You are on page 1of 5

Mga Gawain Sa Filipino 10

Name : ___________________________________ Grade:_______________ Score ________

MODYUL 1:
Gawain 1. Isulat ang A kung ang isinasaad na pandiwa ay aksiyon, K kung karanasan, P kung
pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. tumula _______________________________
2. gumapang ____________________________
3. nahihiya ______________________________
4. nahimatay ____________________________
5. nagiba _______________________________
Gawain 2. Gamitin ang mga pandiwa sa pangungusap.
PANDIWA PANGUNGUSAP
1. tumula
2. gumapang
3. nahihiya
4. hinimatay
5. nagiba

MODYUL 2
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot .

1. Akdang pampanitikan na nagsasalaysay at nagtuturo ng kinikilalang


pamantayang moral na karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Bibliya.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. parabula D. tula
2. Sila ang gumaganap o ang mga gumaganap sa isang kuwento na hinango sa
banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng magandang aral.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
3. Ito ang paglalahad ng pagka sunod-sunod ng pangyayaring naganap
sa kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
4. Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaring ito ay tumutukoy sa
lugar na pinagdausan ng kuwento, oras at panahon.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan
5. Ito ang matututunan ng isang tao matapos mabasa ang isang kuwento.
A. aral C. tagpuan
B. banghay D. tauhan

6. Ito’y mga halimbawa ng parabula maliban sa isa.


A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Ang pagong at ang kuneho
7. Ang banghay at ang mga tauhan ay tao.
A. feminism C. realistiko
B. moralistiko D. romantiko
8. Ang parabula ay isang maikling salaysay na maaaring nasa anyong
___________ o prosa
A. pakanta C. realistiko
B. patula D. sanaysay
9. Ang mga parabula ay ang mga kuwento na hinango sa _________
A. Bibliya C. magazine
B. komiks D. pahayagan
10. Kuwentong parabula tungkol sa isang taong matulungin kahit hindi niya ito
kaano-ano.
A. Ang Alibughang Anak C. Ang Matalinong Haring si Solomon
B. Ang Mabuting Samaritano D. Parabula ng Nawawalang Tupa
Panuto: Piliin ang Titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari.


A. Pandiwa C. Pang-ugnay
B. Pang-abay D. Pangatnig
2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar _______,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang pangungusap?
A. dahil sa C. tiyak
B. kung gayon D. tuloy

Para sa bilang 3-4


1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng
babae sa kanyang natuklasan! 2. Ganoon nga ang kanyang ginawa.
Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat.
At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.
3. May isang babaeng nakabili ng buhay na manok sa palengke 4. Upang
makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain
ang manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

3. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap?


A. 3124 C. 1432
B. 4312 D. 2341
4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-
sunod?
A. pangungusap 1 C. pangungusap 3
B. pangungusap 2 D. pangungusap 4
5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa. ____________ kanyang
kasuwapangan, ang manok ay namatay. Ano ang angkop na pang-ugnay.
A. Ganoon din C. Nang dahil sa
B. Kung ganoon D. Sapagkat
6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang
manok hanggang sa ito ay nabundat at namatay. Anong ugali meron ang babae.
A. mapagbigay c. matapobre
B. mapagmahal D. sakim
7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano
ang angkop na pang-ugnay sa pangungusap?
A. Dahil sa C. Kung ganoon
B. Ganoon din D. Sapagkat
8. Laking gulat niya nang mangitlog ito. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay
ginto!. Anong damdamin ang nangibabaw sa babae
A. gulat C. panibugho
B. lungkot D. tuwa
9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.
A. dahil sa C. saka
B. kung kaya’t D. tuloy
10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?
A. ginto C. pula
B. pilak D. tanso
 Panimulang Pagtatasa

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.


1. Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
A. dula B. maikling kuwento
C. sanaysay D. tula
2. Elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
A. damdamin B. himig
C. kaisipan D. tema
3. Bahagi ng sanaysay kung saan dito inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-
akda.
A. gitna B. kasukdulan
C. panimula D. wakas
4. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-
aaral.
A. di-pormal B. nilalaman
C. pormal D. tema
5. Bahagi ng sanaysay na kung saan matatagpuan ang kabuuan ng sanaysay.
A. gitna B. panimula
C. tema D. wakas

6. Uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at


personal.
A. di-promal B. panimula
C. pormal D. tema
7. Elemento ng sanaysay na nakaaapekto sa pagkaunawa ng mga mambabasa.
A. anyo at estruktura B. kaisipan
C. tema D. wika
8. Bahagi ng sanaysay kung saan makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema
at nilalaman ng sanaysay.
A. katawan B. panimula
C. tema D. wakas
9. Elemento ng sanaysay na itinuturing ding paksa.
A. anyo at kaisipan B. himig
C. tema D. wika at estilo
10. Ang sanaysay sa Ingles ay tinatawag na __________.
A. essay B. fable
C. speech D. story

MODYUL 3

 Mga Gawain
Gawain 1: Paghanayin mo! Ihanay ang hanay A sa hanay B ayon sa
hinihinging sagot ng bawat pahayag.

