You are on page 1of 18

Collegio De Montalban

Institute of Education
Kasiglahan Village Rodriguez Rizal

Detelyadong
Banghay Aralin sa
Araling Panlipunan
(Baitang 4)

Inihanda ni:
Lhairel Joy S. Ramones

Ipinapasa kay:
Mr. Fernando Morla Sr
Detelyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag – aaral ay inaasahang:
A. Makilala ang magagandang tanawin at pook pasyalan ng sariling bansa
B. Nabibigyang halaga ang kagandahang dulot ng mga magagandang tanawin sa
sariling bansa
C. Nailalarawan ang magagandang tanawin at pook pasyalan
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan bilang Yamang Likas ng
Bansa
B. Sanggunian:
C. Kagamitan:Powerpoint Presentation, Mga Larawan, Video Presentation
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag – aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago tayo magsimula ay inaanyayahan ko Ang mga mag aaral ay mananalangin


kayong lahat para sa ating panalangin

2. Pagbati

Magandang umaga mga mag – aaral! Magandang umaga po aming guro!


Kumusta ang bawat isa? Maayos po ang aming kalagayan ma’am!

Magaling! Masaya ako na nasa maayos


kayong kalagayan.
3. Pag tsek ng Attendance
Magtatala ako ng mga lumiban sa klase, sino Ang mga mag – aaral ay sasagot.
sa mga kaklase niyo ang wala sa araw na ito?

Mahusay! Dahil lahat kayo ay narito sa araw


na ito, bigyan ninyo ang inyong sarili ng isang
masigabong palakpakan.
4. Balik – aral
Tayo ay mag balik tanaw sa ating nakaraang
aralin. Ano nga uli ang ating paksa kahapon? Ang ating paksa kahapon ay tungkol sa mga
PANGUNAHING LIKAS NA YAMAN NG
BANSA
Magaling!
Ano nga uli ang ibig sabihin ng likas na
yaman? Ang likas na yaman ay ang mga bagay na
nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa,
kagubatan, kabundukan, mga ilog at lawa,
kasama na ang mga depositong mineral na
nagbibigay ng mga pangunahing
pangangailangan ng mga tao.
Mahusay!
Ano yung apat na uri ng likas na yaman? Yamang Lupa
Yamang Tubig
Yamang Gubat
Yamang Mineral
Sige nga kung talagang naalala niyo ang apat
ng uri ng likas na yaman, magkaron nga tayo
ng isang laro. Ang pamagat ng ating laro ay
“Hanapin Mo!”
Maari bang pakibasa ang panuto? Ang mag aaral ay magbabasa ng Panuto.

Para sa unang katanungan, sino ang gustong


sumagot?
1. Ang halimbawa ng yamang likas na ito
ay ang mga Palay, Mais, Prutas,
Gulay, Puno, Halamang - ugat, at
Halamang gamot
A W E D S Q R T H J
F G L U P A W R G S Lupa
W Q A D F G H K L G
B A Z D F Y T Y H N

Mahusay! Dahil dyan, bigyan natin siya ng


Party Clap! Ang mga mag aaral ay magsasagawa ng
Party Clap!

Ano ang yamang lupa? Ang yamang lupa ay tumutukoy sa mga


bagay, produkto, pangangailangan o pagkain
na karaniwang matatagpuan at makikita
lamang sa mga anyong lupa.

2. Ang halimbawa ng yamang likas na ito


ay ang mga isda, corals, o perlas.
B Q R S U A O T P Z
G A C O Q K U B I G
Tubig

Mahusay! Dahil dyan ay bigyan natin siya ng


Party Clap! Ang mga mag aaral ay magsasagawa ng
Party Clap!

