You are on page 1of 2

Grade 4-Q1-FILIPINO

Name: ______________________________________ Date: ____________________


Grade:______________________________________ Section: ___________________

Quarter: 1 Week: 2
MELC(s:
1. Nabibigyang-kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon. (F4PT-Ia-1.10)
2. Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa kasingkahulugan, kasalungat, gamit ng pahiwatig,
diksyunaryong kahulugan. (F4PT-Ig-1.4, F4PT-Ii-1.5, F4PT-IIe-1.4,F4EP-Ib-6.1)
_____________________________________________________________________________________

Aralin1: Pagbibigay kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pormal na depinisyon

Ang pormal na salita ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng karamihang makapag-aaral sa wika. Ito ay gumagamit ng bokabularyo na mas
kumplikado kaysa sa ginagamit saw araw-araw na usapan.

Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin kung ang isinasaad ay tama o mali. Isulat ang
TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung ito ay di-wasto. Isulat ang
tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang kahulugan ng salitang dalubhasa ay mga eksperto o taong may malalim na
kaalaman o kasanayan sa isang larangan.
_____2. Ang salitang kapansanan ay isang nakatawang kondisyon ng isang tao.
_____3. Ang problema o suliranin na sumusubok sa lakas o kakayahan ay tinatawag na
pagsubok.
_____4. Ang parangal ay pagkilala para sa kahusayan ng isang tao.
_____5. Ang kahulugan ng salitang embutido ay malamig na pagkain.

Aralin 2: Pagbibigay ang kahulugan ng salita ayon sa kasingkahulugan, kasalungat, gamit


ng pahiwatig, diksyunaryong kahulugan.

A. Pagbibigay ng kasingkahulugan ng mga salita


Makatutulong sa pagkilala ng bagong salita ang pag-alam ng kasingkahulugan nito. Sa
pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang salita na may gayon ding kahulugan, lalong
mauunawaan ang salitang nililinang. Halimbawa: Pinagtatakhan-ikinagulat

B. Pagbigay ng kahulugan ng salita ayon sa kasalungat.


Ang kasalungat ay kabaligtaran. Halimbawa: nakararaan –paparating

C. Pagbibigay ng kahulugan ng salita gamit ang pahiwatig.


Makikita mismo sa loob ng pangungusap ang sagot
Halimbawa: Magawan-mabigyan ng solusyon

D. Pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa diksyunaryong kahulugan.


Sa pagbibigay ng kahulugan ng salita ayon sa diksyunaryong kahulugan, ang diksyunaryo
ay nagpapakita ng mga kahulugan ng mga salitang di mauunawaan.
Halimbawa: pag – aralan-mapatalas ang isip ng isang tao

A. Panuto: Piliin ang titik ng kasingkahulugan ng mga salita na may salungguhit. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Nagkakaisa ang mga sektor ng bansa upang magawan ng solusyon ang pandaigdigang
suliranin.
A. kalalakihan B. isahan C. larangan D. pangkat
2. Ang grupo ng mga kabataan ay naglunsad ng proyektong pangkalikasan.
A. samahan B. indibidwal C. kalakihan D. kababauhan
3. Iminumungkahi ng pangulo ang mahigpit na pagpapatupad ng batas.
A. inirekomenda B. inireklamo C. ibinasura D. diniklara

B. Panuto: Piliin ang titik ng kasalungat ng mga salita na may salungguhit. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

___4. Ang pagpupulong ay nakapagpapatibay ng samahan.


A. nakapagbibigkis B. nakapagpapalakas C. nakapagpapalaki D. nakapagpapahina
___5. Ang kapayapaan ay susi sa pag – unlad
A. kaayosan B. kaguluhan C. katahimikan D. katiwasayan
___6. Isang katotohanan na ang pagkakaisa ng bawat mamamayan ang dahilan ng kaunlaran ng
bansa. A. kasinungalingan B. kasagutan C. suliranin D. ebidensya

C. Panuto: Piliin ang titik ng salitang nagpapahiwatig ng kahulugan sa mga salitang may
salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___7. Hindi lamang pangkabuhayan o paghahanapbuhay ang naapektuhan ng epidmya kundi


lahat ng sector.
A. paghahanapbuhay B. naapektuhan C. epidemya D. sector
___8. Ang mahinahong pagsasalita ay isang malumanay na pagpapahayag ng ideya.
A. pagpapahayag B. pagsasalita C. malumanay D. Ideya

D. Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan gamit ang diksiyunaryong kahulugan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel

_____9. legasi
_____10. daigdig

You might also like