You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

JUAN SUMULONG CAMPUS


SENIOR HIGH DEPARTMENT
TAONG PANURUAN 2018-2019
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikatlong Markahan
Pangalan:______________________________________________Petsa:______________Iskor:__________
Baitang at Pangkat:______________________________________Guro:_____________________________

Pangkalahatang Panuto: Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng PAGBUBURA sa lahat ng bahagi ng
pagsusulit.

I. Pangkaalaman
A. Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na salita o parirala na makabubuo sa diwa ng mga sumusunod na
pahayag.
1. Ang proseso ng pag-aayos,pagkuha at pag-unawa ng anumang uri at anyo ng impormasyon o ideya na
kinakatawan ng mga salita o simbulo.
a. Pakikinig b. Pagsasalita c. Pagbasa d. Pagsulat
2. Isang kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng mga salita,talasalitaan,pagbuo ng kaisipan,retorika at
iba pang elemento.
a. Pakikinig b. Pagsasalita c. Pagbasa d. Pagsulat
3. Hakbang sa pagbasa na tumutukoy sa kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa
sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay,
a.Pagkilala b. Pag-unawa c. Reaksyon d. Pag-uugnay
4. Hakbang sa pagbasa na tumutukoy sa proseso ng pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo os salita
a. Pagkilala b. Pag-unawa c. Reaksyon d. Pag-uugnay
5. Hakbang sa pagbabasa na tumutukoy sa proseso ng pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na salita o
simbolo at kakayahang mabigkas ang tunog ng mga titik na bumubuo sa bawat salita.
a. Pagkilala b. Pag-unawa c. Reaksyon d. Pag-uugnay
6. Hakbang na tumutukoy sa proseso ng pagpapasiya o paghatol sa kawastuhan at kahusayan ng teksto
a. Pagkilala b. Pag-unawa c. Reaksyon d. Pag-uugnay
7. Ang pagbabasa ay isang “Psycholinguistic guessing game” na ang sinumang nagbabasa ay may binubuong
isang ideya mula sa ideya ng awtor hango sa akdang binasa
a.Lord Chester Field b. Goodman c. Keller d. Stanovich
8. Ayon sa kanya ang pagbabasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan
a. Bernales b. Webster c. Valentine d. William Grey
9. Sa Teoryang ito pumapasok ang kahalagahan ng kasabihang “Learning is two way Process”
a. Bottom up b. Top-down c. Iskema d. Interaktib
10. Sa teoryang ito bago pa man basahin ng isang mambabasa ang isang teksto siya’y may taglay ng ideya sa
nilalaman ng teksto
a. Bottom up b. Top-down c. Iskema d. Interaktib
11. Ito ay mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na
itinakda bago bumasa
a. Iskaning b. iskiming c. pre-viewing d. muling basa
12. Ito ay mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano
inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto.
a. Iskaning b. iskiming c. pre-viewing d. muling basa
13. Ang proseso ng pagkilala at pagbibigay anyo sa mga simbolong tinutukan ng mata at pag-unawa sa
kahulugan ng mga ito.
a. Interaktib na proseso b. Metakonitib na proseso c. Kognisyon d. Iskema
14. Ito ang kamalayan ng isang tao na angkinin ang kasanayan at kakayahan niyang gamitin at kontrolin ang
mga kasanayang ito.
a. Interaktib na proseso b. Metakonitib na proseso c. Kognisyon d. Iskema
B. Pagtatapat-tapat
Panuto: Piliin sa Kolum B ang wastong kahulugan ng anim na uri ng tekstong nasa Kolum A
Kolum A Kolum B
______15. Tekstong nagbibigay impormasyon a. Deskriptibo
______16. Naglalahad nang malinaw na hakbangin b. Naratibo
______17. Mga uri ng babasahing nanghihikayat c. Prosidyural
______18. Organisado ang paraan ng pagsasalaysay d.Impormatibo
______19. Pagtatalo at pagpapaliwanag ng posisyon e. Persweysib
______20. ito ay mga uri ng babasahing naglalarawan.? F. Argumentatib

C. Pagtukoy
Panuto: Tukuyin kung masining o karaniwang paglalarawan ang ipinakikita ng pangungusap. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
_________21. Lumalangitngit na ang kawayan sa lakas ng hangin na dala ng bagyo.
_________22. Kahali-halina ang tinig ng dalagang iyon, nabighani tuloy ang aking puso
_________23. Lumuluhang paninindigan ang iniharap ng akusado sa isang krimen
_________24. Sirang-sira na ang kanyang bag nang iwan ng magnanakaw sa isang kanto
_________25. Bihira na sa ngayon ang isang kandidatong may mabuting hangarain para sa bayan
_________26. Nagulat siya nang makitang ngumingiti na pala ang isang kapares ng kanyang sapatos
_________27. Isang bundok ng labada ang hinaharap ni Tiya Mercy tuwing Sabado
_________28. Malakas, Matipuno at matikas ang nararapat na katangian ng isang lalaking haharap sa laban
_________29. Kahit kailan, talo ang walang paninindigan
_________30. Tila isang tuod na puno na lamang ang kanyang naging tugon sa sigaw ng isang magnanakaw