Ano naman ang yamang tubig? Mga likas na yaman ng Pilipinas na


makukuha sa anyong tubig

3. Ang halimbawa ng yamang likas na ito


ay Tamaraw sa Mindoro, Philippine
Monkey-Eating Eagle, at Mouse deer.
A B L N Q T L A O S
P A R K A P A T I D
S U P B O M R R T E
F L U F O R Y Z L N
A G U Y C H A R I Z Gubat
C U T E N I S R J K

Mahusay! Dahil dyan ay bigyan natin siya ng


Party Clap! Ang mga mag aaral ay magsasagawa ng
Party Clap!

Ano naman ang mga yamang gubat? Ang yamang gubat naman ay ang likas na
yaman ng Pilipinas tulad ng bagay o hayop na
matatagpuan sa kagubatan.
4. Ang halimbawa ng yamang likas na ito
ay ginto, pilak, tanso, langis, diyamante
atbp.
M I N E R A L O W E
Z E B B I A N A X D
A L L O F U S R D E
A D S U H Y E O K L
Mineral

Mahusay! Dahil dyan ay bigyan natin siya ng Ang mga mag aaral ay magsasagawa ng
Party Clap! Party Clap!

Tumutukoy sa mga likas yaman ng Pilipinas


Ang panghuli, ano naman ang yamang na mamimina o mahuhukay sa ilalim ng lupa
mineral? ang mga yamang mineral. Ang yamang
mineral ay madaling maubos at hindi
napapalitan.
Magaling!

B. Pagganyak
Ngayon, ako ay may isang katanungan.
Ano ano ang mga pook pasyalan na
napuntahan niyo dito sa Pilipinas? Ang mga mag aaral ay sasagot.

Nakapunta na ba kayo sa lugar na kung saan


may magagandang tanawin? Maari niyong Opo! (Ang mga mag aaral ay mag babahagi
ibahagi sa klase ang mga ito. ng kanilang karanasan)

C. Paglalahad

Ngayon ay mas lalo pa nating kilalanin ang


ating bansa. Mayroon akong nais ipapanood
sa inyo ngunit bago ko ito ipanood sa inyo ay
atin munang alalahanin ang ilan sa mga
patakaran natin sa panonood ng isang video. Manood ng tahimik
Ano ano nga uli ang mga iyon? Wag makikipag daldalan sa katabi
Magtala ng mga impormasyon mula sa
napanood
Magaling!

LINK: https://youtu.be/4RD1On2QPZs

D. Pagtatalakay
Nagustuhan nyo ba ang inyong pinanood na Opo
video?

Sige nga, kung talagang nanood kayo ng


mabuti, ano ano ang mga magagandang Banaue Rice Terraces
tanawin o pook pasyalan ang nabanggit sa Fort Santiago
video? Bangui Wind Farm
Baler Aurora
Barasoain Church
Batanes Islands
Boracay
Chocolate hills
El Nido Palawan
Hundred islands
Luneta Park
Pagsanjan Falls
Mt. Mayon, Mt Pinatubo
San Juanico Bridge
Subterranean River
Tubbataha Reefs
Taal Volcano
Mahusay! Mula sa inyong napanood na bidyo,
ano sa tingin ninyo ang pag aaralan natin sa
araw na ito?
Magagandang Tanawin o Pook Pasyalan
bilang likas na yaman ng bansa
Tunay ngang maraming magagandang
tanawin o pook pasyalan dito sa ating Bansa
na siyang yaman na din natin. Halina’t mas
kilalanin pa ang bansa natin! Ating talakayin
ang iba’t ibang magagandang tanawin o pook
pasyalan dito sa ating bansa!

Dumako tayo sa mga magagandang tanawin


o pook pasyalan dito sa Luzon.

Banaue Rice Terraces


Ano sa tingin niyo ito?
Magaling! Ang Banawe Rice Terraces o
Hagdan – hagdang palayan ay matatagpuan
sa Banaue, Ifugao. At alam niyo ba na
itinanghal ng UNESCO ang tanawing ito
bilang World Heritage Site dahil sa kamangha
manghang pagkakagawa nito at
pagkakahubog nito ng mga ninunong Ifugao.
Tunay ngang masipag at matiyaga ang mga
Ano ang nagpapatunay sa ating mga Pilipino.
Pilipino?

