You are on page 1of 3

Pangalan:____________________ Petsa:______________

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay isang kilos o proseso ng pagkuha ng kahulugan ng isang nasusulat o


nalilimbag na mga salita at iba pang nasusulat na bagay.
a. Pagbasa c. Pakikinig
b. Pagsasalita d. Pagsulat
2. Ito ay ang tradisyunal na pananaw sa pagbasa na nagsisimula sa teksto patungo
sa mambabasa.
a. Teoryang Top-Down c. Teoryang iskima
b. Teoryang Interaktiv d. Teoryang Bottom-up
3. Ayon sa kanya ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.
a. William Gray c. Badayos
b. Goodman d. Lord Chesterfield
4. Ilang mga salita ang natutunan ng isangbata sa bawat taon?
a. 1,000 c. 100
b. 5,000 d. 2,000
5. Ang wika ay maaaring pormal o di-pormal.
a. Dinamiko ang wika
b. Ang wika ay komunikasyon
c. May lebel o antas
d. Ang wika ay malikhain at natatangi

Panuto: Isulat ang titik T kung ang pahayag ay TAMA. Titik M naman ang isulat kung
ang pahayag ay MALI.

_____1. Layunin ng Teoryang Eksistensyalismo ay ipakita na may kalayaan ang tao na


pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.

_____2. Ang lohikal ay nangangahulugang naaayon sa mga risonableng inaasahan


kaugnay ng mga ispesipik na sitwasyon o kaganapan.

_____3. Maihahalintulad ang Teoryang Eksistensyalismo sa dalawang teorya; Teoryang


Romantisismo at Teoryang Klasismo.

_____4. Ang pabuod na pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo.

_____5. Ang pangangatwirang pabuod ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y


sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin,
kaisipan o konsepto.

Panuto: Pagtapatin ang mga aytem sa Hanay A at Hanay B upang mabuo ang diwa sa
bawat pahayag. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_____1. Masining ang uring ito ng Pagsulat A. Akademik

_____2. Halos lahat ng pagsulat sa paaralan B. Reperensyal


ay masasabing nasa uring ito mula sa antas
primary hanggang sa doktoradong pag-aaral. C. Malikhain

_____3. Ito ay uri ng pagsulat na na naglalayong D. Journalistic


Magrekomenda ng iba pang reperens o sors
Hinggil sa isang paksa. E. Teknikal
_____4. Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon F. Pagsulat
O eksklusib sa isang tiyak na propesyon.
G. Propesyunal
_____5. Nagsasaad ito ng mga impormasyong
Maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon
sa isang komplikadong suliranin.

PAGTUKOY: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa


nakalaang patlang.

__________1. Tawag sa pag-aaral ng makabuluhang yunit ng tunog.


__________2. Ito ang bahaging tumatalakay sa prosesong sinunod upang
maisakatuparan ang pag-aaral.
__________3. Kakayahang gamitin nang angkop ang wika depende sa sitwasyon.
__________4. Ito ang tawag sa sistemtiko, matalino at etikal na pagkalap ng
impormasyon upang masagot ang isang tanong o malutas ang isang suliranin.
__________5. Sa bahaging ito ng pananaliksik iniisa-isa ang mahahalagang terminong
ginamit sa pag-aaral.

PANUTO: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang salitang kasangkot sa pangungusap.


Isulat ang tamang sagot sa patlang na nakalaan.

Ang 1.) ______ ay ang sistematiko, matalino at 2.) _____na pagkalap ng impormasyon
upang masagot ang isang 3.) ______o malutas ang isang suliranin. 4.) _______ito dahil
hinihingi nito ang pagsunod sa isang planadong proseso. May mga hakbang kailangang
sundin upang matiyak na tama at maaasahan ang mga resultang 5.) ______at naaayon
sa pondo at oras ang gawain, lalo pa at nalilimitahan ng mga usaping ito ang
pananaliksik. Matalino ito dahil hinihingi nito ang pagiging iskolar ng mananaliksik.

Etikal pananaliksik sistematiko

Proseso makakalap

Tanong iskolar katapatan

PAGSULAT

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ibigay ang dalawang uri ng talumpati ayon sa paghahanda. Bigyang kahulugan


ang mga ito gamit ang dalawang pangungusap.
2. Ano-ano ang mga hakbangin sa paghahanda ng isang talumpati?
3. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na Teorya sa Pagbasa:
 Teoryang Top-Down
 Teoryang Bottom- Up
 Teoryang Iskima
 TeoryangInteraktiv
4. Ibigay ang depinisyon ng uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan.
5. Magbigay ng limang paraan upang maisagawa ang matalinong pagbabasa.
PANUTO: Pangatwiranan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong palagay, paano makatutulong sa kinukuha mong kurso sa ngayon ang


2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino?
2. Ano ang iyong dahilan kung bakit maituturing na ang wika ang may malawak na
salaw sa larangan ng Humanidades?
3. Paano magkakaroon kung minsan ang di pagkakaunawaan dahil sa pagbibigay
ngdepinisyon sa isang salita?
4. Bakit kailangang may maayos na pagkakasunod-sunod ang mga aytem sa isang
proseso?
5. Paano maipapakita ng isang tao ang buong-puso niyang pagharap sa mga
problemang dumarating sa buhay?

You might also like