You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON III-GITNANG LUZON
SANGAY NG LUNGSOD NG SAN JOSE

Unified Learning Assessment Tool in


FILIPINO 8
Quarter 2 Week : 1 at 2
Pangalan:_______________________ Nakuha:_____________
Pangkat:________________________ Petsa:_______________

I. PANGNILALAMAN (8 Puntos)
PANUTO: Sagutin nang wasto ang sumusunod na mga tanong,piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa inyong sagutang papel (8 puntos).
1. Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng ________.
A. Pagbasa B. Pagtula C. Pag-awit D. Pagsayaw

2. Si _____________ ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.


A. Jose Corazon De Jesus B. Jose Corazon Dela Cruz
C. Jose Corazon Bautista D. Jose Corazon Bartolome

3. Nilagyan ng hulaping ______ ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag
dito.
a. -in b. -han c. -an d. –um

4. Ito ay nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, ang mga salita at paraan ng
pagbuo ay piling-pili, matayutay, at masining.
a. Sanaysay b. Tula c. Maikling Kuwento d. Dula

5. Ang _______ ay bilang ng mga pantig sa isang taludtod.


a. Sukat b. Tugma c. Taludtod d. Saknong

6. Ano ang tawag sa mga salitang magkatunog sa hulihan ng mga taludtod?


a. Sukat b. Tugma c. Taludtod d. Saknong
7. Ito ay binubuo ng mga linya o grupo ng mga salita.
a. Sukat b. Tugma c. Taludtod d. Saknong

8. Ano ang tawag sa mga linya sa loob ng isang saknong?


a. Sukat b. Tugma c. Taludtod d. Saknong

II. PAGTAYA SA PAGGANAP


GAWAIN: (12 PUNTOS)
Panuto: Muli na namang masusubok ang husay mo sa pagsulat. Ngayon ay susulat ka
ng isang pangangatuwiran na binubuo ng dalawa o tatlong talata lamang kung saan ay
ilalahad mo ang iyong sariling opinyon o katuwiran patungkol sa kahalagahan ng
edukasyon sa buhay ng mga kabataan upang magkaroon nang maayos at masaganang
pamumuhay. Gawin mo ito sa papel.

Pamantayan Laang
Puntos
Ang talata ay magkakaugnay at may maayos na pangungusap. 4

Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol sa 4


paksa.
Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting talata. 4

Kabuuang Puntos 12

You might also like