Hanay A Hanay B
1. Ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa A. anyo at estruktura
2. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya B. damdamin
3. Ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema C. di-pormal
4. Higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat D. gitna
na mga pahayag E. himig
5. Masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig F. kaisipan
ang may-akda G. larawan ng buhay
6. Naipahahayag ng magaling na may-akda ang kaniyang H. panimula
7. Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin I. pormal
8. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing J. tema
kaisipan o pananaw ng may-akda K. wakas
9. Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang kaisipan L. wika at estilo
10. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay
Gawain 2: Punan Mo! Punan nang wastong salita ang patlang upang mabuo ang
kaisipan ng araling tinalakay.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang 1._____________ ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Ang salitang “sanaysay” ay
nagmula sa salitang “2._________” at “3.___________.” Kung sa Ingles pa, ito ay tinatawag na
4.___________.

May dalawang uri ng sanaysay, ito ay ang 5.__________ at 6._____________. Nahahati sa


tatlong bahagi o balangkas ang sanaysay. Ito ay ang 7.____________, 8.___________ at
9.____________. Ang tema ay itinuturing ding 10.____________.

 Panimulang Pagtatasa

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa sagutang papel.

1. Isang pilosopo na sumulat ng “Alegorya ng Yungib”.


A. Aristotle B. Plato
C. Pythagoras D. Socrates
2. Sa akdang “Alegorya ng Yungib”, sa tingin mo ilang tao ang nag-uusap?
A. dalawa B. isa
C. lima D. tatlo
3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pagmasid?
A. paghirap B. paghumaling
C. pagliyab D. pagmasdan

4. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito, “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na
akala”.
A. Ang pagtitiis ay makatutulong sa atin upang makaligtas at kung hahayaan nating maaliw tayo
sa mga huwad na mga akala maaari natin itong maipanganib.
B. Ang taong hindi marunong magtiis ay gustong aliwin ang sarili sapagkat takot siyang
masaktan.
C. Marunong magtiis sa mga bagay-bagay at huwag itong madaliin kaysa maaliw sa mga huwad
na akala.
D. Nagtitiwalang ang lahat ng kasawian ay may pag-asa.
5. Sa pamagat na sanaysay na “ALegorya ng Yungib”, anong kaisipan ang agad-
agad na pumapasok sa iyong isipan?
A. pagkabilanggo
B. pagkakaroon ng edukasyon
C. pagkakaroon ng magandang hinaharap
D. paglaban sa karapatan
6. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mahumaling?
A. magkagusto B. magliyab
C. magningas D. magsanay
7. Tukuyin ang angkop na paggamit ng pangungusap gamit ang salitang nagliliyab.
A. Nagliliyab ang angking kagandahan ni Flor.
B. Nagliliyab ang kasiyahan ni Sheena.
C. Nagliliyab sa galit si Aliya nang malaman niyang dinaya siya.
D. Nagliliyab sa tuwa si Anna nang siya ay natumba.
8. Ang sanaysay na “ALegorya ng Yungib” ay isang ________ na uri ng sanaysay.
A. di-pormal B. pormal
C. walang tema D. walang wakas
9. Ang nag-uusap na tauhan sa sanaysay ay sina ______________________.
A. Aristotle, Sosrates at Glaucon B. Plato, Aristotle at Glaucon
C. Socrates at Glaucon D. Socrates at Plato
10. Ano ang kasalungat ng salitang mahirap?
A. dukha B. maralita
C. mayaman D. pobre
 Mga Gawain
Gawain 1: Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. Piliin ang
titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang tinawag ni Plato na “bilanggo” sa Alegorya ng Yungib?


A. mamamayan
B. mga taong nasa loob ng yungib
C. nagkasala sa maling pag-iisip
D. sangkatauhan
2. Nang bumalik sa yungib ang mga eskapo, ayon kay Plato sila ay ________.
A. magbabalik sa labas ng yungib
B. magagalit sa mga taong nasa kuweba
C. masasanay sa mahirap na buhay
D. magtataka sa uri ng pamumuhay
3. Libro: Mambabasa , Yungib:___________
A. kadiliman B. kamangmangan
C. pagkagalit D. kathang-isip
4. Alin sa mga pangungusap na ito ang mensahe ng Alegorya ng Yungib?
A. Ang kabutihan at birtud ay likas sa tao.
B. Ang pagtawa ay isang di kaaya ayang reaksiyon sa pagkahabag.
C. Ang tao ay naiimpluwensiyahan ng kanyang kapaligiran.
D. Wala sa nabanggit.
5. Ang simbolismo ng apoy ay _________.
A. init ng pagtuklas B. kasamaan
C. panandaliang kalayaan D. tukso

You might also like