Ano pa ang pook pasyalan na itinanghal ding


World Heritage Site ng UNESCO? Ano sa
tingin ninyo ang nasa larawan?

Ang mga mag aaral ay sasagot


Ito ay ang Vigan sa Ilocos Sur. Ang Calle
Crisologo na kung saan ay puno ng mga
bagay na istilo ng Espanya. Ito ay para sa Bangui Wind Farm
mga bisita na nais maranasan na maipadala
pabalik sa panahong ito sa panahon ng
kolonyal ng Pilipinas.

Ano itong pook pasyalan na ito?

Magaling! Ang kauna unahang windmills sa


Pilipinas ay nasa Bangui, Ilocos Norte kaya Hundred Islands
tinawag itong Bangui Windmills. Nakaharap
sa dagat ang malalaking elisi na
pinagkukunan ng lakas ng enerhiya mula sa
hangin.

Ano naman itong pook pasyalan na ito?


Tama! Ang Hundred Islands ay matatagpuan
sa Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Ito ay
tumpok – tumpok na mga pulo na nagkalat sa
Golpo ng Lingayen. Tatlo sa mga pulo ang
ginawang atraksyon sa ating mga turista.

Ang mga mag aaral ay sasagot

Dumako naman tayo sa Subterranean River

Sa tingin nyo mga bata, ano ang nasa loob ng


kweba?

Ang Subterranean River o Underground River


ay matatagpuan natin sa Puerto Princesa
Palawan. Ito ay isang mahabang ilog sa ilalim
ng yungib na may mga batong mineral.
Noong Nobyembre 2011 ay napasama ito sa
New Seven Wonders of Nature.

Dito tayo sa isa pang pook pasyalan. Ano ang


nakikita niyo sa larawan? Bulkang Mayon

Ako po titser!

Ano sa tingin ninyo ang lugar na ito?

Magaling! Ang Bulkang Mayon ay


matatagpuan sa Bikol (Lalawigan ng Albay.)
Ito ay dinadayo ng mga turista dahil sa
angking ganda ng tanawin nito at kilala din ito
dahil sa perpektong hugis apa nito.
Sino na ang nakapunta sa Bulkang Mayon?
Luneta Park po ma’am!

Dr. Jose P. Rizal po Ma’am!

Sunod, sino sa inyo ang nakakaalam nitong


pook pasyalan na ito?

Tama! Ito ay isa sa mga makasaysayang


pook sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa
lungsod ng Maynila. Ito ay nagsilbing huling
hantungan ng ating pambansang bayani,
Sino nga uli an gating pambansang bayani?

Mahusay! Ito ang nagsilbing huling hantungan


n gating pambansang bayani sapagkat dito
siya binaril at pinatay noong Disyembre Boracay po ma’am!
30,1896 (panahon pa noon ng mga
Espanyol).

Dumako naman tayo sa mga pook-pasyalan


sa Visayas. Anong pook – pasyalan kaya ang Opo
nasa larawan?

Ang mga mag aaral ay sasagot

Nakapunta na ba kayo dito?

Ang Boracay beach ay matatagpuan sa


lalawigan ng Aklan at isa sa Chocolate Hills po ma’am!
pinakamagandang tanawin sa Kabisayaan.
Sa tingin niyo bakit kaya maraming turista ang
nahahalina rito? Maari niyo bang ilarawan ito?

Magaling! Kaya di na maipagtatakang


maraming turista ang nahahalina dito dahil sa
angking ganda nito.

Dumako na tayo sa kasunod pang pook


pasyalan sa Visayas. Ano sa tingin niyo ang
pook pasyalan na ito?

Opo ma’am!

Magaling! Ito ay ang kahanga hangang


Chocolate Hills o burol na makikita natin sa
Carmen, Bohol. Alam niyo ba na kapag
panahon ng tag araw, kulay tsokolate ang
mga ito. Ang hugis at kulay ng mga ito ang
pinaghanguan ng kaniyang pangalan.

