You are on page 1of 6

8 Carnation 7:45-8:45

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


8 Camia 11:00-12:00
8 Daisy 1:00-2:00
June 17, 2019
Pamantayan sa Pagkatuto
a. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

I. Layunin
a. Naipapakilala kung ano ang topograpiya, anyong lupa at anyong tubig;
b. Natutunton ang lokasyon ng mga pinakamataas na bundok sa buong daigdig,
mga karagatan; at
c. Nakakagawa at nasasagot ng isang illustrated world map.

II. NILALAMAN
A. Paksa : Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
B. Mga Konsepto : topograpiya, bundok, latitude,
C. Mga Kagamitan : Mga Larawan, Manila Paper, Pentel Pen,
D. Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig LM8 pahina 31-36
Code : AP8HSK-Id-4

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Liban

B. Pagbabalik Aral

Ano ang klima ? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig.

C. Gawain (Activity)

Think, Pair, Share

Pag-aralan ang talahanayan . Saan kaya matatagpuan ang mga bundok na ito?
Bigyang kahulugan ang Anyong Lupa at Tubig.

D. Pagsusuri (Analysis)

Ano ang masasabi mo sa mga bundok na ito . Lahat nga mga mundo na nakita sa pisara ay makikita sa Asya .
Paano nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig na ito sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga taong nakatira
dito.

E. Paghahalaw (Abstraction)

 Topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.


 Ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito
ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
 Ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028
talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro)
at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
 Apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.
 Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan
na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude.
 Challenger Deep makikita sa Mariana Trench isa sa pinakamalalim na bahagi ng daigdig.Iba pang
halimbawa Puerto Rico Trench, Java trench, Eurasia Basin
F. Paglalapat (Application)

Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig ng lugar na kanilang pinaninirahan?
May epekto ba ang kalagayang pisikal ng daigdig sa mga organismo at tao?

IV. PAGTATAYA

Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa loob ng kahon.
Gamitin ang sumusunod na simbolo

V. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:

JOHNNALIE T. CONSUMO
Araling Panlipunan Subject Teacher
8 Carnation 7:45-8:45
8 Camia 11:00-12:00
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
8 Daisy 1:00-2:00
June 18 , 2019
Pamantayan sa Pagkatuto
a. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

I. Layunin
a. Nailalarawan ang mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig;
b. nakakagawa ng data retrieval chart; at
c. Nabibigyang kahulugan kung ano ang relihiyon;

II. NILALAMAN
A. Paksa : Heopgrapiyang Pantao
B. Mga Konsepto : human geography, language family, relihiyon
C. Mga Kagamitan : Mga Larawan, Manila Paper, Pentel Pen,
D. Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig LM8 pahina 31-34
Code : AP8HSK-Id-4

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Liban

B. Pagbabalik Aral

Bakit mahalgang magkaroon ng kaalaman tungkol ating kapaligitan at sa heograpiya ng daigdig sa


ppangkalahatan

C. Gawain (Activity)

Bumuo ng data-retrieval chart gamit ang datos na nasa talahanayan

D. Pagsusuri (Analysis)

Pag-uulat ng mga estudyante. Gamit ang concept map bigyang kahulugan ang heograpiyang pantao.

Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiyang pantao?

E. Paghahalaw (Abstraction)

 Heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa
iba’t ibang bahagi ng daigdig.
 Wika ay kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang
sa isang pangkat.
 May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao.
 Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-ugatan.
 Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-
sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
 Ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang
kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos.
 Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuuan nito.”
 Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos
ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

F. Paglalapat (Application)

Ano-ano ang saklaw ng heograpiyang pantao? Ipaliwanag ang bawat isa.

IV. PAGTATAYA

Punan ang mapa ng mga natatanging anyong lupa at tubig ng daigdig na nasa loob ng kahon. Gamitin ang
sumusunod na simbolo

Buuin ang puzzle tungkol sa heograpiyang pantao sa pamamagitan ng pagtukoy sa inilalarawan ng


bawat bilang.

V. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:
JOHNNALIE T. CONSUMO
Araling Panlipunan Subject Teacher

8 Carnation 7:45-8:45
8 Camia 11:00-12:00
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8
8 Daisy 1:00-2:00
June 19, 2019
Pamantayan sa Pagkatuto
a. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig
(lahi, pangkat- etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig)
I. Layunin
a. Nailalarawan ang pisikal at bayolohikal na katangian ng mga pangkat etniko;
b. Nabibigyang kahulugan sang salitang etniko; at

II. NILALAMAN
A. Paksa : Lahi at Pangkat-Etniko
B. Mga Konsepto : etniko, lahi, mamamayan
C. Mga Kagamitan : Mga Larawan, Manila Paper, Pentel Pen,
D. Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig LM8 pahina 34-35
Code : AP8HSK-Id-4

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Liban

B. Pagbabalik Aral

Ano ang mga pangunahing rehiyon sa daigdig?

C. Gawain (Activity)

Larawan Suri

Suriin ang larawan at gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga pinagdaraanan ng mga taong ito.
Basahin sa harap ng klase.

D. Pagsusuri (Analysis)

Bakit nagkakaroon nga klasipikasyon ng mga tao sa buong mundo. Ano sa tingin mo ang resulta ng
klasipikasyong ito.

E. Paghahalaw (Abstraction)

 Isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging naglalarawan at katangian ng
mga naninirahan dito.
 Race o lahi tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o
bayolohikal na katangian ng pangkat.
 Maraming eksperto ang bumuo ng ibat ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang
nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming
diskriminasyon..
 Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang
“mamamayan.”
 Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika,
at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan .

F. Paglalapat (Application)

Bakit palagi nating maririnig na ang wika at kaluluwa ng isang kultura. Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA

Sa 1/2 bakit kailangang pahalagahan ang heograpiyang pantao ng mga bansa? Paano mo maipapakita ang
paggalang sa ibang tao?

V. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:

JOHNNALIE T. CONSUMO
Araling Panlipunan Subject Teacher

You might also like