You are on page 1of 2

Pangalan ng mag-aaral: ____________________________ Petsa: _____________

Baitang at Seksyon: Grade __ - ___


Pangalan ng nagpabasa: ___________________ Relasyon ng nagpabasa sa mag-aaral: _________
Contact Number ng nagpabasa: __________________
Ang Isdang Lumilipad
Higit na marami ang uri ng mga isda kaysa uri ng mga hayop sa lupa. Humigit-kumulang sa 20,000
ang uri ng mga isdang kilala na. Taun-taon ay marami pang uri ang natutuklasan.
Nakatutuwa ang tinatawag na isdang lumilipad. May 65 iba't-ibang uri ang isdang lumilipad. May
uring iisang pares lamang ang palikpik at may uring dalawang pares ang palikpik. May uring dadalawang
pulgada lamang ang haba at mayroon din namang humahaba nang 18 pulgada. Sa mainit na karagatan
lamang na tulad ng Karagatang Atlantiko matatagpuan ang mga ito. Langkay-langkay kung maglakbay ang
mga isdang ito kaya’t nakatutuwang malasin kung biglang mangagsilipad.
Matingkad na asul ang tagiliran at likod ng mga isdang ito na puting-puting animoy pilak ang gawing
tiyan. Ang palikpik ay mahahaba’t malalapad na kapag ibinukay nagsisilbing pakpak. Upang mapasa-
hangin, lumalangoy muna ang mga isdang ito nang mabilis at nakatikom sa magkabilang tagiliran ang mga
pakpak upang mabigyang-buwelo ang pagtaas. Kapag malapit nang umangat, biglang ihinahampas ang
buntot sa tubig upang ang sikad ay lumakas. Kung tutuusin, hindi ito tunay na paglipad na tulad ng sa
ibong ikinakampay ang mga pakpak. Pag-angat sa tubig, ibinubuka lamang ang mga palikpik na parang
pakpak. Sa ganitong paraan may nakalilipad wari nang 1,000 talampakang layo sa taas na 75 talampakan
buhat sa kapatagan ng tubig. Ang taas na maaaring maabot nila'y batay sa kanilang laki.
Ang mga isdang ito'y hindi pumapaitaas kung kailangang umiwas sa kapwa isdang maaaring
kumain sa kanila, tulad ng balyena, pating, sabalo, at iba pang malalaking isda, o kaya'y kung nabubulabog
sa mga sasakyang-pantubig.

Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot bago ang bilang.


____1. Paano naglalakbay ang mga isdang lumilipad?
a. isa-isa b. pares-pares c. pangkat-pangkat d. langkay-langkay

____2. Saang uri ng karagatan matatagpuan ang mga isdang ito?


a. mainit b. mabababaw c. malalalim d. malalamig

____3. Aling bahagi ng isdang ito ang nagsisilbing pakpak?


a. buntot b. kaliskis c. hasang d. palikpik

____4. Aling bahagi ang ipinangsisikad sa tubig upang makalipad?


a. buntot b. kaliskis c. hasang d. palikpik

____5. Bakit sila pumapaitaas sa hangin?


a. upang maglaro c. upang umiwas sa kapahamakan
b. upang sumagap ng hangin d. upang manghuli ng insektong makakain

____6. Mga ilang uri ang isdang lumilipad?


a. mga 50 uri b. mga 150 uri` c. mga 65 uri d. mga 100 uri

____7. Saan sa mga karagatang ito palasak ang isdang lumilipad?


a. Karagatang Atlantiko c. Karagatang Timog Tsina
b. Karagatang Pasipiko d. Karagatang Antarktika

____8. Saan nababatay ang taas ng maaaring maabot ng mga isdang ito?
a. sa kulay b. sa laki c. sa uri d. sa pangangailangan

____9. Ilang talampakan ang kayang liparin ng isdang lumilipad buhat sa kapatagan ng tubig?
a. 65 na talampakan b. 18 talampakan c. 75 talampakan d. 1,000 talampakan

____10. Ang pagsasanay na ito'y tungkol sa __________.


a. pagkain ng isdang lumilipad c. pagpaparami ng isdang lumilipad
b. kahalagahan ng isdang lumilipad d. paglalarawan sa isdang lumilipad
LIHAM SA MAGPAPABASA
Sa magpapabasa,

Magandang araw po!

Hangarin po ng San Jose NHS na maiangat ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral ng aming paaralan. Hinihiling po
namin na ang mag-aaral ang magbabasa at magsasagot ng gawaing ito. Ito po ay makatutulong sa lubusang
paghubog sa kaalaman ng mag-aaral. Hinihiling din po naming nawa po ay paglaanan ninyo ng panahon ang gawain
na ito.

Bago po magsimula ng pagbasa ang mag-aaral, kinakailangan pong itala ninyo ang bilang ng minuto na gugugulin ng
mag-aaral sa pagbabasa. Kailangan din po ninyong pakinggan ang bilis at paraan ng pagbabasa ng mag-aaral. Itatala
po ninyo ito sa checklist sa ibaba.

Matapos po basahin ng mag-aaral ang teksto at naitala nyo na po ang obserbasyon ninyo sa bilis ng pagbabasa at
mga pagkakamali/pagtigil, ang mag-aaral naman po ay kinakailangang sagutan ang mga katanungan. Ilalagay po
namin ang mga wastong kasagutan kasama ng liham na ito upang mai-tsek po ninyo iskor ng mag-aaral.

Muli po, inaasahan namin na ang mag-aaral ang magsasagot ng gawain po na ito at ang mga tagapagpabasa po ay
magsisilbi lamang po na gabay sa mag-aaral.

Maraming salamat po!


SUSI SA PAGWAWASTO

GURO SA FILIPINO 1. D 2. A
3. D 4. A
5. C. 6.C
7. A 8. B
GAANO KATAGAL BINASA ANG TEKSTO: _____ minuto 9. C 10. D

PAGKAKAMALI AT MGA ANTALA / TIGIL SA PAGBABASA


I-tsek ang naangkop na obserbasyon sa pagbabasa ng mag-aaral.
Walang pagkakamali o walang antala/ tigil sa
nababanggit habang nagbabasa

Mayroong ilang pagkakamali at antala/tigil kapag


nagbabasa
Maraming pagkakamali at antala/tigil habang
nagbabasa
BILIS NG PAGBABASA
I-tsek ang naangkop na obserbasyon sa pagbabasa ng mag-aaral.
Mabilis ang pagbabasa
Katamtaman o normal ang bilis sa pagbabasa
Mabagal magbasa

ANTAS NG PAG-UNAWA SA PAGBABASA


I-tsek ang naangkop na kahon ayon sa iskor/ puntos na nakuha ng mag-aaral.
Nakapagbabasa ng may
lubusang pag-unawa sa 10-8 PUNTOS
binabasa
Nakapagbabasa ngunit kulang
7-5 PUNTOS
sa pag-unawa sa binabasa
Hindi nakapagbabasa at hindi
4-0 PUNTOS
nauunawaan ang binabasa
_____________________________ _____________________________
Lagda ng Tagapagpabasa Lagda ng Mag-aaral

You might also like