Sunod, gusto niyo bang malaman ang isa sa


pinakamahabang tulay sa Pilipinas?

Ayan ang San Juanico Bridge. Ito ang tulay


na nag uugnay sa mga lalawigan ng Samar at
Leyte. Mabilis ang paglalakbay ng mga tao at
pagdadala ng mga produkto sa pamamagitan
ng tulay na ito.

Magellan’s Cross po ma’am!


Ito klas, ano kayang pook pasyalan ito?
Magaling!
Ang Magellan’s Cross ay ang pinakatampok
sa mga makasaysayang pook sa Lungsod
Cebu na Sugbu pa ang katawagan noong Ang mga mag aaral ay sasagot
dumating ang grupo ng manunuklas at
nabigador na Portuges na si Fernao
Magalhaes (Fernando Magallanes sa Kastila)
o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan.
Ang krus ni Magellan sa Cebu City ay
pinaniniwalaang krus na dala-dala ni Magellan
nang siya at ang kanyang mga tauhan ay
lumapag sa Cebu upang dahil ang
Katolisismo sa ating bansa.

Dumako naman tayo sa Mindanao, may mga


pook pasyalan ba kayong mga alam sa
Mindanao?
Magaling! Isa po siyang talon ma’am!

Sino sa inyo ang nakakaalam ng pook


pasyalan na ito? Ano ang nakikita niyo sa
larawan?
Mahusay! Ito ay ang Talon ng Maria Cristina
Falls. Alam niyo ba na ang talon na ito ang
pangalawa sa pinakamataas na talon sa
Pilipinas? Matatagpuan ito sa Lungsod Iligan,
sa lalawigan ng Lanao del Sur sa Mindanao.
Ang Lungsod Iligan ay tinaguriang “Siyudad
ng mga Maharlikang Talon” dahil sa
matatagpuan dito ang may 23 talon. Ang
Talong Maria Cristina ang pangunahing Ang mga mag aaral ay sasagot
pinagmu-mulan ng koryenteng pinadadaloy sa
Mindanao.

Ano naman ang nakikita niyo sa larawan na


ito?

Mahusay! Ito ay isang halimbawa ng “Vinta”.


Kung mapapansin ninyo ang mga Vinta na ito
ay makukulay at kalimitang ginagamit sa
paglalayag sa dagat sa Mindanao.Makukulay
ang mga banderitas nito na sumisimbolo sa Bahay ni Rizal noon ma’am!
makulay at mayamang kultura ng mga
naninirahan dito. Ito ay matatagpuan sa
Zamboanga at ginagamit din ito sa
pangingisda.
Dr. Jose Rizal po
Sunod naman ay ang..
Ano sa tingin ninyo ang nasa larawan? Ito po ay isang halimbawa ng isang Bundok

Tama! Ito ay ang tinatawag nating Rizal


Shrine or Dapitan Shrine. Ito ay ang dating
tirahan ng ating pambansang bayani.
Sino nga uli ang ating pambansang bayani?
Tama! Ito ay matatagpuan natin sa Dapitan,
Zamboanga del Norte. Makikita din natin ditto
ang mga punong itinanim mismo ng ating
pambansang bayani.

Opo ma’am!

Ano naman ang nakikita niyo sa larawan?


Mahusay! Ito ay ang Bundok Apo na
matatagpuan natin sa mga lalawigan sa
Davao del Sur at North Cotabato. Ang Bundok
Apo ay ang siyang pinakamataas na bundok
sa Pilipinas. Ang Bundok Apo ay patag sa
ibabaw na may tatlong talutok. Sa bahaging
timog sa ibaba ng bunganga ay may uka o
vent na nilalabasan ng singaw na asupre.
Tinatawag din itong Sandawa (Bundok ng
Asupre) ng mga taong naninirahan sa paanan
nito.

