You are on page 1of 2

IMELDA NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG MARKAHAN
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
AUGUST 22, 2022

I. LAYUNIN
a. Naipapakilala ng guro ang kanyang sarili sa mga mag-aaral at ang asignaturang ituturo sa klase.
b. Naipapakikilala ng mga mag-aaral ang kanilang sarili sa klase bilang bahagi ng pagsisimula ng pag-aaral sa
taon 2022-2023
c. Natutukoy ng mga mag-aaral ang mga kilos na dapat sundin o iwasan sa klase
d. Ipapakilala ng guro ang batayan ng pagbibigay ng marka sa asignatura
e. Naipapakilala ng guro ang mga paksang pag-aaralan sa asignaturang Araling Panlipunan 10
f. Nabibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang kontemporaryung isyu.

II. PAKSA: PAGPAPAKILALA SA KLASE, KONTEMPORARYUNG ISYU


SANGGUNIAN: Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 1

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
I. Pagbati. Magandang umaga sa inyung lahat. Tayo ay magpasalamat na Tayo ay pinayagan na
magkaroon ng limited face to face sa pagtuturo ng ating asignatura dahil tayong lahat ditto ay
bakonado laban sa covid-19 virus. Ngunit kailangan pa rin nating panatilihin ang social distancing
sa ating klase upang mapanatili natin an gating kaligtasan laban sa sakit. (Indicator No. 4)
II. Pagtala sa mga lumiban sa klase
III. Mga Alituntunin na Dapat Sundin sa klase. (Indicator No. 5)(Indicator No. 1 ESP)
1. Pulutin ang mga basura/kalat na malapit sa inyu.
2. Isaayos ang inyung mga upuan
3. Isuut ang mask, mag-alcohol at panatilihin ang social distancing
4. Makinig sa guro, sumali sa talakayan at mga gawain
5. Kung may mag-aaral na malabo ang mata, maari niyang dalhin sa harap ang kanyang upuan
ngunit kailangan pa ring panatilihin ang social distancing. (Indicator No. 8)
IV. Pagtalakay sa layunin (Indicator No. 2)
I. Naipapakilala ng guro ang kanyang sarili sa mga mag-aaral at ang asignaturang ituturo sa
klase.
II. Naipapakikilala ng mga mag-aaral ang kanilang sarili sa klase bilang bahagi ng pagsisimula ng
pag-aaral sa taon 2022-2023
III. Natutukoy ng mga mag-aaral ang mga kilos na dapat sundin o iwasan sa klase
IV. Ipapakilala ng guro ang batayan ng pagbibigay ng marka sa asignatura
V. Naipapakilala ng guro ang mga paksang pag-aaralan sa asignaturang Araling Panlipunan 10
VI. Nabibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang kontemporaryung isyu.

V. Pagbabalik-aral
i. Pagbalik-aralan ang nagging pag-aaral sa nakaraang taon. Tumawag ng mga mag-aaral na
gustong magbahagi ng kanilang karanasan sa pag-aaral noong nakaraang taon.
B. Pagganyak
I. Itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral:
i. ano ang iyong inaasahan na matutunan sa kasalukuyang taon ng pag-aaral?
ii. Ano ang iyong nais na mangyari sa iyong pag-aaral sa kasalukuyang taon?

C. Pagtalakay sa Aralin
I. Ang guro ay magpapakilala sa kanyang sarili sa klase at ang asignaturang ituturo sa mag mag-
aaral. (Mrs. Princess B. Inclan, guro sa Araling Panlipunan 10)
II. Ang mga mag-aaral ay isa-isang magpapakilala ng kanilang mga sarili sa guro at sa klase.
(pangalan, edad, address)
III. Ituturo ng guro ang batayan ng pagbibigay marka sa klase (__% written works, ___%
performance, __%quarterly test)
IV. Magbibigay ang guro ng kabuuan ng mga paksang ituturo sa klase mula sa unang markahan
hanggang sa ikaapat na markahan.
V. Magkakaroon ng paunang talakayan tungkol sa kahulugan ng kontemporaryung isyu. .

D. Pagtataya. Magbibigay ang guro ng maikling pagsusulit 1-10 bilang.

1. Isulat ang buong pangalan ng guro sa asignatura


2. Ibigay ang buong pangalan ng iyong kaklase s aiyong kaliwa
3. Ibigay ang buong pangalan ng iyong kaklase s aiyong kanan
4. Ano ang batayan ng pagbibigay ng marka sa asignatura at ilang percentage?
5. Ano ang batayan ng pagbibigay ng marka sa asignatura at ilang percentage?
6. Ano ang batayan ng pagbibigay ng marka sa asignatura at ilang percentage?
7. Ano ang paksang pag-aaralan sa unang markahan
8. Ano ang paksang pag-aaralan sa ikalawang markahan
9. Ano ang paksang pag-aaralan sa ikatlong markahan
10. Ano ang paksang pag-aaralan sa ikaapat na markahan
E. Kasunduan/Takdang Aralin.
Magsaliksik sa mga kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryung isyu. Isulat sa isang kapat na papel.

INIHANDA NI:

GNG. PRINCESS B. INCLAN


GURO

You might also like