You are on page 1of 6

PANGALAN: JOHN RULF L. OMAYAN MA-ED FILIPINO PROPESOR: PROP.FE.

VARONA
FT- 603
PAMARAAN, DULOG, TEKNIK NG PAGTUTURO NG WIKA AT PANITIKAN

MAKABAGONG PAGDULOG SA MALIKHAING PAGTUTURO NG KOMPOSISYON:

PANGALAN NG AKTIBITI: PICTURE KO, CONNECT MO!

1) KATUTURAN

Deskripsiyon:

Ang Picture ko, Connect Mo na gawain ay may layuning paganahin ang isipan ng mga bata na
agad makonekta ang mga magkakaugnay na larawan para makabuo ng isang mahusay na balangkas ng
kwentong kanilang gagawan ng komposisyon. Ayon nga sa unang antas ng pagtuturo ng komposisyon,
nararapat na isip muna ang paganahin bago ang aktwal na pagsusulat ng komposisyon sa tulong na rin ng
gabay ng guro. Ito’y maaaring isagawa bilang isang pangkatang Gawain na kung saan nagtutulungan sila
sa paghahanap sa mga magkokoniktang mga larawan.

Katangian:

Ang katangian na maaaring makuha mula rito ay pagiging maunawain kung sakaling hindi kaagad
magkaintindihan ang bawat pangkat. Malilinang rin dito ang kanilang pagtutulungan upang mas lalong
mapadali ang pagsasagawa ang nasabing Gawain. Hindi rin mawawala ang pagiging bukas sa mga ideya
ng bawat kasapi ng pangkat.

Kahalagahan:

Napakahalagang at sanayin sa ganitong uri ng gawain ang mga mag-aaral upang mahasa ang
kanilang domeyn ng pagkatuto: Kognitib, affektib at saykomotor. Kognitib, sapagkat matutuhan nilang mag-
isip nang mabuti. Makatutulong ito upang maging progresibo ang mga mag-aaral sa paglikha. Affektib,
dahil matutuhan nilang intindihin at suriin ang emosyon at damdamin ng bawat isa habang isinasagawa
ang gawain. Magkakaroon ng mabuting samahan kung open-minded rin ang lahat. Saykomotor, dahil nga,
sila’y mabilis na kikilos at mag-uunahan sa pagsagawa ng nasabing gawain.

Kaisipang napapaloob:

“Ang mabigat ay gumagaan kapag napagtutuwangan,” ito ang kaisipang napapaloob sa gawaing
ito.Mula sa kaisipang ito, masasabing magiging madali ang gawain kung may pagtutulungang magaganap
sa bawat isa.

2) Naaayon sa
Paksa: Sino ang Nagkaloob? (Maikling Kwento mula sa Pakistan)

Antas: Maaaring gamitin ito sa Baitang 9

3) Kompetensi:

Ang gawaing ito ay maisisingit sa ikasiyam na baitang. Maaari ring isingit ito sa ikasampung baitang
dulot ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng internet, mas mapapadali ang pagsasaliksik ng mga
nais mong gawin. Pagkatapos, maaaring gamitin naman ang social media upang maibahagi rin sa iba
na nagbabalak ring gumawa nito.

Baitang kompetensi Pagtukoy sa paksa Kagamitan


9
F9WG-IIId-e- Nagagamit ang angkop na Mga iba’t ibang
54 pang-ugnay na hudyat ng Panimulang Gawain larawang konektado
pagsusunodsunod ng mga sa isa’t isa.
pangyayari sa lilikhaing
kuwento.

Hakbang Sa Paggawa:

Step 1: Ang guro ay magpaparinig ng isang audio tape ng kwentong may kinalaman sa aralin.

Step 2: Ipapangkat ng guro ang mga mag-aaral na hindi nakadepende sa multiple intelligences ng mga

bata para subukin kung magagawa nila ng tama ang gawain sa kabila ng pagkakaiba nila ng mga

katangian.

Step 3: Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng mga pinaghalo-halong larawan na may kaugnayan sa

napakinggang kwento mula sa audio tape.

Step 4: Hayaan ang mag-aaral na unawain ang bawat larawan.

Step 5: Mag-uunahan ang mga mag-aaral sa pagkonekta sa mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod

ng mga pangyayari basi sa kanilang napakinggan.


Step 6: Mag-uunahan ang mga mag-aaral na idikit sa pisara ang mga pinagsunud-sunod na mga larawan.

Pagkatapos na makonekta ang mga larawan ay magsusulat sila ng kanilang sariling komposisyon mula sa

mga larawang ito.


