You are on page 1of 2

ACTIVITY SHEET (ESP 7)

Name of Learner: _____________________________Grade Level & Section: 7-SSC


Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Module No.: 1
Title: AKO NGAYON
Learning Competency :
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili mula sa gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa
kasalukuyan sa aspetong:
a. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing
edad (pakikipagkaibigan)
b. Pagtanggap ng papel o gampanin sa lipunan
c. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito
d. Pagnanais at paagtatamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa/ sa lipunan
e. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya (EsP7PS-Ia-1.1)
2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
( EsP7PS-Ia-1.2 )
Learning Objective:
 Natutukoy ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
 Naihahambing ang larawan noong 8 o 9 taon gulang at ngayon na nasa sekondarya na.
 Napapahalagahan ang mga paggawi na nabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

A. Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat sa bawat bilang sa
iyong papel kung ito ay pangkaisipan, panlipunan, pandamdamin at Moral. Isulat ang sagot
sa papel.

1. Laging sinasabi mo na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan ka ng iyong tatay _______

2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula. _____________________

3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kesa sa iyong mga kapatid. ___________

4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting suliranin. ____________
5. Nagiging maramdamin ka na ngayon. _______________________

6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat . _________________________

7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang. __________________________

8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na sa panahon ng


kalamidad at sakuna. _____________________________

9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral. ____________________________

10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring “bestfriend”. ________________

Gawain: Maglagay ng iyong larawan noong 8 o 9 an taong gulang ka pa lang, at ilagay ang iyong
larawan ngayon na nasa sekondarya ka na. Isulat ang mga ginagawa mo noon na hindi mo na dapat
gawin ngayon na nagdadalaga (para sa babae) o nagbibinata (para sa lalaki) ka na. Gumamit ng short
bondpaper at lagyan ng desinyo.

I certify that I have truthfully answered all the activities/exercises in this activity sheet. This output is
entirely my own work. (or can be translated in Filipino/MTB as needed)
_______________________________ Date Submitted:______________________
Name and Signature of Learner

You might also like