You are on page 1of 5

LEARNING PLAN

GRADE 8
UNIT TOPIC: PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO, ESPANYOL, AT HAPON

UNIT STANDARDS
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga
akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong


panturismo.

LEARNING COMPETENCIES
 Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di-makatotohanan ng mga
puntong binibigyang diin sa napakinggan. (F8PN-Id-f-21)
 Nasusuri ang pagkakabuo ng epiko batay sa mga elemento nito. (F8PB-Id-f-23)
 Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa epiko. (F8PT-Id-f-20)
 Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napanood na epiko sa binasang akda. (F8PD-
Id-f-20)
 Nabubuo ang angkop na pagpapasiya sa isang sitwasyon gamit ang:
o -pamantayang pansarili
o -pamantayang itinakda
(F8PS-Id-f-21)
 Nakasusulat ng paglalahad tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa sarili at sa
isang bayani.

EXPLORE
1. Maselang Tanong, Bigyang Atensyon!
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral:
a. Nasisiyahan ka ba sa pisikal mong anyo? Paano mo
tatanggapin ang katotohanang may ibang mas
guwapo o mas maganda sa iyo?

b. Paano mo tatanggapin ang katotohanang higit na


guwapo o maganda ang kapatid mo kaysa sa iyo?
Makakaramdam ka ba ng panibugho o pagseselos?
Pangatwiranan.

- Magkakaroon ng malayang talakayan

2. Essential Question: Bakit kailangang maunawaan ang mga panitikan


sa panahon ng Katutubo, Espanyol, at Hapon?

3. Mapa ng Konsepto ng Pagbabago


- Sa isang kalahating bahagi ng papel gamit ang IRF, sasagutin ng
mga mag-aaral ang tanong na: Bakit kailangang maunawaan,
mapanatili, at mapaunlad ang epikong minana natin sa ating mga
ninuno?
- Isasaalang-alang dito ang magiging tugon yamang may posibilidad
na ito’y magbago habang at pagkatapos mapag-aralan ang
kabuuan ng araling ito.

Online Application: Google Forms/ Google Docs

FIRM UP
Gawain #1: Tanong at Sagot
- Babasahin ng mga mag-aaral ang epikong Bantugan pagkatapos ay
sasagutin ang mga tanong na nasa sanayang aklat.
- Magkakaroon ng talakayan pagkatapos ng Gawain

Online Application: Kahoot!

Gawain #2: Kahulugan Niyo’y Ilalantad Ko


- Bibigyan ng kahulugan ng mga mag-aaral ang mga malalalim na
salitang ginamit sa epiko.

Online Application: PlayPostIt


DEEPEN
Gawain #1: Pagtalakay
- Tatalakayin ng guro ang epikong Indarapatra at Sulayman
- Malayang Talakayan

Gawain #2: Video Analysis


- Ibibigay ng guro ang apat na link sa website kung saan sasagutin
nila ang hinihiling ng bawat link.
- https://www.youtube.com/watch?v=LKKugXFfRE8
https://www.youtube.com/watch?v=99ki3oUJHoQ
https://www.youtube.com/watch?v=rVOVO2bnPnw
https://www.youtube.com/watch?v=9vnXkOpyhnA

Online Application: PlayPostIt

Gawain #3: Makabuluhang Pagbuo


- Bubuo ang mga mag-aaral ng makabuluhang pangungusap na
kinapapalooban ng mga sanhi at bunga batay sa tatlong larawang
ipakikita ng guro.

Online Application: Insert Learning

Gawain #4: Hero’s Photo Frame


- Magdadala ang mga mag-aaral ng larawan ng itinuturing nilang
bayani o superhero. Ipakikilala nila ang bayaning ito at ilalahad
nila ang katangian nito kung bakit nila iniidolo ang napili.
Ibabahagi rin nila ang kanilang mga sariling katangian na
maaaring maituring din na katangian ng isang bayani. Ilalahad din
nila kung paano nila ipakikita ang pagiging simpleng bayani nila
sa kanilang sariling pamamaraan.

TRANSFER: Scaffold #3
Photo Story Collage
- Magulang Ko, Ipinagmamalaki Ko
- Gagawa ang mga mag-aaral ng story collage hinggil sa iba’t ibang
mukha ng sakripisyo’t pagmamahal ng kanilang ama’t ina mula nang sila ay
ipinagbubuntis hanggang sa kasalukuyan. Lalagyan nila ito ng nakakatawag-pansing
pamagat. Pagkatapos mabuo, ipo-post o ia-upload nila ito sa facebook account nila upang
Makita at mapahalagahan din ng iba.
Pangkat 7
 Tamara C. Saldaen
 Joy F. Tellias
 Gladys T. Begornia
 Yasser M. Zacaria
 Marjhun F. Guingayan
 Luvy Jane L. Sanchez
 Vivian P. Dublin
 Winnie Anne B. Alita
 Maridel N. Onato
 Mary Joyce M. Galupo

You might also like