You are on page 1of 2

IKATLONG BUWANANG PAGSUSULIT

ANUMANG URI NG BURA AY IKUKUNSIDERANG MALI


Pangalan:______________________________________ Guro:_________________
Baitang at Pangkat:_____________________________ Petsa:_________________

I – Pag-unawa sa binasa: Basahin ang seleksyon, sagutin ang mga katanungan kaugnay sa binasa. Bilugan ag titik ng
wastong kasagutan.

Pinakamayamang Pangisdaan sa Bansa

Ang Palawan ang pinakamayamang pangisdaan sa buong Pilipinas. Isang pulong lalawigan ang Palawan na nasa
pagitan ng Sulu at China Sea. Malaki at kahali-halina ang kinaroroonan ng Palawan.
Naaakit ang mga mangingisdang nagmumula pa sa Malabon at Navotas na dumarayo rito upang mangisda.
Makabagong sasakyan at kagamitan sa pangingisda ang kanilang ginagamit. Sinusuyod nila ang katubigan ng Palawan upang
makahuli ng pinakapiling uri ng isda tulad ng tuna, salmon, sardinas, bonito at marami pang iba.
Libu-libong tonelada ng mga isda ang nahuhuli rito. sa ngayon, may 66 na bahagdan ng kabuuang huling isda sa
Pilipinas ang nahuhuli sa Palawan. Libu-libong toneladang isda ang namamatay dahil sa katandaan sa mga dagat ng pulong ito.
Para sa mga magigisda, paborito nila ang look ng Honda, Malampaya, Ulugan at Kanal ng Dumaron sapagkat sa mga
lugar na ito laging mabuti ang huli.

1. Anong pook ang pinag-uusapan sa sanaysay?


a. Malabon b. Palawan c. Navotas d. Pandakan
2. Ano ang tinatalaky sa babasahin?
a. ang mga isda sa bawat look.
b. kayamanan sa isada ng pook na ito.
c. kalayuan sa mga mangingisa ng pook na ito.
d. uri ng mga isdang nakukuha sa lugar.
3. Bakit sinasabing parang ginto sa mga mangingisda ang look ng Honda, Malampaya, Ulugan at Kanal ng Dumaron.
a. Maraming ginto ang nakukuha ng mga mangingisda.
b. Mababaw lamang ang mga katubigan ditto.
c. Laging mabuti ang huling isda rito.
d. Dito isinasalata ang mga isdang huli.
4. Mga 96 bahagdan ng kabuuang huling isda sa Pilipinas ang nahuhuli sa Palawan.
a. Tama b. Mali c. Hindi Nabanggit d. Kulang-kulang
5. Ano kaya ang masagana at murang ulam sa Palawan?
a. gulay b. isda c. karne d. de lata
6. Aling salita ang ginamit sa paglalarawan sa pangisdaan ng Palawan?
a. pinakamayaman c. pinakamalayo
b. pinakamalalaim d. pinakamarami
7. Saan matatagpuan ang pulo ng Palawan?
a. Dulong Silangan ng Pilipinas c. Pagitan ng China Sea at Sulu Sea
b. Malapit sa dalampasigan ng China d. Sa gitna ng Dagat Pasipiko
8. Alin ang angkop na salitang ginamit upang mailarawan ang ginawa ng mga mangingisda sa paghuli ng pinakapiling
isda sa Palawan.
a. sinusuyod b. pinapuputukan c. sinisisid d. binibingwit
9. Nanggaling pa sa malayong lugar ang makabagong sasakyan at kagamitan sa pangingisda.
a. oo b. hindi c. sa karatig lugar d. walang nabanggit
10. Anong ipinapahiwatig ng pangungusap na “Libu-libong toneladang isda ang namamatay sa katandaan sa katubigan ng
pulong ito”.
a. madaling tumanda ang mga isda rito.
b. ayaw nang mangisda ang mga tagaroon.
c. lubhang napakaraming isda at ilan lamang sa mga ito ang nahuhuli.
d. wala nang mahuling isda dahil sa mga basura.
1

II – PAGPILI: Basahin at Unawain ang bawat bahayag. Isulat ang SL kung SALAWIKAIN at SW naman kung SAWIKAIN.
Ibigay ang nais ipakahulugan ng bawat isa. ( 2 puntos bawat bilang) Gamitin ang likod na Bahagi ng papel.

Kahulugan
______1. Batang puso, Madaling marahuyo.
______2. Luha ng buwaya
______3. Ang gawa sa pagkabata, Dala hanggang sa pagtanda.
______4. Matandang kalabaw
______5. Nagbibilang ng Poste
______6. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa
______7. Magkataling puso
______8. Patabaing baboy
______9. May tainga ang lupa may pakpak ang balita
______10. Di Mahapayang gatang
______11. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama
______12. Nakahiga sa Salapi
______13. Ang nagwawagi ay di umaayaw, ang umaayaw ay
di nagwawagi.
______14. Namamangka sa dalawang ilog
______15. Ang ginagawa pagkabata, kadalasan ay dala
pagtanda.

III – Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang PMK kung magkatulad na
paghahambing at PDM naman kung hindi.

______1. Kasingbilis ng kidlat ang pagsulong ng baying ito sapagkat sila ang sentro ng teknolohiya.
______2. Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
______3. Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng pagkakaisa.
______4. Lubhang nakalilibang ang panonood ng sine kaysa sa pakikinig ng musika.
______5. Ang mga bansang Singapore at Thailand ay kapwa kabilang sa mga bansang makikitra sa Asya.
______6. Di –hamak na magagaling mag – Ingles ang mga Pinoy kaysa Hapon.
______7. Labis ang pagiging malambing ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
______8. Magkapareho ang gusaling pinagtatrabahuhan nina Sophia at Anna.
______9. Di – totoong mahirap ang Matematika kaysa sa Siyensya.
______10. Ang buhok ni Aileen ay kasing haba ng buhok ni Elsa.

Sagutin ang palaisipan para sa karagdagang 10 puntos (optional)

May isang lalaking nakatira sa 15th floor ng isang building. Sa umaga ay wala siyang problema sa elevator papuntang trabaho ngunit pag-uwi niya
sa gabi, sa 6th floor siya napipilitang bumaba at mula doon ay aakayatin niya yung hagdanan papuntang 15th floor. Madalas ganito yung ginagawa
niya maliban na lang kung may kasabay siya o umuulan. Bakit sa 6th floor bumababa ang lalaki sa gabi kapag walang kasabay o hindi umuulan?

Inihanda nina:

You might also like