II. PANG-UNAWA
A. Pagtukoy
Panuto: Tukuyin ang uri ng pamimiling pagbasa. Isulat ang Titik A- Iskiming at B- Iskaning.
________31. Ang pagkuha ng pangalan at lugar ng kandidato
________32. Ang nobela
________33. Ang pagkuha ng mga pangunahing tauhan sa maikling kwento
________34. Ang tula
________35. Ang email o liham galing sa iyong matalik na kaibigan
________36. Ang TV guide para sa Biyernes
________37. Ang pangalan at lakas ng bagyong paparating
________38. Paghahanap ng trabaho sa anunsyo klaspikado ng pahayagan
________39. Pagpili ng aklat na babasahin sa silid-aklatan
________40. Pagkiuha ng konsepto sa mga artikulong binasa na may kaugnayan sa sulating papel

B. Pagpili
Panuto: Unawain nang mabuti ang sumusunod na matatalinhagang salita,parirala o pangungusap at piliin
sa loob ng kahon ang angkop na tayutay nito. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Pagtutulad Pagmamalabis
Pagwawangis Pag-uyam
Pagbibigay katauhan

_________41. Salamat sa pasakit na ibinigay mo, tinuruan mo akong humarap sa mundo


_________42. Kumukulo ang aking dugo kapag nakikita ko ang taong iyan
_________43. Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan
_________44. Kawangis ng rosas ang ganda ni Binibini Montefalco
_________45. Napakaganda niyang lumakad naiiwan ang puwet
_________46. Bundok-bundok na labahin ang naghihintay sa akin
_________47. Ang yakap nina nanay at tatay ay aking kumot sa gabi
_________48. Ginising ng sikat ng araw ang mga hayop na natutulog
_________49. Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharap
_________50. Ang kagandahan ni Lucy ay tanging mga magulang lamang niya ang nakaaalam
_________51. Ang susi sa tagumpay ay tiyaga
_________52. Napatulog ako ng apoy na sumasayaw sa baga.
_________53. Wari’y hampas sa tambol ang tibok ng aking puso
_________54. Napakaganda ng tinig ni Anne lahat ng tao ay nairita
_________55. Nagdurogo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit na ito
_________56. Lason sa iyong baga ang sigarilyo
_________57. Kasing-init ng pugon ang mga lansangan ngayong tag-init
_________58. Kumakatok ang oportunidad sa buhay mo ngayon
_________59. Yumuko ang mga punong niyog sa napakalakas na hangin
_________60. Ang mahabang buhok ni Kristina ay sinlambot at sindulas ng seda.

C. Pagpili
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos basahin piliin sa kahon ang uri ng
teksto na inilalahad ng bawat pangungusap o sitwasyon.

Impormatibo argumentatibo
Naratibo persweysib
Deskriptibo Prosdiyural
61. Maganda at madaling pakibagaya. Iyan ang impresyon ng sinumang makahaharap ni Linda. Dala
marahil iyon ng kanyang mapang-akit na mga amta na nakahahalina sa sinumang makakakita nito. _______
62. Labis na pag-init ng panahon ang buwan ng Abril at Mayo at sa buwan ng Disyembre; walang humpay ang
buhos ng ulan; bagyo sa tag-araw at biglaang pagbaha na humahantong sa labis na kapighatian sa sinuman at
walang pinipili mahirap man o mayaman. ___________
63. Muli na namang magsisimula ang panibagong araw naming sa ekswelahan sa bawat araw na kasama ko siya’
walang katumbas na kaligayahan ang aking nadarama. Kahit na magkaiba an gaming kinalakhan hindi ito naging
hadlang sa aming magkakaibigan __________
64. ipinakita ni Juan sa klase kung papaano ang paggawa ng isang origaming puso __________
65. Napahanga si Lyn sa Kagandahan ng Antique. Kaya naman kinuha niya ang kanyang dyornal upang itala ang
kanyang mga karanasan sa nakitang matatarik na daan, malinis na ilog at nanggagandahang uri ng mga bulaklak
_________
66. Sa loob ng Senado masasaksihan ang pagtatalo-talo ng mga senador tungkol na lumalaganap na “extra
judicial killing” ____________
67. bago sumulat ng isang maayos na akda, kumalap ng mga ideyang naangkop sa paksang susulatin
_____________
68. Sa pagkuha ng Temperatura at pagbasa ng thermometer; maghugas ng kamay, pauupuin o pahigain ang may
sakit ….. linisin agad ang thermometer pagkatapos gamitin ___________
69. Ipinaliwanag ni Bb. Marimar ang magandang bunga ng “Family Planning” at namahagi rin siya ng mga
contraceptives para makuha ang atensyon ng nakikinig
70. narinig at natikman nyo na ba ang Gensing Gising lambanog? Kung hindi pa, napag-iiwanan na kayo ng
panahon. Magmadali baka ito na ang inyong hinahanap na sagot sa inyong mga problemang pangkulusugan at
iba pang sakit. ________

III. Pangkasanayan
A. Pagsulat
Panuto: Sumulat ng isang komposisyong naratib. Isaalang-alang ang mga kahingian ng epektibong
naratib (71-80 pts)
Puntos
4 Kaisahan (may iisang pokus ng nilalaman ng teksto)
4 Kaugnayan (may pagkakaugnay-ugnay ang lahat ng kaisipang isinasaad ng isang teksto)
2 Kalinawan (nauunawan ang inilalahad ng komposisyon)

____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like