You are on page 1of 2

Ang Puerto Princesa Underground River

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay makikita sa


Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto Princesa.
Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na nasa kuwebang
pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang nabuo mula sa mga
limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2 kilometro ang haba at ito ay
tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang dahilan kung bakit nakilala ang Puerto
Princesa Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature. Makikita sa
paligid ng ilog ang kabundukan at kagubatan. Ang makapal na kagubatan ang
nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira at endangered. Sa baybayin naman
nito makikita ang halamang bakawan at mga coral reefs. Mula nang maitalaga ang
Puerto Princesa Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature,
dumami na ang mga taong gustong makita ito, maging Pilipino man o dayuhan. Maliban
sa pagsakay sa bangka upang makita ang limestones sa loob ng kuweba, marami pang
maaaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista. Kinagigiliwan ng mga bisita rito ang
jungle trekking, wildlife watching, mangrove forest tour at ang paglangoy sa tabindagat
na puti ang buhangin. Level: Grade 6 Bilang ng mga salita: 197 Itanong ang sumusunod.
Pagganyak: Nakita mo na ba ang sikat na Underground River sa Palawan? Pagtakda ng
Layunin: Tingnan natin kung bakit ito nahirang na isa sa pitong New Wonders of Nature.
Babasahin ng guro ang pamagat: Ang pamagat ng ating seleksyon ay “Ang Puerto
Princesa Underground River.”

Makinig sa mga tanong at piliin ang tamang sagot.

1. Saang lalawigan matatagpuan ang Underground River?

a. sa Bicol b. sa Iloilo c. sa Mindoro d. sa Palawan

2. Ano ang kamangha-manghang tignan sa loob ng kuweba ng Underground River?

a. ang napakalinaw na tubig-ilog c. ang iba-t ibang hugis ng limestone

b. ang mga hayop sa loob ng kuweba d. ang mga halaman sa loob ng kuweba

3. Bakit kaya dumami ang turistang bumibisita sa Underground River?

a. madali lang puntahan ito c. naging tanyag ito sa buong mundo

b. nakakamangha ang tubig sa ilog d. pambihira ang hugis ng kuweba sa ilog

4. Bakit dapat alagaan ang mga hayop na makikita sa kagubatan sa paligid ng Underground River?

a. dahil ito ay endangered at pambihira c. dahil makukulay ito at magaganda


b. dahil may karapatan itong mabuhay d. dahil maaari itong pagkakitaan

5. Ano kaya ang kailangang gawin ng lokal na pamahalaan para sa Underground River?

a. magtayo ng iba’t ibang water sports dito c. pangalagaan at proteksyonan ito

b. lagyan ito ng mga bahay-bakasyunan d. pagbawalan ang bumibisita rito

6. Ayon sa seleksyon, ano pa ang maaaring gawin ng mga pumupunta sa Underground River maliban sa
pagpasok sa kuweba?

a. mangisda sa ilog c. lumangoy sa tabindagat

b. maglaro sa kuweba d. kumain ng masasarap na pagkain

7. Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang mahirang ang Underground River bilang isa sa Pitong
New Wonders of Nature?

a. Nagulat dahil hindi ito dapat nangyari.

b. Natuwa dahil maipagmamalaki nila ito.

c. Nalito at nakipagtalo kung kailangang puntahan ito.

d. Nag-alala dahil magiging mahal na ang pagpunta rito.

8. Alin sa sumusunod ang pinakamagandang sabihin sa mga turistang bumibisita sa Underground River?
(Pagsusuri)

a. Kaunting halaman lamang ang kunin mula dito.

b. Ingatan ang kapaligiran sa Underground River.

c. Iwasang mag-ingay habang nasa loob ng kuweba.

d. Ingatan ang pagkuha ng litrato sa Underground River

You might also like