayana

IV. EBALWASYON / TAKDANG ARALIN

Mag interbyu sa mga tao sa bahay o pamayanan at itala ito sa kwardo” Ano ang mga natatandaan
nilang pangyayari na naganap sa kasaysayan ng mundo”?

Inihanda ni:

JOHNNALIE T. CONSUMO
Araling Panlipunan Subject
Teacher
8 Carnation 7:45-8:45
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 8 Camia 11:00-12:00
8 Daisy 1:00-2:00

June
04 , 2019
Pamantayan sa Pagkatuto
a. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

I. Layunin
a. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong may kaugnayan sa heograpiya;
b. Nasusuri ang papel na ginagampanan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng tao
mula
noong sinaunang panahon; at
c. Nakabubuo ng cluster map ang bawat pangkat at naiuulat ito.

II. NILALAMAN
A. Paksa : Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
B. Mga Konsepto : geo, graphia, lokasyon, lugar, rehiyon,
C. Mga Kagamitan : Mga Larawan, Manila Paper, Pentel Pen,
D. Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig LM8 pahina 12-14
Code : AP8HSK-Id-4

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Liban

B. Pagbabalik Aral

Bilang estudyante paano ninyo maipapakita ang inyong pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang
ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnan?

C. Gawain (Activity)

Think, Pair, Share


Gamit ang cluster map, tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ideya sa salitang HEOGRAPIYA?
Isulat ang sagot sa manila paper at ipaskil nakapaskil sa pisara.

D. Pagsusuri (Analysis)

Gamit ang power point presentation/manila paper, magbibigay ng tamang depenisyon ng salitang
HEOGRAPIYA at ipa-aanalisa ng mga mag-aaral kung tama ang kanilang naging sagot.

Paano kaya hinuhubog ng isang lugar sa pamumuhay ng mga taong nakatira dito?

E. Paghahalaw (Abstraction)

Heograpiya mula sawikang griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan.


Heograpiya – tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

Limang Tema ng Heograpiya

1. Lokasyon - Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar


sa daigdig.
 Absolute - imahinasyong guhit tulad ng
latitude line at longitude line na bumubuo sa grid.
 Relatibong - lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
2. Lugar - Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
 Katangiang kinaroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, likas na yaman.
 Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, rehiyon, densidad o dami ng tao, kultura at
mga sistemang politikal.
3. Rehiyon – Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultura.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran – ugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang
kinaroroonan.
5. Paggalaw – Paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar.kabilang din ditto ang
paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
 Linear
 Time
 Psychological

F. Paglalapat (Application)

1. Bakit magkakaugnay ang limang tema ng heograpiya sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng bansa?
2. Paano nakatulong ang mga temang ito sa iyong pag-unawa sa heograpiya ng isang bansa?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Pansinin ang bawat sitwasyon
tungkol sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. ( ¼)

1. May tropikal na klima ang Pilipinas.


2. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng
West Philippine Sea.
3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang
bansa. 4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa sa Australia at New Zealand upang
magtrabaho.
5. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.
6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang
patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa
kalungsuran. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga
bansang may magagandang pasyalan.
8. Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.
10. Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.

V. TAKDANG ARALIN

Itala ang mga planeta na makikita sa solar system.

Inihanda ni:

JOHNNALIE T. CONSUMO

Araling Panlipunan Subject Teacher


8 Carnation 7:45-8:45
8 Camia 11:00-12:00
8 Daisy 1:00-2:00

JUNE 05, 2019

HOLIDAY

EID AL-FITAR

You might also like