You are on page 1of 2

GOBGOB, TABUK CITY, KALINGA.

, PUROK 4
Tuga National High School
PAGTATAYA SA Es.P-7

Pangalan: ________________________ Taon at Seksyon: _________ Petsa: _______


Puntos:______
I.MARAMIHANG PAGPIPILI:Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa
bawat bilang sa iyong papel sagutan ang letrang A kung pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung
pandamdamin at D kung Moral. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1.Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay.
_____2.Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.
_____3.Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid.
_____4.Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin.
_____5.Nagiging maramdamin ka na ngayon.
_____6.Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.
_____7.Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
_____8.Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng
kalamidad at sakuna.
_____9.Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
_____10.Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”.
_____11.May paghanga ka na sa isang tao.
_____12.Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay pantay na
pagtingin. _____13.Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.
_____14.Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
_____15.Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang.

II.TAMA O MALI:Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang TAMA kung
ang pahayag ay wasto at MALI kung ang pahayag ay di-wasto.(10puntos)

_____1.Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang mga nagbibinata at


nagdadalaga ay hayaan sa mga nais nilang gawin kahit walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng
kanilang buhay.
_____2.Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong
talagang gustong mangyari sa buhay mo.
_____3.Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan sa buhay.
_____4.Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon sila upang gawin
ang dapat inaasahan sa kanila ng lipunan.
_____5.Habang lumalaki ang isang bata, lumalawak din ang kanyang pananagutan at tungkulin.
_____6.Sa paggawa ng pagpapasya, mahalagang sumangguni sa mga kaibigan, sila ang nakakaalam ng
tama bilang kasingedad.
_____7.Ang mga pagbabago sa katawan ay dapat langkapang ng tamang pamamahala at kilos.
_____8.Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong
kapalaran ang darating sa bawat isa.
_____9.Mahihirapan ka na tanggapin ang kahinaan ng ibang tao kung ikaw mismo ay hindi kayang
tanggapin ang sariling kahinaan.
_____10.Maaring magkaroon ng epekto ang pisikal na pagbabago sa katawan sa emosyon at maging sa
pakikitungo sa kapwa.

III.TUKUYIN MO:Tukuyin kung anong uri ng sampung larangan ng mga hilig. Piliin ang magiging
sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa inilalaang sagutang papel.(10 puntos)

________________1.Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan.


________________2.Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay.
________________3.Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina.
________________4.Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas.
________________5.Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng instrumenong musical.
________________6.Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero.
________________7.Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
________________8.Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o
pakikipagkaibigan
________________9.Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
________________10.Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman , pagdidisenyo at pag-imbento na
mga bagay o produkto.
Outdoor Computational Persuasive Literary Social service
Mechanical Scientific Artistic Musical Clerical
IV.

You might also like