Napakaraming magagandang tanawin o pook


pasyalan na nagsisilbing yamang likas ng
ating bansa.Naiintindihan niyo po ba ang ating
talakayan? May katanungan ba kayo?

E. Paglalapat
Kung wala kayong mga katanungan, dumako
na tayo sa ating pangkatang gawain. Hahatiin
ko kayo sa tatlong pangkat.
Bawat pangkat ay ipapakita ang kagandahang
taglay ng mga magagandang tanawin o pook
pasyalan. Bawat grupo ay magbabahagi ng
kanilang mga kaalaman ukol sa mga tanawin
o pasyalan na ito, at pipili kayo ng mga
kagrupo na magrerepresentante sa bawat
pook pasyalan sa lugar nyo. Ituring nyo
kaming mga nanonood na isang dayuhan o
turista na dumarayo sa inyong lugar kumbaga
magsisilbi kayong gabay o tour guide namin.

Ang unang pangkat ay ipapakita ang mga


magagandang tanawin o pook pasyalan sa
Luzon.

Ang pangalawang pangkat ay ipapakita ang


mga magagandang tanawin o pook pasyalan
sa Visayas

Ang pangatlong pangkat ay ipapakita ang


mga magagandang tanawin o pook pasyalan
sa Mindanao.

Narito ang pamantayan sa pag grado ko sa


inyong isasagawang pangkatang gawain:

Nilalaman – 50% Ang paksa natin ay tungkol sa mga


Presentasyon – 30 % magagandang tanawin o pook pasyalan sa
Kooperasyon – 25 % bansa bilang yamang likas ng bansa.
Takdang Oras – 15 % Banaue Rice Terraces
Kabuuan – 100% Calle Crisologo
Bangui Wind Farm
Bibigyan ko kayo ng limang minuto para Hundred Islands
tapusin ang inyong pangkatang gawain. Subterranean / Underground River
Luneta Park
Maari na kayong magsimula. Mt. Mayon
Banaue, Ifugao

Isa itong hagdan hagdang palayan na ginawa


F. Paglalahat ng mga kapwa nating Pilipino.

Bago tayo dumako sa ating maikling


pagsusulit, atin munang alalahanin ang ating Sa Vigan, Ilocos Sur po
paksang tinalakay ngayon.
Ito ay puno ng mga bagay na istilo ng
Tungkol saan nga uli ang ating talakayan sa Espanya. puno ng mga bagay na istilo ng
araw na ito? Espanya. Ito ay para sa mga bisita na nais
maranasan na maipadala pabalik sa
panahong ito sa panahon ng kolonyal ng
Pilipinas.
Ano – ano ang mga magagandang tanawin o
pook pasyalan na makikita natin sa Luzon? Sa Bangui Ilocos Norte
Hundred Islands

Saan matatagpuan ang Banaue Rice


Terraces?
Ano ang meron dito? Sino ang mga gumawa
nitong pook pasyalan na ito? Subterranean o Underground River

Saan naman matatagpuan ang Calle


Crisologo?

Ano ang meron sa Calle Crisologo?


Bulkang Mayon

Saan naman matatagpuan ang Wind Farm?

Anong pook pasyalan ito na matatagpuan sa Luneta Park


Lungsod ng Alaminos Pangasinan na may
tumpok tumpok na mga pulo? Boracay
Chocolate Hills
Anong pook pasyalan ito na may mahabang
San Juanico Bridge
ilog sa ilalim ng yungib na may batong
Magellan’s Cross
mineral? Ito ay matatagpuan sa Puerto
Princesa Palawan

Ano naman itong pook pasyalan na ito na Boracay


matatagpuan sa Bikol (Lalawigan ng Albay.)
Ito ay dinadayo ng mga turista dahil sa
angking ganda ng tanawin nito at kilala din ito
dahil sa perpektong hugis apa nito.
Chocolate Hills
Ito ay isa sa mga makasaysayang pook sa
Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa lungsod ng
Maynila. Ito ay nagsilbing huling hantungan ni San Juanico Bridge
Rizal,ang ating pambansang bayani,sapagkat
dito siya binaril at pinatay noong Disyembre
30,1896 (panahon pa noon ng mga
Espanyol).