PANGALAN NG AKTIBITI: DUGTUNGAN MO NGA!

1) KATUTURAN

Deskripsiyon:

Sa gawaing Dugtungan Mo Nga! Ang mga mag-aaral ay malayang gamitin ang kanilang malikot na
imahinasyon sa pagdugtong sa isang kwentong ‘di natapos ang wakas. Nagagamit nila ang kanilang isipan
upang maging maganda ang pagtatapos ng kwentong kanilang napakinggan.

Katangian:

Ang katangian na maaaring makuha mula rito ay pagiging malikhain at paggamit ng kanilang
malikot na imahinasyon. Nahahasa ang kanilang kasanayan sa pagsusulat ng sariling komposisyon sa
pamamagitan ng pagsusulat ng isang malikhaing

Kahalagahan:

Napakahalagang at sanayin sa ganitong uri ng gawain ang mga mag-aaral upang mahasa ang
kanilang domeyn ng pagkatuto: Kognitib, affektib at saykomotor. Kognitib, sapagkat matutuhan nilang mag-
isip nang mabuti. Makatutulong ito upang maging progresibo ang mga mag-aaral sa paglikha. Affektib,
dahil matutuhan nilang intindihin at suriin ang emosyon at damdamin ng bawat isa habang isinasagawa
ang gawain. Magkakaroon ng mabuting samahan kung open-minded rin ang lahat. Saykomotor, dahil nga,
sila’y mabilis na kikilos at mag-uunahan sa pagsagawa ng nasabing gawain.

Kaisipang napapaloob:

Ang kaisipang napapaloob sa gawaing ito ay, “ Mga panitikan,huwag kalimutan. Ito ang pamana sa
atin ng sanlibutan.”

Mula sa kaisipang ito, kinakailangang makilala ng mag-aaral ang mga panitikan natin dahil sila ang
nagpapatunay na buhay ang ating panitikan.

2) Naaayon sa

Paksa: MAIKLING KWENTO/ PAGSULAT NG WAKAS SA KWENTO

Antas: Maaaring gamitin ito sa Baitang 9

3) Kompetensi:

Ang gawaing ito ay magagamit sa ika-siyam na baitang. Sa liit ng oras na binigay bilang preparasyon,
magagawa nila ito kung gagamitin ang teknolohiya. Ito ay upang maibahagi rin sa iba ang tunguhin ng
aktibiti na ito.
Baitang kompetensi Pagtukoy sa paksa Kagamitan
10 F9PU-IIId-e- Muling naisusulat ang Audio tape
54 maikling kuwento nang
may pagbabago sa ilang
pangyayari at mga Pangwakas na Gawain
katangian ng sinuman sa
mga tauhan

Hakbang Sa Paggawa:

Step 1: Ipapangkat ang klase sa apat. Pagkatapos, magbibigay ang guro ng panuto.

Step 2: Ipaparinig ng guro o ipapabasa ang maikling kwentong hindi natapos.

Step 3: Mula sa hindi natapos na kwentong ito, hahayaan ng guro na makabuo ang bawat membro ng

pangkat na mga pangyayaring pwedeng maging karugtong ng kwentong ‘di natapos.

Step 4: Mula sa mga pinagdugtong dugtong na mga pangyayaring nabuo ng mga bata ay

ipagsasamasama ng mga ito ang kanikanilang kwento.

Step 5: Sa takdang oras ay ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang mga nabuong wakas ng kwento.

Step 6: Huhusgahan ng guro ang mga nabuong karugtong ng kwento.


Paksa na Tinalakay: MAKABAGONG PAGDULOG SA MALIKHAING PAGTUTURO NG KOMPOSISYON

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Komposisyon

Pangkalahatang layunin

(i) Upang hikayatin ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga ideya sa isang organisado

at sistematikong paraan.

(ii) Upang paganahin ang mga kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat.

(iii) Upang paganahin ang mga kakayahan ng mag-aaral na gumamit ng naaangkop na

bokabularyo sa pagsulat ng iba't ibang anyo ng komposisyon.

(iv) Upang paganahin ang kakayahan ng mag-aaral sa lohikal na pagtatanghal ng mga

katotohanan at ideya.

(v) Upang mabuo ang kanilang kakayahang makipagtalas-tasan.

Sanggunian:

https://www.slideshare.net/mobile/RoseldaFhae/pagsulat-ng-komposition
wpacouncil.org
https://gsi.berkeley.edu
https://www.tetsuccesskey.com/2015/01/teaching-of-composition-ctet.html?m=1

You might also like