You are on page 1of 3

MGA BAHAGI AT PROSESO NG PANANALIKSIK

Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong proseso ng


pagsasagawa ng pananaliksik. Makatutulong sa kaniya kung sa unang bahagi pa lamang ng pananaliksik
ay makabuo na siya ng plano sa tatakbuhin ng buong pag-aaral tungo sa pagsagot ng tanong sa
pananaliksik.
Ang pag-alam ng proseso ng pananaliksik ay makapagbibigay sa mananaliksik ng sapat na
pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng impormasyong bubuo sa pananaliksik. Narito ang
pangkalahatang proseso ng pananaliksik at kahalagahan ng pagsasagawa ng bawat bahagi.

1. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


Sinisimulan ang anumang pananaliksik sa pagpili at paglimita ng paksa. Ang nalimitahang paksa
ay isinasalin sa tanong na magsisilbing gabay ng buong pananaliksik. Makabubuti sa unang bahagi pa
lamang ng pananaliksik ay may malawak nang pagkaunawa sa paksa ang mananaliksik upang maging
madali sa kaniya ang mga sumusunod na bahagi.

2. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
Ang bahaging ito ay mas nagbibigay ng katiyakan sa tatakbuhin ng pananaliksik. Sa antas na ito,
kinakailangang natukoy na ng mananaliksik ang tiyak na suliranin ng pananaliksik upang malapatan ng
tiyak na disenyo.

3. Pangangalap ng Datos
Sa bahaging ito nangyayari ang produksyon ng bagong datos na pagbabatayan ng kalalabasan ng
pananaliksik kung kaya’t mahalagang maging masinop, matiyaga, at matapat ang mananaliksik.
Pagkatapos tukuyin ang disenyo at pamamaraan sa nakaraang bahagi, kailangan nang ihanda ang
instrument o kasangkapang gagamitin upang mangalap ng datos.

Sa bahaging ito, isinasagawa na ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng


dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pag-aaral. Pagkatapos mangalap ng datos mula sa
mga nabanggit na pamamaraan, isasaayos at ihahanda ng mananaliksik ang datos para sa presentasyon
at pagsusuri.

4. Pagsusuri ng Datos
Sa bahagi naming ito ginagawa ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mananaliksik, ang
lumikha ng bagong kaalaman sa pamamagitan ng pagsusuri at interpretasyon ng mga datos na nakalap.
Tandaan na ang sistematikong presentasyon ng datos ang magtatakda sa husay ng panunuri at
interpretasyon kung kaya’t kailangang pag-isipang mabuti ng isang mananaliksik ang pinakamabisa at
angkop na presentasyon.

Pagkatapos ng paglalatag ng resulta at pagtalakay nito, mahalaga rin na lagumin ng mananaliksik


ang pangkalahatan at mahalagang natuklasan ng pananaliksik mula sa datos at bumuo ng mga
kongklusyon mula rito. Ang rekomendasyon ng pananaliksik ay binubuo batay sa mga natukoy na
kongklusyon ng pag-aaral. Maaari ding maging rekomendasyon ang mga suhestyon ng pagpapalawak o
pagpapalalim sa susunod na mananaliksik.

5. Pagbabahagi ng Pananaliksik
Ang huling bahagi ng proseso ng pananaliksik ay labas na sa mismong pagsusulat ng papel-
pananaliksik kaya’t madalas na nakaligtaan o napagwawalang bahala ito. Gayunpaman, kailangan
bigyan-pansin at paunlarin ang bahaging ito upang maipalaganap ang resulta ng pananaliksik. Kapag
natapos ang isang semestre sa klase sa pananaliksik o kaya ay nakatapos ng tesis o disertasyon sa isang
programa, kadalasang inilalagak na lamang sa silid-aklatan ang mga natatapos na pananaliksik.

Sa pinakahuling antas ng pananaliksik na ito, titiyakin na maibabahagi ng mananaliksik ang


mahahalagang naging kongklusyon ng pananaliksik. Dahil hindi pa maituturing na buo ang pananaliksik
hangga’t hindi ito naibabahagi.

Narito ang isang dayagram na nagpapakita ng kabuuang proseso ng pananaliksik:

Ang mga bahagi ng papel-pananaliksik na natukoy mula sa bawat antas ng proseso ay ang mga
sumusunod:
Kabanata I: Panimula at Sanligan ng Pag-aaral
A. Paglalahad ng Suliranin at Ipotesis
B. Kahalagahan ng Pag-aaral
C. Pagpapakahulugan sa mga Katawagan
D. Saklaw at hangganan ng Pag-aaral
Kabanata II: Kaugnay ng Literatura ng Pag-aaral
A. Sintesis
Kabanata III: Disenyo ng Pananaliksik at Metodolohiya
A. Layunin at Disenyo ng Pag-aaral
B. Metodo
- Mga kalahok
- Mga kagamitan sa pananaliksik
- Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos
C. Pagsusuri, Pamamaraan ng mga Istadistikang Datos
Kabanata IV: Mga Kinalabasan
A. Palarawang Pagsusuri ng mga Datos
B. Inferensyal na Paglalahad ng mga Datos
Kabanata V: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
A. Buod ng Suliranin, Mga Metodo at Natuklasan
B. Mga Pangunahing Natuklasan
C. Kongklusyon
D. Mga Rekomendasyon

You might also like