Ano – ano ang mga magagandang tanawin o


Magellan’s cross
pook pasyalan na makikita natin sa Visayas?
Anong pook pasyalan ang matatagpuan sa Talon ng Maria Cristina
lalawigan ng Aklan at isa sa Vinta
pinakamagandang tanawin sa Kabisayaan. Dapitan Shrine
Bundok Apo
Ano naman yung burol na matatagpuan sa
Bohol?

Ano naman yung nabanggit natin kanina na


isa sa mga pinakamahabang tulay sa
Pilipinas? Talon ng Maria Cristina

Ano naman yung pinakatampok sa mga


makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na
Sugbu pa ang katawagan noong dumating
ang grupo ng manunuklas at nabigador na Vinta
Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando
Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang
si Ferdinand Magellan
Dapitan Shrine
Ano – ano ang mga magagandang tanawin o
pook pasyalan na makikita natin sa
Mindanao? Bundok Apo

Ano ang talon na ito ang pangalawa sa


pinakamataas na talon sa Pilipinas?
Matatagpuan ito sa Lungsod Iligan, sa
lalawigan ng Lanao del Sur sa Mindanao

Ano ang tawag sa makulay na Bangka sa B


Mindanao?

Ano naman ang tawag sa pook pasyalan na


ito na kung saan ay ang dating bahay ng ating
pambansang bayani?
B
Ano ang bundok na ito na matatagpuan natin
sa mga lalawigan sa Davao del Sur at North
Cotabato at ang siyang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas.
A
Mahusay!
IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
1. Ito ang pinakamataas na bundok sa A
Pilipinas
a. Bundok Mayon
b. Bundok Apo
c. Bundok Pinatubo
2. Ito ay matatagpuan sa Aklan na kung
saan ay dinarayo ng mga turista tuwing C
tag init.
a. Wawa
b. Boracay
c. Underground River
3. Ito ay ang isa sa pinakamahabang
tulay sa Pilipinas na nag uugnay sa A
mga lalawigan ng Samar at Leyte
a. San Juanico Bridge
b. Leyte Bridge
c. Samar Bridge
B
4. Ito ang dating tirahan ng ating
pambansang bayani na kung saan ay
matatagpuan sa Zamboanga Del Norte
a. Dapitan Shrine
b. Luneta Park
c. Chocolate Hills A
5. Anong pook pasyalan ito na
matatagpuan sa Lungsod ng Alaminos
Pangasinan na may tumpok tumpok na
mga pulo? A
a. Babuyan Islands
b. Tubattaha Reefs
c. Hundred Islands A

6. Ito ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao at


ang isa sa yamang likas ng mga taga Ifugao.
A. Banaue Rice Terraces B. Bulkang Mayon
C. Bundok Apo

7. Ito ay pook pasyalan na puro istilo ng mga


Kastila ang makikita. Ito ay matatagpuan sa
Vigan, Ilocos Sur.
A. Calle Trese B. Calle Crisologo C.
Intramuros
8. Ito ay pook pasyalan na makikita sa Bangui
Ilocos Norte.Ito ang kauna unahanang
windmills sa Pilipinas
A. Bangui Windmills B. Laoag Windmills
C. La Union Windmills
9. Ito ay isang mahabang ilog sa ilalim ng
yungib na may mga batong mineral.
A.Subterranean River B. Ilog Cagayan C.
Riverside

10. Ito ay matatagpuan sa Carmen, Bohol na


nagkukulay tsokolate kapag panahon ng tag
araw.
A. Chocolate Hills B. Manila Hills C.
Green Hills

V. Takdang Aralin

Pumili kayo ng isa sa mga magagandang


tanawin o pook pasyalan na natalakay natin
kanina na gusto niyong puntahan at kung
bakit. Isulat ito sa isang buong bond paper.

You might also like