I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. nailalarawan ang sarili 2. nakikilala ang mga salitang naglalarawan at ang inilalarawan nito 3. nabibigyang-halaga ang isang tula II. PAKSANG ARALIN Nilalaman Pang-Uri Sanggunian Filipino 7 , pahina 59-61 Tsart Larawan Kagamitan Tarpapel TV Kahon, salamin III. PAMAMARAAN A. Pagganyak Gamit ang salamin, ang mga mag-aaral ay haharap dito at may ilang katanungan si titser na masasagot sa tulong nito. Ang gawaing ito ay pinamagatang, “Salamin, salamin, sabihin mo sa akin!” B. Pagtalakay sa Ang guro ay may babasahing maikling kwento at pagkatapos ay may mga Aralin katanungan ito. Sa paparaang iyon, ay ibinahagi na niya ang mga iba’t-ibang salitang naglalarawan at inilalarawan ng mga ito. C. Paglalahat Tawagin ang isang estudyante para ilahad ang mga natutunan o mga tinalakay ngayong araw. D. Paglalagay Magbibigay ang guro ng pangkatang-gawain. Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo, ay bibigyan ng kopya ng tula. Hahanapin sa loob ng bilog ang Pang-uri na bubuo sa tula. IV. PAGSUSURI Ang guro ay magbibigay ng indibidwal na Gawain. Kailangan lamang pagtambalin ang mga pang-uri na nasa HANAY A sa mga tamang sagot na nasa HANAY B. V. TAKDANG ARALIN Gumupit ng sampong larawan, idikit sa bond paper at ilarawan ang mga ito.